wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

2nd Assessment Test GRADE 4 Quarter 2

Total questions: 30

Worksheet time: 3hrs 30mins

Name
Class
Date
1.

Nakita mo na ang iyong Nanay ay maraming pinagbalatan ng mga gulay. Ano ang maaaring gawin sa mga balat nito?

a)

a. Itatabi at gagamitin ko sa paggawa ng organikong abono.

b)

b. Hindi ko na papansinin

c)

c. Itatapon sa tamang tapunan

d)

d. Ipapakain sa alaga naming baboy

2.

Malawak ang inyong bakuran at mayroon kayong mga pananim na ngangailangan ng pataba. Sa iyong palagay anong klaseng pamamaraan sa paggawa ng organikong pataba ang angkop sa inyong lugar?

a)

a. Compost Pit

b)

b. Basket Composting

c)

c. Compost

d)

d. Humus

3.

Nais ni Jewel na gumawa ng organikong pataba, ngunit walang espasyo o walang lupa na maaaring gawaan. Sa iyong palagay anong klaseng pamamaraan ang maaaring gamitin ni Jewel?

a)

a. Basket Composting

b)

b. Compost pit

c)

c. Compost

d)

d. Humus

4.

Nautusan si Tobe ng kanyang Lolo na paghiwalayin ang nabubulok at di nabubulok nab asura. Ano ang maaaring gawin ni Tobe sa mga basurang nabubulok?

a)

a. Ibigay sa alagang baboy

b)

b. Itapon sa tamang tapunan

c)

c. Gamitin sa paggawa ng organikong abono

d)

d. Itatapon sa likod ng bahay

5.

Gumawa ang magpinsan na Redmond at Levister ng Compost Pit, ilan buwan bago nila isama sa lupa ang organikong abono na kanilang ginawa?

a)

a. Isang buwan

b)

b. Dalawang buwan

c)

c. Tatlong buwan

d)

d. Apat na buwan

6.

Mayroon kayong palayan at maisan nautusan ka ng iyong magulang na maglagay ng pataba. Anong klaseng pamamaraan sa paglalagay ang wasto o angkop sa kanilang pananim?

a)

a. Broadcasting Method

b)

b. Side Dressing Method

c)

c. Ring Method

d)

d. Foliar Dressing Method

7.

Mayroon kayang mga pananim na halaman na nakahilera, napansin mo na hindi malusog ang mga pananim. Anong klaseng pamamaraan ng paglalagay ng abono ang angkop sa inyong pananim?

a)

a. Side Dressing Method

b)

b. Foliar Application

c)

c. Basal Application Method

d)

d. Broadcasting

8.

Nagtanim si Laraine ng kamatis at nais niyang maglagay ng abono, ngunit hindi niya alam kung kailan mas mainam. Ano ang magandang gawin ni Laraine?

a)

a. Magtanong sa kanyang magulang, kung kailan

b)

b. Huwag na maglagay

c)

c. Iutos nalang sa kanyang kanyang kapatid

d)

d. Hayaan mabuhay mag-isa ang pananim

9.

Nais ni Hugh maglagay ng pataba sa mga pananim nila na talong gamit ang Ring Method o paraang pabilog. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasali sa hakbang?

a)

a. Humukay nang pabilog sa paligid ng tanim na may layong kalahati hanggang isang pulgada mula sa puno o tangkay

b)

b. Ilagay ang pataba sa lugar na hinukay

c)

c. Takpan ng lupa ang pataba

d)

d. Isabog ang pataba na walang direksyon

10.

Alin sa mga sumusunod ang hindi wastong paglalagay ng abono?

a)

a. Ang abono o pataba ay maaaring ilagay bago magtanim.

b)

b. Ang abono o pataba ay maaaring ilagay pagkatapos magtanim.

c)

c. Ang abono o pataba ay maaaring ilagay habang nagtatanim.

d)

d. Ang abono o pataba ay maaaring ilagay kapag bulok na ang tanim.

11.

Nakagawa ng organikong pataba si Brent, paano niya ilalagay ang nagawa niyang abono?

a)

a. Ihahalo sa lupa

b)

b. Ilalagay sa tubig

c)

c. Isasabog sa pananim

d)

a. Iispray sa pananim

12.

Bumili ng inorganikong pataba ang Tatay ni Reign, paano gamitin ang inorganikong abono na nagmula sa mga bagay na walang buhay?

a)

a. Ang paraan ng paglalagay ng patabang galing sa mga bagay na walang buhay ay nakasulat sa balot nito.

b)

b. Ang paraan ng paglalagay ng patabang galing sa mga bagay na walang buhay hinahalo sa lupa.

c)

c. Tinatapon sa lupa

d)

d. Wala sa nabanggit

13.

Anong pamamaraan kung saan ang pataba ay ikinakalat sa ibabaw ng lupa?

a)

a. Broadcasting method

b)

b. Foliar Method

c)

c. Ring Method

d)

d. Side dressing Method

14.

