Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP Summative Test 1

Total questions: 40

Worksheet time: 30mins

Name
Class
Date
1.

Upang malaman ang katotohanan sa napakaraming impormasyon, mahalagang ikaw ay maging _____

a)

A. mapanuri

b)

B. mapagduda

c)

C. mabilis

d)

D. mapaniwalain

2.

Ang mabuting maidudulot ng pagiging mapanuri ay _____

a)

A. pagkakaroon ng kalituhan

b)

B. pagkatiyak ng tamang impormasyon

c)

C. paggawa ng wastong pasya at kilos

d)

D. B at C

3.

Ang pagiging mapanuring bata ay naipakikita ni _____

a)

A. Neil, na naniniwala sa kung anong sabihin ng kalaro

b)

B. Jay, na nakikinig ng balita sa radyo at nanonood sa TV

c)

C. Andrea, na hindi pinapansin ang mga nangyayari

d)

D. Princess, na nagtatanong sa kaniyang kapitbahay

4.

Gusto na ni Max na lumabas ng bahay dahil ilang buwan na niya itong hindi nagagawa. Tinawag niya ang kalaro at sinabi nitong ligtas na raw lumabas. Naglaro na siya Ang kanyang ginawa ay _____

a)

A. tama, dahil wala ng COVID-19 sa paligid

b)

B. tama, dahil sinabi na ng kalaro na pwede na

c)

C. mali, dahil hindi tama ang kanyang kinonsulta

d)

D. mali, dahil hindi na dapat siya nagtanong pa

5.

Ang mga sumusunod ay mas makabubuting pagkunan ng tamang impormasyon, MALIBAN sa _____

a)

A. radyo o telebisyon

b)

B. pahayagan

c)

C. kinauukulan

d)

D. kapitbahay

6.

1. Kailangan mo ang isang bagong t-shirt para maisuot sa iyong kaarawan.

a)

a. Pipilitin mong bilhin ang t-shirt na tulad ng isinusuot ng paborito mong artista.

b)

b. Pipili ka ng t-shirt na bagay sa iyo ang kulay at maginhawang isuot.

c)

c. Bibili ka ng t-shirt na nabasa mo sa anunsyo na gawa sa ibang bansa dahil ito ay sikat.

7.

2. Napanood mo sa isang komersyal sa telebisyon na nakatatalon nang mataas ang isang suot niyang rubber shoes. Kailangan mo ang rubber shoes. Bibilhin mo ang katulad sa komersyal dahil:

a)

a. Makatatalon ka nang mataas tulad ng sikat na manlalaro ng basketbol sa komersyal

b)

b. Ito ay matibay at magandang isuot.

c)

c. Ito ay mamahalin at sikat na brand na gawa sa ibang bansa.

8.

3. Nakita mo ang isang komersyal na nakalarawan ang isang sikat na artista na may hawak na isang bagong uri ng shampoo. Nagpapadulas at nagpapakintab daw ito ng buhok. Mayroon kang ginagamit na shampoo mas hiyang sa iyong buhok.

a)

a. Pabibili sa iyong nanay ng shampoo na ito at magdadabog kapag hindi ibinili.

b)

b. Ipamimigay ang shampoo na ginagamit upang mabili ang bagong shampoo.

c)

c. Hindi papansinin ang anunsyo dahil may ginagamit nang mabuting shampoo.

9.

4. Kasama mo ang iyong ate sa pagbili ng sabong pampaligo. Hinahanap mo ang sabon na nakita sa isang anunsiyo na ginagamit daw ng mas maraming doctor sa ospital. Payo ng ate mo ay basahin ang label upang alamin kung aling sabon ang may mabuting sangkap para sa iyong balat.

a)

a. Hindi papansinin ang payo ng ate at bibilhin ang sabong nakita sa komersyal.

b)

b. Susunduin ang ate at babasahin ang label bago pumili.

c)

c. Pipili ng pinakamahal ang presyo. Siguradong magandang uri ito.

10.

5. Ang iyong kaibigan ay may ginagamit na cleansing cream na nakapagpapaputi raw ng balat. Narinig mo rin ito sa isang patalastas sa radyo. Bumili ka nito pero nang iyong gamitin, nangati ang iyong balat at lumabas ang dati mong skin allergy.

a)

a. Ititigil mo agad ang paggamit nito.

b)

b. Itutuloy mo pa rin ang paggamit dahil gusto mong pumuti ka.

c)

c. Aawayin mo ang iyong kaibigan

11.

6. Nabalitaan mo sa radyo na naaksidente ang sasakyan ng tito mo. Paano mo ito ibabalita sa magulang mo?

a)

a. “Nay, naaksidente si Tito.”

b)

b. “Nay, namatay sa aksidente si Tito.”

c)

c. “Nay, naaksidente ung sasakyan ni Tito pero hindi nasabi sa balita kung sino ang nasa sasakyan.

12.

8. Naging usap-usapan sa inyong barangay na nanganak ng pusa ang isang aso. Ano sa palagay mo?

a)

a. Imposible! Ayon sa siyensiya ang hayop ay nanganganak ayon sa kanyang uri.

b)

b. Totoo. Nakita ng may-ari na may pusang kasama ang aso.

c)

c. Nagbibiro lang ang may-ari. Huwag maniwala.

