wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

EPP5 IE Quarterly Assessment

Total questions: 40

Worksheet time: 1hrs 20mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga sumusunod ang maituturing na isang produkto?

a)

pagpipinta

b)

pagmamaneho

c)

paglilipat-tanim

d)

lapis

2.

Alin sa mga sumusunod ang maituturing na isang serbisyo?

a)

pagtuturo

b)

smart TV

c)

chalk

d)

papel

3.

Alin sa mga sumusunod na pahayag tungkol sa produkto at serbisyo ang HINDI TOTOO?

a)

Ang pagbebenta ng produkto o serbisyo ay pagtugon sa pangangailangan ng iba.

b)

Ang produkto ay isang bagay na ginawa ng tao o makina.

c)

Ang serbisyo ay pagbibigay ng kahusayan, karanasan o tulong sa iba.

d)

Kailangang nakapagtapos ng kolehiyo ang isang taong magbebenta ng serbisyo.

4.

Sino sa mga sumusunod ang nangangailangan ng karne ng baboy?

a)

muslim

b)

vegetarian

c)

sanggol

d)

atleta

5.

Sino sa mga sumusunod ang nangangailangan ng serbisyo ng isang mekaniko sa pagkukumpuni ng motorsiklo?

a)

tricycle driver

b)

piloto

c)

mang-aawit

d)

artista

6.

Kumpletuhin ang analohiya.

gulay at karne : nagbibinata :: __________ : sanggol

a)

soft drinks

b)

alak

c)

energy drink

d)

gatas

7.

Kumpletuhin ang analohiya.

wheel chair : hindi nakakalakad :: salamin : _______

a)

mabigat ang timbang

b)

malabo ang paningin

c)

masakit ang tiyan

d)

mahina ang pandinig

8.

Ano ang dapat isaisip sa pagnenegosyo?

a)

kung paano magiging mayaman

b)

kung paano mapapabuti ang produkto o serbisyo

c)

kung paano kikita ng malaki

d)

kung paano matalo ang mga kakompetensiya

9.

Paano mo gagawing bukod tangi ang iyong produkto?

a)

Gumawa ng orihinal na disenyo.

b)

Gayahin ang disenyo ng kakompetensiya.

c)

Gumamit ng mga mumurahing materyales.

d)

Bigyan ang produkto ng napakataas na presyo.

10.

Bakit maraming tao ang pumupuna sa motivational rice ni Rendon Labador?

a)

Dahil hindi ito masarap

b)

Dahil wala silang pambili nito.

c)

Dahil naiinis sila kay Rendon

d)

Dahil hindi tugma ang taas ng presyo sa halaga nito

11.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang netiquete sa paggamit ng discussion forum at chat?

a)

Makipagchat gamit lamang ang mga UPPERCASE letters.

b)

Magpadala ng mga masasakit, nakakainsulto, o mapanirang mga mensahe

c)

Mag-back read muna sa thread o conversation bago magtanong.

d)

Pindutin kaagad ang post button kahit hindi pa nasuri ang draft post.

12.

Ito ay tumutukoy sa kagandahang-asal ng isang tao habang siya ay gumagamit ng internet.

a)

profile

b)

netiquette

c)

picture

d)

bio

13.

Ito ay isang website kung saan maaring magtanong, sumagot sa tanong, makipagtalakayan, o magbasa ng talakayan tungkol sa isang paksa. Ang isang halimbawa nito ay ang KidzTalk.

a)

cloud storage

b)

chat

c)

discussion forum

d)

email

14.

Ito ay isang uri ng impormal na pakikipag-usap o pagpapadala ng mensahe sa isang tao gamit ang smartphone, laptop o iba pang gadget na konektado sa internet. Ang isang halimbawa nito ay ang paggamit ng FB Messenger.

a)

telegrama

b)

Morse code

c)

chat

d)

discussion forum

15.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI TOTOO tungkol sa discussion forum at chat.

a)

Ang discussion forum ay ginagamit sa pagtalakay ng isang paksa.

b)

Ang chat ay ginagamit sa pakikipag-usap.

c)

Ang KidzTalk ay isang halimbawa ng discussion forum.

d)

Ang YouTube ay ginagamit sa pakikipag-chat.

