WorksheetsEPP 4th Quarter
Total questions: 40
Worksheet time: 24mins
Isang kawili-wiling gawain ang pagbuo ng isang proyekto ngunit nangangailangan ito ng dobleng pagpaplano at pag-iingat. Ang mga sumusunod ay mga gawaing pangkaligtasan MALIBAN sa isa.
Balutin ang matulis at matalas na kasangkapan.
Iwasan ang pakikipag-usap sa kasamahan habang gumagawa.
Iwasan ang paggamit ng mga kagamitang kinakalawang, mapupurol o kaya’y may sirang bahagi.
Kapag magbarnis normal lamang ang hindi paglalagay ng panakip sa ilong at bibig dahil mainit at mahirap huminga.
Ito ay isa sa pinakamalaking halamang palmera na ang bunga ay pwedeng matamisin, ang ubod ay maaaring ulamin at ang katas ay ginagawang tuba.
abaka
buri
kawayan
rami
Si Ben ang inatasan ng kanyang lider para gawin ang panghuling ayos ng kanilang nilikhang patungan ng aklat. Ang mga sumusunod ay mga paraang dapat na isasagawa ni Ben para maging maayos at pulido ang proyekto MALIBAN sa isa.
Pahiran ng primer gamit ang brush
Pinturahan agad ang kahoy kahit may nakitang butas ito.
Pahiran ng pintura ayon sa kulay na gusto at sikaping iisang ayon lamang ang paglalagay ng pintura
Tiyakin na natanggal na ang duming maaring makaapekto o makasagabal sa iyong pagpipintura tulad ng alikabok, mga hibla, patak ng tubig at iba pa.
Anong hakbang ang dapat niyang gawin?
Ano ang dapat mong gawin pagkatapos gumawa ng gawaing pang-elektrisidad?
Iwan ang mga gamit at hayaang si nanay ang magligpit.
Iwanang nakabukas ang pinanggagalingan ng kuryente
Utusan si tatay na mag-ayos at magligpit ng mga ginamit.
Siguraduhing lahat ng mga kagamitan ay maiayos at mapatay ang pinanggagalingan ng kuryente
Nasira ang switch ng ilaw sa iyong kwarto. Ano ang unang gagawin bago ito kumpunihin?
Kumuha ng switch
Bumili ng bagong ilaw
Huwag patayin ang ilaw
Patayin ang pangunahing switch
Bakit dapat nating sundin ang mga wastong hakbang sa paggawa ng extension cord at iba pang gawaing pang-elektrisidad?
upang maipagmalaki sa mga kaibigan
upang madaling matapos ang paggawa
upang maging maayos at wasto ang paggawa
upang maiwasan ang sakuna o aksidente sa paggawa
Ang kagamitang nasa larawan ay ginagamit upang masukat ang boltahe ng kuryente sa proyektong gagawing may kinalaman sa gawaing elektrisidad. Ano ito?
fuse
multi tester
switch
utility box
Ang Long Nose Pliers ay isang kagamitang pang-elektrisidad, Ano ang gamit nito?
Ginagamit na pamutol ng bakal
Ginagamit na panghawak o pangpahigpit
Ginagamit sa pagbabaluktot ng mga metal na tubo
Ginagamit na panghawak o pamutol ng manipis na kable ng kuryente. Maaaring makapasok sa maliit na espasyo dahil sa manipis nitong dulo
Ang mga sumusunod ay batayan para sa mabilis at maayos na paggawa ng isang proyekto MALIBAN sa isa. Ano ito?
Piliin ang simple at payak na proyekto.
Paggamit ng mga mamahaling materyales.
Piliin ang proyektong binubuo ng mga materyales na madaling makita at mabili sa pamayanan.
Ibilang ang mga materyales, kagamitan, at hakbang na gagamitin sa pagpapaganda ng proyekto.
Ang pagbuo ng plano ng proyekto ay isang mahalagang paghahanda sa anumang gagawing proyekto. Nagsisilbi itong gabay upang matapos nang maayos ang proyekto. Nakatutulong din ito para makatipid sa oras, lakas at pera sa paggawa ng proyekto. Ito ang mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng proyekto MALIBAN sa isa.
Tiyaking may pakinabang ang proyektong gagawin.
Maghanap ng mga impormasyon kung paano buuin ang proyekto.
