wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

IKALAWANG BAHAGI NG IBONG ADARNA

Total questions: 10

Worksheet time: 6mins

Name
Class
Date
1.

Sino sa magkakapatid ang may mahinang kalooban o duwag?

a)

Don Pedro

b)

Don Diego

c)

Don Juan

d)

Don Fernando

2.

Nais balikan ni Donya Leonora ang balon dahil naiwan niya ang singsing na pamana ng kanyang (a)   .

3.

Nabihag sa kagandahan ni Leonora si Don Pedro. Ano ang kasingkahulugan ng nabihag?

a)

naakit

b)

natuliro

c)

nasiyahan

d)

nalungkot

4.

Ano ang ginawa nina Don Pedro at Don Diego sa Ibong Adarna habang tulog pa si Don Juan?

a)

Pinatay

b)

Pinakawalan

c)

Tinago

d)

Sinakal

5.

Ilang taon ang panata ni Donya Leonora na mamuhay na mag-isa?

a)

5

b)

6

c)

7

d)

8

6.

Anong pagpapahalagang Pilipino ang matatagpuan sa saknong na ito? "Ako'y iyong kahabagan, Birheng kalinis-linisan,nang aking ding matagalan itong matarik na daan."

a)

pagpapahalaga sa pananampalataya

b)

pagpapahalaga sa bayan

c)

pagpapahalaga sa kalikasan

d)

pagpapahalaga sa kapwa

7.

Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang magpapatunay kung paano pinakita ni Don Juan ang pagmamahal niya sa kanyang pamilya?

a)

Tinalikuran at pinabayaan niya ito sa tuwing may problema.

b)

Pinatawad niya ito sa kabila ng paulit-ulit nitong pagkakasala sa kanya.

c)

Sinubukan niya itong gawan ng masama.

d)

Nagboluntaryo siyang gawin ang lahat ng mga pagsubok upang hindi ang mga ito ang mapahamak.

8.

Alin sa mga sumusunod na saknong ng Ibong Adarna ang sumasalamin sa pagpapahalaga sa kapwa?

a)

"Mula rito ay palingid kay Don Juan ay bumalik at ang kanyang dalang tubig sa prinsipe'y ipinahid"

b)

"Binindisyunang puspos mga anak niyang irog;at ang sabi,"O, sa Diyos, pasalamat kayong lubos."

c)

"Oh, Birheng kaibig-ibig,Ina naming nasa langit, liwanagin yaring isip nang sa layon, di malihis.

d)

Tinawag na't ang pahayag"Kayong tatlo'y mapapalad, angkin ninyo ang talino ng mga pantas na totoo.

9.

Anong katangian ang nangingibabaw kay Don Juan mula sa saknong na ito?

Sa sarili'y nawiwika,

"Ano't akin pang ninanasa

na tuklasin ang hiwaga

kung hindi rin magagawa?

a)

palalo

b)

determinado

c)

mapagmahal

d)

maawain

10.

Ang matinding kabaka ni Don Juan ay ang serpiyente. Ano ang kasingkahulugan ng kabaka?

a)

kapangkat

b)

kalaban

c)

kasama

d)

kaibigan