16.

Alin sa mga sumusunod ang dapat mong isa-alang alang sa pakikipag-chat?

a)

Magsinungaling sa ka-chat upang maiwasang mabiktima ng manloloko.

b)

Iwasang magbahagi ng personal na impormasyon sa hindi kakilala.

c)

Ibahagi sa ka-chat ang iyong mga larawan at video sa pang-araw-araw na gawain.

d)

Sumunod sa lahat ng ipag-uutos ng ka-chat kahit hindi mo pa siya lubusang kilala.

17.

Bilang isang responsableng kasapi sa isang discussion forum, ikaw ay inaasahang ___________.

a)

babasahin at susundin ang lahat ng naitalagang patakaran

b)

sasagot sa lahat ng tanong kahit hindi mo kabisado ang paksa

c)

mumurahin ang ibang kasapi na nagbigay ng maling sagot sa tanong

d)

ipapahiya ang mga kasapi na nagbigay ng maling sagot

18.

Maaring gamitin ang discussion forum upang __________.

a)

magpakalat ng maling impormasyon

b)

mapalawak ang kaalaman sa isang paksa

c)

makipag-usap sa kaibigan

d)

mapatunayan na mali ang ibang tao

19.

Ang discussion forum at group chat sa Mathematics ay maaring gamitin sa __________.

a)

pagbebenta ng produkto

b)

pangangamusta sa kamag-aral

c)

pagtalakay sa mga aralin

d)

pagpapakalat ng chain message.

20.

Hindi maintindihan ni Marco ang kanilang takdang-aralin sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan tungkol sa pagsali sa Google Classroom. Ano ang nararapat niyang gawin?

a)

Magreklamo sa guro at sabihing hindi malinaw ang mga ibinigay na panuto.

b)

Pag-aralan ang mga ibinigay na panuto at subukang sundan ang mga ito bago magtanong.

c)

Magtanong kaagad sa guro kung paano gagawin ang takdang-aralin.

d)

Huwag na lamang gawin ang takdang-aralin dahil hindi rin naman maintindihan.

21.

Ang internet ay naglalaman ng napakaraming impormasyon sa iba't -ibang anyo. Alin sa mga sumusunod na computer programs ang kakailanganin mo upang makahanap ng impormasyon sa internet?

a)

calculator

b)

calendar

c)

search engine

d)

spreadsheet

22.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng search engine?

a)

Google Drive

b)

Google Docs

c)

Google Sheets

d)

Google Search

23.

Upang makapagsagawa ng online search gamit ang isang search engine, kinakailangang maglagay ng makabuluhang _______ sa search box.

a)

password

b)

passcode

c)

keyword

d)

username

24.

Isang gabi, naalala ni Carlo na mayroon silang pagsusulit sa "Soil Erosion" kinabukasan ngunit naiwan niya ang kaniyang kuwaderno sa kanilang silid-aralan. Ano ang dapat niyang gawin?

a)

Kunin ang naiwang kuwaderno sa silid-aralan.

b)

Pumunta sa bahay ng kamag-aral at hiramin ang kaniyang kuwaderno.

c)

Matulog na lamang.

d)

Maghanap ng impormasyon sa internet tungkol sa "Soil Erosion".

25.

Lumabas sa search results na ang Baggao ay mayroong humidity level na 90%. Kung nais mong maunawaan ang ibig-sabihin nito, ano ang pinakamainam na solusyon na maari mong gawin?

a)

Itanong ito sa chat AI.

b)

Itanong ito sa iyong kamag-aral.

c)

Maghanap ng eksperto at magtanong.

d)

Pabayaan na lamang ang datos na nahanap.

26.

Anong simbolo ang ginagamit sa pagsisimula ng isang spreadsheet formula?

a)

=

b)

?

c)

+

d)

!

27.

Sa spreadsheet formula, anong simbolo ang ginagamit upang makapagsagawa ng multiplication?

a)

?

b)

*

c)

#

d)

!

28.

Sa spreadsheet formula, anong simbolo ang ginagamit upang makapagsagawa ng division?

a)

?

b)

*

c)

/

d)

#

29.

Anong pares ng simbolo ang kinakailangan upang magamit ang isang spreadsheet function?

a)

( )

b)

[ ]

c)

{ }

d)

< >

30.

