Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pabula

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Ibigay ang pagkasunod-sunod mula sa pinakamababang emosyon hanggang pataas na emosyon. ___ pagkasaid ___ nasira ___ pagkaubos

a)

nasira, pagkaubos, pagkasaid

b)

pagkasaid, nasira, pagkaubos

c)

pagkaubos, nasira, pagkasaid

d)

nasira, pagkasaid, pagkaubos

2.

isaayos ang antas ng emosyon mula sa mababaw o mababa hanggang mataas. ___ iyak ___ hagulgol ___ hikbi

a)

hikbi, hagulgol, iyak

b)

hagulgol, iyak, hikbi

c)

hikbi, iyak, hagulgol

d)

iyak, hikbi, hagulgol

3.

isaayos ang antas ng emosyon mula sa mababaw o mababa hanggang mataas. ___ galit ___ poot ___ inis

a)

inis, poot, galit,

b)

inis, galit, poot

c)

poot, galit, inis

d)

galit, inis, poot

4.

Iantas ang emosyon mula sa mababa pataas. ___ tingin ___ masid ___ sulyap

a)

tingin, masid, sulyap

b)

sulyap, masid, tingin

c)

masid, tingin, sulyap

d)

sulyap, tingin, masid

5.

Isaayos ang mga salita mula sa mababaw pataas

___ kalinga ___ kinupkop ___ inalagaan

a)

kalinga, kinupkop, inalagaan

b)

inalagaan, kalingan, kinupkop

c)

kinupkop, kalinga, inalagaan

d)

kinupkop, inalagaan, kalinga

6.

Pakiusap, bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon. Tanungin natin ang kuneho para sa kanyang hatol kung dapat mo ba akong kainin?’ Anong emosyon ang ipinapakita dito?

a)

pagkagalit

b)

pagkatuwa

c)

pagmamakaawa

d)

pagkalibang

7.

Wala akong pakialam sa pangakong iyan dahil nagugutom ako! Hindi ako kumain nang ilang araw!” tugon ng tigre. Anong damdamin o emosyon ang pinapakita dito?

a)

pagkagalit

b)

pagkatuwa

c)

pagkalungkot

d)

pagkagutom

8.

“Tingnan natin, sabi mo nahulog ka sa hukay at ikaw naman ay nakatayo dito sa itaas,” wika ng kuneho sa tigre at sa lalaki. “Pumunta kayo sa mga posisyon ninyo noon, upang mapag-isipan ko pang mabuti ang aking hatol.” Ano ang damdamin o emosyon ang pinapakita dito?

a)

pagkatuwa

b)

pag-iisip

c)

pagkagalit

d)

pagmamakaawa

9.

Mga tutubi laban sa mga matsing! Ha-ha-ha-ha!” Muling nagtawanan ang mga matsing. “Nakakatawa, ngunit pagbibigyan namin ang inyong hari,” ang sabi ng pinuno. Ang mga matsing laban sa mga tutubi!” Nagtawanang muli ang mga matsing. Ano ang damdamin ng nagsasalita?

a)

pagkatuwa

b)

pagmamayabang

c)

pagkainis

d)

pag-aalala

10.

“Pasaway! Sutil kang bata ka! Papatayin mo talaga ako!” sigaw ni inang palaka. Makinig ka sa akin kung alam mo kung ano ang makabubuti sa iyo. Ngayon. Ano ang nararamdaman ng nagsasalita?

a)

pagkagalit

b)

pagkatuwa

c)

pagmamayabang

d)

pang-aasar