wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Edukasyon sa Pagpapakatao Quarter 2

Total questions: 10

Worksheet time: 18mins

Name
Class
Date
1.

Umaga ng Sabado, naghahanda na ako sa mga damit na lalabhan. Kami ni nanay ay naglalaba tuwing Sabado dahil pumapasok siya sa trabaho sa araw ng Lunes hanggang Biyernes. May lagnat ngayon ang nanay kaya ____________.

4 lines
2.

Paborito ko sa lahat ang aking guro. Lagi siyang masigla sa pagtuturo araw-araw. Inaabangan ko lagi ang kaniyang walang mintis na sorpresa sa klase. Nakakapanibago lang ngayon, biglang naging matamlay si ma’am. Ang nasa isip ko ay may karamdaman ang aking guro kaya ______________________.

4 lines
3.

Mahal na mahal ako ni lola, at mahal na mahal ko rin siya. Napakamasayahin niya at masigla. Siya ay maalalahanin at kilalang mayroong busilak na kalooban. Tuwing binibisita ko siya, ipinagluluto niya ako ng paborito kong mga pagkain. Sinasamahan niya akong mamitas ng mga gulay at prutas sa bakuran, at higit sa lahat, ipinapasyal niya ako sa batis at sa parke na malapit lang sa bahay. Ngunit, nabalitaan ko mula kay tatay na nanghihina na si lola. Kaya __________________.

4 lines
4.

Si Kuya Ramon ay isang dyanitor sa aming paaralan. Kinagigiliwan siya ng lahat dahil sa kaniyang kasipagan sa trabaho at sa kaniyang katapatan. Siya rin ay mabait, palabiro at napakamasayahin. Isang araw, habang naglilinis sa palikuran ay nadulas si Kuya Ramon at nahirapang tumayo. Kaya ang ginawa ko ay _______________.

4 lines
5.

Naipakikita mo ba ang pagmamalasakit sa mga may karamdaman sa tuwing dinadalaw mo sila at dinadalhan ng pagkain?

a)

Opo

b)

Hindi po

6.

Naipakikita mo ba ang pagmamalasakit sa mga may karamdaman sa tuwing iniiwasan mo sila dahil takot kang mahawaan ng kanilang karamdaman?

a)

Opo

b)

Hindi po

7.

Naipakikita mo ba ang pagmamalasakit sa mga may karamdaman sa iyong simpleng pamamaraan na paghahandog ng awitin sa kanila?

a)

Opo

b)

Hindi po

8.

Naipakikita mo ba ang pagmamalasakit sa mga may karamdaman kung binabalewala mo ang kanilang iniindang hirap dulot ng kanilang sakit?

a)

Opo

b)

Hindi po

9.

Naipakikita mo ba ang pagmamalasakit sa mga may karamdaman sa mga oras na kinukumusta at kinakausap mo sila upang pansamantalang malimutan nila ang hirap ng kanilang kalagayan?

a)

Opo

b)

Hindi po

10.

Tinatawagan ang kaibigang may sakit upang kumustahin at aliwin.

a)

Opo

b)

HIndi po