Alin sa mga sumusunod ang maaring ilagay sa patlang upang makumpleto ang spreadsheet formula?

=MAX(_____)

a)

C2:14

b)

2:C14

c)

2:14C

d)

C2:C14

31.

Alin sa mga sumusunod ang maituturing na isang spreadsheet formula?

a)

=COUNTA(LISTAHAN!A2:A24)

b)

COUNTA(LISTAHAN!A2:A24)

c)

LISTAHAN!A2:A24

d)

A2:A14

32.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI maituturing na spreadsheet function?

a)

COUNTA

b)

MAX

c)

AVERAGE

d)

ANSWER

33.

Alin sa mga sumusunod na spreadsheet functions ang maaring gamitin upang makwenta ang kabuuan ng mga numero sa isang hanay?

a)

SUM

b)

AVERAGE

c)

COUNT

d)

MAX

34.

Alin sa mga sumusunod na spreadsheet functions ang magagamit upang makuha ang pinakamalaking numero sa isang hanay?

a)

SUM

b)

AVERAGE

c)

COUNT

d)

MAX

35.

Narito ang mga halaga ng baon na ibinigay kay Carla ng kaniyang ina sa loob ng isang buwan: 20, 20, 20, 50, 40, 20, 20, 20, 50, 50, 30, 30, 20, 20, 20, 100, 20, 50, 20, 20.

Kung tatanungin siya ng kaniyang guro kung magkano ang kaniyang baon sa araw-araw, ano ang dapat niyang isagot?

a)

"Hindi ko po alam, ma'am."

b)

"Ang baon ko po ay 20 piso lamang."

c)

"Ang baon ko po ay 100 piso."

d)

"Ang average po ng baon ko ay 32 piso."

36.

Nais ni Carlo na gumamit ng electronic spreadsheet sa paglilista sa kaniyang pagnenegosyo ng pastilyas. Ano ang HINDI niya dapat gawin?

a)

Ilista ang lahat ng nagkagastusan at halaga ng mga ito.

b)

Ilista ang lahat ng napagbentahan sa bawat araw.

c)

Gumamit ng SUM function upang malaman ang kabuuan ng gastos.

d)

Hayaan ang mga mamimili na maglista sa electronic spreadsheet.

37.

Sa anong sitwasyon magagamit ang isang electronic spreadsheet?

a)

paglilista ng mga nakuhang puntos sa bawat pagsusulit o gawain

b)

paggawa ng paliwanag sa ulat-panahon

c)

pagsulat ng isang liham paumanhin

d)

paggawa ng invitation card para sa kaarawan

38.

Gumamit si Mark ng electronic spreadsheet sa paglilista ng lahat ng kaniyang mga nakolektang pondo para sa kanilang field trip. Tinatanong siya ng guro kung magkano na ang kabuuan ng nakolekta niya. Anong spreadsheet function ang kakailanganin niya upang masagot ang tanong?

a)

AVERAGE

b)

COUNT

c)

MAX

d)

SUM

39.

Ano ang kalamanangan ng paggamit ng electronic spreadsheet sa paglilista kumpara sa panulat at papel?

a)

Ang electronic spreadsheet ay mayroong mga magagandang font styles.

b)

Ang electronic spreadsheet ay hindi nasisira.

c)

Ang electronic spreadsheet ay maaring magproseso ng mga numero gamit ang formula at functions.

d)

Ang electronic spreadsheet ay nauuso.

40.

Si Mark ay mayroong mahigit isang libong tala sa electronic spreadsheet tungkol sa mga bagyong tumama sa bansa sa loob ng 100 taon. Nakasaad sa spreadsheet ang pangalan, taon, lakas ng hangin, lawak, halaga ng pinsala, at bilang ng namatay sa bagyo. Kung gagawa siya ng ulat tungkol sa kaniyang talaan, ano ang dapat niyang gawin?

a)

Ilakip sa ulat ang buong listahan.

b)

Basahin sa mga tao ang lahat ng nilalaman ng listahan.

c)

Gumamit ng formula at functions upang makagawa ng lagom o summary.

d)

Ipagawa na lamang sa iba ang ulat.