wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Modyul 6: Ang Pakikipagkaibigan

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Sila ang mga taong Maaasahan, takbuhan, o masasandalan. Maraming puwedeng paglalarawan, maraming mapag-uusapan at maraming mga hindi malilimutang karanasan mula sa inyong pagsasama.

a)

kaibigan

b)

kaaway

c)

kapamilya

d)

kapitbahay

2.

Ano ang tawag sa paraan upang mas lalo pang makilala ang isang tao at maging bahagi ng buhay. Ito rin ang paraan upang makahanap ng taong maaaring maging kasangga o katuwang sa pagpapaunlad ng mga aspekto ng pagkatao.

a)

Pakikipagkapwa

b)

Pakikipagkabibigan

c)

Pakikipagkapitbahay

d)

Pakikisalamuha

3.

Ayon kay Aristotle, “Ang_____________________ ay sumisibol mula sa pagmamahal ng mga taong malalim na nakilala ang pagkatao sa pananaw ng sarili at iba. Hindi ito pumapanig sa kabutihan ng iisa kundi para sa isa’t isa.

a)

Simpleng Pagkakaibigan

b)

Mabuting Pagkakaibigan

c)

Tunay na Pagkakaibigan

d)

Wagas na Pagkakaibigan

4.

Ayon kay Emerson, Ang biyaya ng ______________ ay hindi lamang makakamit sa ngiti at saya ng isang pangkat ng magkakaibigan o ng tulong at pabor na maibibigay nila. Kundi, ito’y mararamdaman sa inspirasyong nagmumula sa taong naniniwala at nagtitiwala sa kanila.

a)

Simpleng Pagkakaibigan

b)

Mabuting Pagkakaibigan

c)

Tunay na Pagkakaibigan

d)

Wagas na Pagkakaibigan

5.

Ayon sa Websters' Dictionary, ang ______________ay nangangahulugan ng

pagkakaroon ng ugnayan

sa isang tao dahil sa

pagmamahal (affection) o pagpapahalaga (esteem).

a)

Simpleng Pagkakaibigan

b)

Mabuting Pagkakaibigan

c)

Tunay na Pagkakaibigan

d)

Wagas na Pagkakaibigan

6.

Ayon kay William James, Ang __________________ ay bunga ng pagsisikap na dalisayin at patatagin ang ugnayan sa pangmatagalang panahon.

a)

Simpleng Pagkakaibigan

b)

Mabuting Pagkakaibigan

c)

Tunay na Pagkakaibigan

d)

Wagas na Pagkakaibigan

7.

Ang pinakamababang Uri ng Pagkakaibigan. Ito ay pagkakaibigang inilalaan sa isang tao dahil sa pangangailangan ng isang tao rito.

a)

Pagkakaibigang nakabatay sa Pangangailangan

b)

Pagkakaibigang nakabatay sa Kabutihan

c)

Pagkakaibigang nakabatay sa Pansariling Kasiyahan

8.

Ang ganitong uri ng pagkakaibigan ay nabubuo sa pagitan mo at ng isa o mahigit pang tao na masaya kang kasama o kausap.

a)

Pagkakaibigang nakabatay sa Pangangailangan

b)

Pagkakaibigang nakabatay sa Kabutihan

c)

Pagkakaibigang nakabatay sa Pansariling Kasiyahan

9.

Ang ganitong uri ng pagkakaibigan ay nabubuo batay sa pagkagusto (admiration) at paggalang sa isa’t isa. Ito ang Pinakamataas na Uri ng Pagkakaibigan.

a)

Pagkakaibigang nakabatay sa Pangangailangan

b)

Pagkakaibigang nakabatay sa Kabutihan

c)

Pagkakaibigang nakabatay sa Pansariling Kasiyahan

10.

Ano ang pinakamahalagang sangkap na kinakailangan upang ganap na makamit ang tunay at wagas na pagkakaibigan?

a)

katapatan

b)

pagpapatawad

c)

paggalang

d)

pagdadamayan

11.

Bakit itinuturing na birtud ang pagkakaibigan?

a)

Lahat ng pagkakaibigan ay mabuti.

b)

Makakamit lamang ang tunay na pagkakaibigan sa paulit-ulit na pagdanas dito

c)

Ito ay nagpapahalaga sa katarungan at halaga ng pagbabahagi ng sarili sa kapwa

d)

Ito ay nagpapahalaga sa pagbabahagi ng sarili sa kapwa

12.

"Bilang kaibigan, Nagsasabi ako ng totoo tungkol sa mga bagay-bagay." Anong Sangkap ng Pagkakaibigan ang isinasabuhay dito?

a)

Pag-aalaga

b)

Matapat

c)

Paggawa ng mga bagay nang magkasama

d)

Presensya

13.

"Kung sakaling may lihim ang aking kaibigan, pinangagalagaan ko ito upang hindi masira ang kanyang tiwala sa akin." Anong Sangkap ng Pagkakaibigan ang isinasabuhay dito?

a)

kakayahang mag-alaga ng lihim

b)

pag-aalaga

c)

Paggawa ng mga bagay nang magkasama

d)

Presensya

14.

"Birthday ng aking kaibigan, binati ko siya sa pamamagitan ng pagpopost ng aming larawan na masaya kasama ang ilan naming mga kaibigan. Dahil Pandemic ngayon, sa ganung paraan ko na lamang siya mababati" Anong Sangkap ng Pagkakaibigan ang isinasabuhay dito?

a)

kakayahang mag-alaga ng lihim

b)

pag-aalaga

c)

Paggawa ng mga bagay nang magkasama

d)

Presensya

15.

"May nagawang kasalanan ang aking kaibigan sa akin, pero dahil nais kong mapanatili ang aming pagkakaibigan, ako ay lumapit sa kanya at humingi ng paumanhin kahit na siya ang may kasalanan." Anong Sangkap ng Pagkakaibigan ang isinasabuhay dito?

a)

Paggawa ng mga bagay nang magkasama

b)

pag-aalaga

c)

Paggawa ng mga bagay nang magkasama

d)

Pagpapatawad