Ano ang tawag sa pamamaraan kung saan nilulusaw ang abono sa tubig at ini’ispray sa mga dahoon?

a)

a. Foliar Method

b)

b. Side Dressing

c)

c. Broadcasting Method

d)

d. Ring Method

15.

Nais ni Pricilla magbungkal ng lupang taniman. Anong kagamitan sa paghahalaman ang dapat niyang gamitin?

a)

a. Asarol

b)

b. Dulos

c)

c. Piko

d)

d. Pisi

16.

Nautusan ka ng iyong ama na magdilig ng pananim ninyong gulay anong kagamitan sa paghahalaman ang maaari mong gamitin?

a)

a. Asarol

b)

b. Regadera

c)

c. Piko

d)

d. Pala

17.

Pumunta ka sa inyong taniman at nakita mo na maraming malalaking tipak ng bato ang nakalagay sa kamang taniman na hinanda ng iyong Tatay. Anong kagamitan ang dapat mo gamitin upang tipakin ang malalaking bato o lupa?

a)

a. Asarol

b)

b. Regadera

c)

c. Piko

d)

d. Pala

18.

Anong pamamaraan ng paglalagay ng abono na kung saan inihahalo muna ang abono sa lupa bago taniman?

a)

a. Basal Application method

b)

b. Broadcasting Method

c)

c. Foliar Method

d)

d. Ring Method

19.

Nakita mo na sumasayad na sa inyong mga pananim ang sanga ng Mangga at nakakasira ito sa mga bunga ng tanim ninyong sitaw. Anong kagamitan ang dapat mong gamitin upang putulin ang sanga?

a)

a. Piko

b)

b. Asarol

c)

c. Dulos

d)

d. Itak

20.

Isang umaga nagising ka ng maaga at nakita mo sa inyong bakuran ang Nanay mo na naglilinis ng bakuran at maraming duyong damo ang nakakalat. Anong kagamitan ang maaaring gamitin upang mapagsama-sama?

a)

a. Piko

b)

b. Pala

c)

c. Kalaykay

d)

d. Asarol

21.

Nakalinis na ng bakuran si Gab at handa na siyang gumawa ng kamang taniman. Anong kagamitan ang maaari niyang gamitin upang makapagbungkal ng lupa?

a)

a. Kalaykay

b)

b. Asarol

c)

c. Piko

d)

d. Pisi

22.

Ano ang tawag sa kagamitang paghahalaman na ginagamit pangbungkal ng lupa?

a)

a. Asarol

b)

b. Piko

c)

c. Kalaykay

d)

d. Pisi

23.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng Basket Composting?

a)

a. Ginagawa o nilalagay sa isang sisidlan

b)

b. Ginagawa at binubulok sa ilalim ng lupa

c)

c. Maaaring gawin sa sirang drum o batya

d)

d. Wala sa nabanggit

24.

Alin sa mga sumusunod na kahalagahan ng abono o pataba ang HINDI kabilang?

a)

a. Pinapaganda ang lupa

b)

b. Pinalulusog ang pananim

c)

c. Nakakasira ng pananim

d)

Pinatataba ang lupa

25.

Alin sa mga sumusunod ang kagandahan ng paggamit ng organikong abono?

a)

a. Hindi kailangan gumastos

b)

b. Walang amoy

c)

c. Mahal gawin

d)

d. Nabibili sa mga pamilihang bayan

26.

Ano ang tawag sa kagamitan sa pagtatanim ang ginagamit na gabay sa paggawa ng mga hanay sa tamang taniman sa pagbubungkal ng lupa?

a)

a. Tulos at Pisi

b)

b. Asarol

c)

c. Kalaykay

d)

d. Dulos

27.

Nakita mo ang iyong Kuya na naglagay ng pataba sa paraang pabilog. Anong pamamaraan sa paglalagay ng abono ang kaniyang ginawa?

a)

a. Broadcasting Method

b)

b. Ring Method

c)

c. Foliar Method

d)

d. Side Dressing

28.

Ano ang kagandahan ng di-organikong pataba sa organikong pataba?

a)

a. Walang amoy

b)

b. Mura at hindi kailangan gumastos

c)

c. Madaling gawin gamit ang mga nabubulok na basura

d)

d. Makakagawa kahit nasa bahay

29.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI maganda sa paggamit ng di-organikong abono?

a)

a. Nakakasira sa kalusugan ng mga hayop at tao

b)

b. Nakakataba ng lupa

c)

c. Nagpapalusog ng pananim

d)

a. Nagbibigay ng magandang ani.

30.

Nais gumawa ng pataba ni Jewel at mayroon siyang nakitang isang drum na sira. Ano pamamaraan sa paggawa ang maipapayo mo?

a)

a. Basket Composting

b)

b. Compost Pit

c)

c. Compost

d)

d. Wala sa nabanggit