NEW
Font size
WorksheetsIkaapat na Lagumang Pagsusulit sa AP 3
Total questions: 30
Worksheet time: 3hrs 30mins
Noong 2015, pinagsama ang dalawang lalawigan ng Negros. Ano ang tawag sa nabuong rehiyon?
Negros Island Region
Negros Inter-island Region
Rehiyon IX- Second Negros Region
Pinaghiwalay muli ang mga lalawigan ng Negros at muling ibinalik sa dating kinabibilangang rehiyon. Sino ang nag-utos nito?
President Rodrigo Duterte
Dating Pangulo Gloria-Macapagal Arroyo
Dating Pangulo Benigno Aquino III
Bakit naging “Negros” ang katawagan sa lalawigang ito? Dahil ___.
sagana ang lalawigang ito ng mga halaman.
napansin ng mga Espanyol na mas maitim ang balat ng mga tao dito.
masisipag ang mga tao dito.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagbago sa lalawigan?
Populasyon
Pangalan
Makasaysayang Pook
May ilang katangian ng mga lalawigan na nananatili paglipas ng panahon. Alin sa sumusunod ang halimbawa nito?
Negros
Cebu City
Vigan City
Tanyag ang lalawigan ng Kalinga dahil sa napanatiling sining nito katulad ng ____.
Palayok
Lingling-o
Walis Tingting
Makasaysayan ang Corregidor dahil____.
naganap dito ang pag-aaway nina Lapu-lapu at Magellan.
nasaksihan nito ang pagdating ng tatlong pangkat ng mga dayuhang mananakop- Espanyol, Amerikano, at Hapones.
Wala sa nabanggit.
Hinati ang Rehiyon IV sa dalawa upang mas mapangasiwaan nang maayos. Aling saligang batas ang nagpatibay nito?
Executive Order No. 103
Executive Order No. 83
Republic Act No. 7878
Ito ay ang labanan sa pagitan ng puwersa ng mga Pilipino at Amerikano laban sa mga Hapones noong unang panahon.
Battle of Intramuros
Battle of Corregidor
Vigan Battle
Sinong Amerikanong heneral ang tumulong na ipagtanggol ang Pilipinas laban sa mga hapon?
Douglas MacArthur
Heneral Luna
Magellan
Alin sa sumusunod ang nagpapakilala sa isang lalawigan at rehiyon?
Opisyal na Himno
Opisyal na Sasakyan
Kalsada
Bakit simbolo ng lalawigan ang Opisyal na Selyo?
Nakikita ang bilang ng mga taong naninirahan dito.
Sinasalamin ang mga katangian ng lalawigan.
Makikita ang kuwento ng mga bayaning nanirahan dito.
Bakit ipinangalan kay Sultan Kudarat ang isang lalawigan sa Mindanao?
Isa siyang bayaning nagtagumpay laban sa mananakop na Espanyol.
Siya ang nakadiskubre sa lalawigang ito.
Isa siya sa mga nangampanya sa karapatang bumuto ng mga kababaihan.
Bakit ipinangalan kay Aurora Aragon Quezon ang lalawigan ng Rehiyon III, ang Aurora?
Isa siya sa mga nangampanya sa karapatang bumuto ng mga kababaihan.
Siya ay dating pangulo ng Pilipinas.
Siya ay bayaning nagtagumpay sa pagpapanatili ng mga Muslim.
Paano inilalarawan ang mga Cebuano sa opisyal na himno nito?
Ang mga Cebuano ay matapang at walang galang.
Ayon sa awit, marurunong, kagalang-galang, at mapagmahal ang mga Cebuano
Ang mga Cebuano ay mahilig sumayaw at umawit.
Bakit tanyag ang Angono Rizal sa larangan ng sining?
Makikita sa lalawigang ito ang iba’t ibang disenyo ng capiz shells.
Dito nakatira ang “Ama ng Wikang Pambansa.”
Partikular ang bayang ito sa paggawa ng mga higantes.
Ano ang sinisimbolo ng kalapati sa opisyal na selyo ng Batangas?
Kapayapaan at Kasaganaan
Pangunahing Produkto
Saganang Likas na Yaman
Ano ang sinisimbolo ng kulay bughaw ng opisyal na selyo ng Cagayan?
Likas na Yaman ng Rehiyon
Cagayan River
Pangunahing Pananim ng Rehiyon
Ayon sa opisyal na himno ng Cebu, sino ang nagpoprotekta sa lalawigang ito?
Sr. Sto. Niño
San Isidro Labrador
Birheng Maria
Kanino ipinangalan ang Quezon City?
Manuel Roxas
Manuel del Pilar
Manuel L. Quezon
TAMA o MALI. Piliin ang TAMA kung ang sumusunod na pahayag ay wasto at MALI naman kung hindi.
Dapat nagtutulungan ang mga lalalwigan upang tugunan ang kanilang suliranin at pangangailangan.
TAMA
MALI
Maaaring ipangalan ang isang lalawigan sa pangalan ng taong may malaking kontribusyon dito.
TAMA
MALI
Hindi sang-ayon ang lokal na pamahalaan na magpalitan ng produkto mula sa ibang lalawigan.
TAMA
MALI
Nakikilala ang mga lalawigan o rehiyon sa natatangi nitong sining.
TAMA
MALI
Nagbabago ang populasyon ng isang lalawigan.
TAMA
MALI
Nanonood ng K-Pop Festival si May at hindi sumali sa pagdiriwang ng lalawigan. Ito ay halimbawa ng pagsulong sa kultura ng lalawigan.
TAMA
MALI
Nakikilala ang lalawigan at rehiyon sa opisyal na selyo, bandila at himno nito.
TAMA
MALI
Iniiwasan ng mga mamamayang awitin ang opisyal na himno nito.
TAMA
MALI
Itinayo ang Pacific War Memorial upang alalahanin ang kabayanihan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano na nakipaglaban para sa kalayaan ng Pilipinas.
TAMA
MALI
Hindi nagbabago ang saklaw na teritoryo ng lahat ng lalawigan at rehiyon sa Pilipinas.
TAMA
MALI