Pumili ng simpleng disenyo at alamin ang mga hakbang sa paggawa nito.
Gawing komplikado ang proyekto upang maging kaaya-aya sa paningin ng iba.
Kasanayan sa paggawa ng proyekto kung saan ginagamit ang barnis o pintura upang pakintabin o kulayan ang nabubuong proyekto
pagpaplano
pagpuputol
pagsusukat
pagtatapos
Anong kagamitan ang kailangan niya upang maibaon ang pako sa kaniyang ginagawa?
katam
martilyo
maso
ruler
Ito ay isa sa pinakamalaking halamang palmera na ang bunga ay pwedeng matamisin, ang ubod ay maaaring ulamin at ang katas ay ginagawang tuba.
abaka
buri
kawayan
rami
Alin sa mga sumusunod na pamamaraan ang unang hakbang sa paggawa ng extension cord?
Ikutin ang nakabalot na kable hanggang sa malinis na itong tingnan.
Ihanda ang mga kagamitang kakailanganin sa paggawa ng proyekto.
Hatiin sa dalawa ang kable gamit ang mga kamay hanggang walong sentimetro.
Gumawa si Mang Sebio ng isang lamesa. Nang matapos ito, napuna niyang sumobra nang konti ang laki ng isang paa nito. Ano ang dapat niyang gawin?
Kalasin lahat ang parte at saka putulin ang sobrang bahagi nito.
Gumamit ng katam o lagari para tanggalin ang sobrang parte nito.
Hayaan na lamang ito total konti lang naman ang diperensiya sa haba nito.
Dugtungan ang maiksing paa para pumantay ang taas nito sa ibang bahagi.
Ang aking kaibigan ay nagwewelding ng upuan para sa kanilang hardin. Sa anong gawaing pang-industriya siya nabibilang?
gawaing-elektrikal
gawaing-kawayan
gawaing-kahoy
gawaing-metal
Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng conduits/pipes kapag gumagawa ng mga gawaing pang-elektrisidad?
Ang conduits/pipes ay mahalaga dahil dito ipinagkakabit-kabit ang mga wire.
Ang conduits/pipes ay mahalaga dahil ito ay nagsisilbing bukasan o patayan ng kuryente.
Ang conduits/pipes ay mahalaga dahil dito ipinapadaan ang mga wire para maproteksiyonan ito sa pagkasira.
Ang conduits/pipes ay mahalaga dahil sinisigurado nito na hindi malalaglag, mahuhugot o matatanggal ang wire sa pagkakabit.
Alin dito ang dapat gawin upang mapangalagaan ang mga kasangkapan?
ilagay kahit saan
hayaang masira at kalawangin
ipahiram at huwag nang kunin pa
alagaan at panatilihing malinis at mailigpit sa tamang lalagyan
Ano ang una nilang gawin para makabuo ng isang magandang proyekto?
pagbubuo
pagpapakinis
pagpaplano
Pagpuputol
Si Mang Karding ang pinakatanyag na latero sa kanilang bayan. Sa anong gawaing pang-industriya siya nabibilang?
gawaing-elektrisidad
gawaing-kawayan
gawaing-kahoy
gawaing-metal
Sa bahaging ito makikita ang lahat na gagamitin upang mabuo ang isang proyekto.
layunin
mga materyales
pamamaraan
pangalan ng proyekto
Ang punong nara ay magandang pagkunan ng mga de-kalidad na tabla at gawaing muwebles at iba pa. Sa anong gawaing industriya nahahanay ang paggawa ng mga muwebles na yari sa tabla?
gawaing-elektrisidad
gawaing-kahoy
gawaing metal
gawaing-kawayan
Ito ang mga kagamitan para makita ang tama o eksaktong sukat ng gagawing proyekto?
barena at brace
rip saw at back saw
maso
zigzag rule o eskwala
Dito makikita ang tiyak na pangalan ng isang proyektong nais gawin.
guhit/ilustrasyon
mga materyales
pamamaraan
pangalan ng proyekto
Piliiin sa ibaba ang wastong pagkasunod-sunod ng mga paraan sa paggawa ng isang Extension Cord.
