wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

SEKTOR NG INDUSTRIYA

Total questions: 10

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang pangunahing layunin ng sektor ng Industriya?

a)

Magbigay ng serbisyong pampubliko

b)

Magproseso ng hilaw na materyales upang gawing produkto

c)

Mangalaga sa Likas na Yaman

d)

Magbigay ng pautang sa mamamayan

2.

Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga subsektor ng industriya?

a)

PAGMIMINA

b)

AGRIKULTURA

c)

KONSTRUKSYON

d)

PAGMAMANUPAKTURA

3.

Alin sa mga sumusunod ang isang halimbawa ng pagmamanupaktura?

a)

Pagmimina ng ginto sa Benguet

b)

Pagtatayo ng tulay sa isang bayan

c)

Paggawa ng mga gamit mula sa bakal sa isang pabrika

d)

Pagtatanim ng palay sa Nueva Ecija

4.

Ano ang pangunahing epekto ng sektor ng industriya sa ekonomiya ng bansa?

a)

Pagtaas ng presyo ng mga bilihin

b)

Paglikha ng maraming trabaho

c)

Pagkakaroon ng kakulangan sa pagkain

d)

Pagtaas ng halaga ng dolyar

5.

Bakit mahalaga ang sektor ng konstruksyon sa pag-unlad ng ekonomiya?

a)

Nakakatulong ito sa pagpapalakas ng turismo

b)

Nagbibigay ito ng trabaho sa maraming manggagawa

c)

Nagpapababa ito ng presyo ng mga bilihin

d)

Nagpapataas ito ng buwis sa mga negosyo

6.

Ano ang epekto ng industriya sa kapaligiran?

a)

Pagkaubos ng likas na yaman

b)

Pagkakaroon ng polusyon

c)

Pagtaas ng kalidad ng hangin

d)

Pagbawas sa deforestation

7.

Ano ang pangunahing dahilan kung bakit mahalaga ang sektor ng industriya sa pambansang kaunlaran?

a)

Dahil ito ay lumilikha ng mga produktong maaaring i-export

b)

Dahil ito ay nagbibigay ng pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain

c)

Dahil ito ay lumilikha ng mga batas para sa ekonomiya

d)

Dahil ito ay nagpapalago ng sektor ng agrikultura

8.

Paano nakakatulong ang sektor ng industriya sa sektor ng agrikultura?

a)

Sa pamamagitan ng paggawa ng mga makinarya at kagamitan para sa pagsasaka

b)

Sa pamamagitan ng pagkuha ng mga produkto mula sa ibang bansa

c)

Sa pamamagitan ng pagbawas sa bilang ng mga magsasaka

d)

Sa pamamagitan ng pagpapalit-gamit ng mga lupang sakahan bilang pabrika

9.

Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga pangunahing hamon na kinakaharap ng sektor ng industriya sa Pilipinas?

a)

Mababang antas ng teknolohiya

b)

Kakulangan ng imprastruktura

c)

Mabilis na paglago ng lokal na industriya

d)

Kakulangan ng skilled workers

10.

Pagpapalawig at pagpapalakas sa maliliit na negosyo na katuwang ng pamahalaan sa pagbibigay ng trabaho.

a)

RA 8424

b)

Barangay Micro Business Enterprises Act (BMBEs)

c)

Local Government Code

d)

Intellectual Property Code