13.

7. Nakita mo sa isang istasyon ng telebisyon na wala kayong pasok dahil sa bagyo. Noong tumingin ka sa labas ng bahay, napansin mong wala namang ulan pero makulimlim lang ang kalangitan. Ano ang iyong gagawin.

a)

a. Papasok ako

b)

b. Hindi ako papasok

c)

d. Titignan ko ang ibang istasyon kung magkaparehas sila ng balita.

14.

9. Nabalitaan mo na ang iyong lugar ay ilalagay sa lockdown. Ano ang dapat mong gawin?

a)

a. Alamin kung bakit may lockdown sa inyong lugar.

b)

b. Maiinis sa may kinauukulan.

c)

c. Lumabas pa rin para makabili ng mga pangunahing

pangangailangan.

15.

10.Kilala si Aling Vanessa na tsismosa. Isang araw nagpunta siya sa bahay ninyo para makipagkuwentuhan sa nanay mo. Narinig mong sinabi niya na buntis ang isang dalagang nakatira sa inyo. Ano ang dapat mong gawin?

a)

a. Maniniwala ako kasi seryosong usapan iyon.

b)

b. Hindi ako maniniwala kasi tsismosa siya.

c)

c. Hindi ako kaagad maniniwala. Alamin ko muna ang katotohanan.

16.

Ito ay tumutukoy sa pangyayari o kaganapang nagdudulot ng malaking kapinsalaan sa mga tao.

a)

Kalamidad

b)

Sakuna

c)

Trahedya

d)

Unos

17.

Ito ay malakas na hangin na may kasamang malakas at tumatagal na pag-ulan.

a)

Bagyo

b)

Baha

c)

Daluyong

d)

Tsunami

18.

Isang pagyanig dulot ng biglaang paggalaw ng mga bato sa ilalim ng lupa.

a)

Pagputok ng Bulkan

b)

Paglindol

c)

Landslide

d)

Mudslide

19.

Ito ay pagtaas ng tubig sa isang lugar dulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan.

a)

Bagyo

b)

Daluyong

c)

Baha

d)

Tsunami

20.

Ito ay ang pagguho ng lupa pababa mula sa isang mataas na lugar na kadalasan ay dulot ng malakas na ulan.

a)

Landslide

b)

Mudslide

c)

Rockslide

d)

Snowslide

21.

Isang pangyayari na mabilis kumalat ang apoy.

a)

deporestasyon

b)

sunog

c)

pagkakaingin

d)

pagsisilab

22.

Ito ay hindi pangkaraniwang pagtaas ng tubig sa dalampasigan habang papalapit ang bagyo sa baybayin.

a)

Tsunami

b)

Daluyong

c)

Alimpuyo

d)

Baha

23.

Ito ay ang pagbuga ng mainit na lava at abo mula sa ilalim ng lupa.

a)

Pagputok ng Bulkan

b)

El Nino

c)

La Nina

d)

Forest Fire

24.

_______1. Ang mga bata ay dapat nasa loob lamang ng tahanan dahil sa COVID 19.

a)

TAMA

b)

MALI

25.

_______2. Ang mga kakayanan ay dapat paunlarin.

a)

TAMA

b)

MALI

26.

_______3. Ang pagtitiwala sa sarili ay nakakatulong upang higit na maibahagi ang kakayahan sa bawat tao.

a)

TAMA

b)

MALI

27.

_______4. Iisa ang kakayahan ng bawat bata.

a)

TAMA

b)

MALI

28.

_______5. Masayahin ang batang palakaibigan.

a)

TAMA

b)

MALI

29.

_______6. Dapat umiiyak ang bata kapag natalo sa laro.

a)

TAMA

b)

MALI

30.

_______8. Isport ang batang natatanggap ang pagkatalo.

a)

TAMA

b)

MALI

31.

_______9. Hindi dapat nakikipaglaro sa mahihirap ang mga bata.

a)

TAMA

b)

MALI

32.

______10. Ang pagsali sa mga paligsahan ay isang paraan upang mahasa ang kakayahan.

a)

TAMA

b)

MALI

33.

______11. Pare-pareho ang antas ng kakayahan ng bawat bata.

a)

TAMA

b)

MALI

34.

______13. Ang pagkakaisa ay nakakatulong sa kakayahan ng nakakarami.

a)

TAMA

b)

MALI

35.

______14. Ang batang galit ay nagpapakita ng tiwala sa sarili.

a)

TAMA

b)

MALI

36.

______16. Ang pag-eensayo ay nakakatulong sa paglinang ng kakayahan.

a)

TAMA

b)

MALI

37.

______17. Ang pakikipagkamay sa nanalo ay nagpapakita ng pagtanggap sa pagkatalo.

a)

TAMA

b)

MALI

38.

______18. Ang pagkakaisa at pagtutulungan ay nagbibigay ng maayos na resulta sa bawat kakayahan.

a)

TAMA

b)

MALI

39.

______19. Ang pagpipinta ay di magandang kakayahan.

a)

TAMA

b)

MALI

40.

Kumpletong pangalan ng inyong guro. (Plus 5 sa score kapag tumama ka. :)

(a)