I,II,III,IV,V
II,I,III,IV,V
IV,III,II,V,I
V,IV,III,II,I
Gumagawa si Koko ng kanyang lagayan ng gamut (medicine cabinet) na yari sa kahoy. Anong kagamitan ang kailangan niya upang maibaon ang pako sa kaniyang ginagawa?
katam
martilyo
maso
lagari
Ginagamit ito na pampaluwag o panghigpit sa mga gripo at dugtungang yari sa bakal.
barena
C-clamp
liyabe
paet
Si Kardo ay gagawa ng isang upuan. Gusto niyang pakurba ang hugis ng kahoy na kaniyang puputulin. Anong lagari ang dapat niyang gamitin?
back saw
coping saw
keyhole saw
rip saw
Ang paggawa ng isang proyekto na ginagamitan ng elektrisidad ay dapat na gumamit ng angkop na kasangkapan sa paggawa. Bakit?
para mabuo at maipasa sa takdang oras
para makabuo ng isang kanais-nais na proyekto
para ito ay maging matibay at hindi madaling masira
para maisagawa nang maayos ang proyekto at maiwasan ang anumang sakuna
Piliin sa ibaba ang wastong pagkasunod-sunod ng mga larawan sa paggawa ng isang simple circuit.
III, V, IV, I, II
I, II, III, IV, V
II, I, III, IV, V
I, II, III, V, IV
Kilala ito bilang “Puno ng Buhay” sapagkat lahat ng parte nito ay maaaring gawing iba’t ibang produkto gaya ng walis, gamot, langis, tabla at marami pang iba. Ano ito?
abaka
narra
niyog
saging
Ang screwdriver ay isang kagamitang pang-elekrisidad. Paano ang tamang paggamit nito?
Kung ang screw ay ayaw mahigpitan gamit ang screwdriver, gumamit ng hacksaw.
Hawakan ang screwdriver sa handle, ipihit pakaliwa kung ang nais ay sikipan ang screw, pakanan naman ang pagpihit kung ang nais ay luwagan.
Hawakan ang screwdriver sa handle at itapat sa screw na nais higpitan at pukpukin ng martilyo ang handle nang may sapat na puwersa.
Hawakan ang screwdriver sa handle, ipihit pakanan kung ang nais ay sikipan ang screw, pakaliwa naman ang pagpihit kung ang nais ay luwagan.
Anong bahagi ng plano ang nagsasaad ng mga pamamaraang dapat sundin sa paggawa ng proyekto?
materyales na gagamitin
mga hakbang
mga kasangkapan
mga layunin
Pinagagawa kayo ng inyong guro ng isang malikhain at makabuluhang proyekto sa asignaturang EPP. Anong mga materyales ang naaangkop na gamitin para sa proyektong ito?
imported na materyales
magagara at mamahaling materyales
mababa ang kalidad o mumurahing materyales
mga patapong bagay na maaari pang pakinabangan
Ito ay karaniwang tumutubo sa lahat ng lugar sa ating bansa. Maaari itong magamit sa paggawa ng bahay, muwebles, at palamuti sa bahay. Anong lokal na materyales ito?
abaka
kawayan
niyog
rattan
Batay sa halimbawa ng plano ng gagawing proyekto, aling bahagi ang nagsisilbing gabay kung paano gagawin ang isang proyekto at nagpapakita ng tunay na larawan at kabuuang hitsura nito?
krokis ng proyekto
puna
pamamaraan
mga kasangkapan
Ano ang nararapat mong gawin bago ka magsimula?
Tingnan ang mga kagamitan.
Simulan na agad ang proyekto.
Magpatugtog ng musika upang ganahan sa paggawa ng proyekto.
Tingnang mabuti kung kumpleto ang mga kagamitan bago gamitin at ayusin ang mga may sira o crack bago gamitin.
Ang Long Nose Pliers ay isang kagamitang pang-elektrisidad, Ano ang gamit nito?
Ginagamit na pamutol ng bakal.
Ginagamit na panghawak o panghigpit.
Ginagamit sa pagbabaluktot ng mga metal na tubo.
Ginagamit na panghawak o pamutol ng manipis na kable ng kuryente. Maaaring magamit o makapasok sa maliit na espasyo dahil sa mas manipis nitong dulo.
Aling bahagi ng plano kung saan isusulat ang mga kagamitan sa paggawa ng gawaing napapaloob sa paggawa ng proyekto?
mga hakbang
mga kasangkapan
mga layunin
pangalan ng proyekto
