Font size
WorksheetsQ3-1st Assessment test: ESP 5
Total questions: 42
Worksheet time: 31mins
Nabalitaan mo na maraming bahay sa Leyte ang nasira dahil sa bagyong Yolanda. Ano ang iyong gagawin bilang isang batang mapagkawanggawa?
Aalamin kung paano makararating ang tulong sa kanila.
Hindi papansinin ang narinig na balita.
Ipagdarasal ang mga naging biktima ng bagyo.
A at C
Nadapa ang nakaalitan mong kamag-aaral. Ano ang iyong gagawin bilang isang batang mapagkawanggawa?
Dadalhin siya sa klinika ng paaralan.
Pagtatawanan ko siya
Hahayaan siyang tumayong mag-isa.
Hahanap ng ibang tutulong sa kanya
Hindi naubos ang pagkaing inihanda ng iyong ina para sa iyong kaarawan. Ano ang iyong gagawin bilang isang batang mapagkawanggawa?
ipakakain sa mga alagang hayop.
Ibibigay sa mga kapitbahay na hindi nakadalo.
Itatapon na lamang ang natirang mga pagkain.
Hahayaan nalang na masira ang handa.
Habang ikaw ay naglalakad, may lumapit sa iyong bata na namamalimos. Ano ang iyong gagawin bilang isang batang mapagkawanggawa?
Sisigawan ang bata upang matakot.
Aabutan ang bata ng pagkain.
Ipahuhuli ang bata sa pulis.
Hindi nalang papansinin.
Tuwing araw ng Sabado ay nagsasagawa ng libreng panggagamot ang ama mong doktor. Ano ang iyong gagawin bilang isang batang mapagkawanggawa?
Sasama at mag cecellphone lang
Hahanap ng ibang tutulong sa kaniya.
Makikibahagi sa ginagawa ng ama.
Mag papaiwan nalang sa bahay
Ang pagkakaunawaan sa loob ng tahanan ay maipapakita sa pamamagitan ng?
pagtulong sa isa't isa
sigawan ang mga nagkakamali
hindi pagtulong sa gawaing bahay
kainggitan ang mabuting nangyari sa kapamilya
Ano ang mga bagay na maaari nating maitulong kapag nagkamali ang isang tao?
Bigyan ng isa pang pagkakataon.
Huwag tulungan upang maiahon ang sarili.
Pagtawanan ang taong nagkamali.
Hindi siya kakausapin.
Dumating ang inyong kamag-anak na nasalanta ng baha. Wala silang matutuluyan dahil naanod nang baha ang kanilang bahay. Ano ang dapat mong gawin?
sasabihin ko na masikip na ang aming bahay.
Papaalisin sila kapag umalis sina nanay.
Tatanggapin sila ng maayos
Hindi sila papansinin.
Mayroon kayong bagong kaklase mula sa isang malayong lugar, lagi siyang nag-iisa dahil wala pa siyang kaibigan. Ano ang iyong gagawin?
Kakausapin at kakaibiganin ko siya.
Lalayuan ko siya at hindi kakausapin.
Hindi ko siya papansinin.
Sasabihan ko siya na bumalik na sa lugar nila.
Mayroon kayong kapitbahay na palaging nakasilip sa bintana ng inyong bahay tuwing nanonood kayo ng telebisyon dahil wala silang kuryente. Ano ang sasabihin mo sa mga bata?
Umuwi kayo sa bahay ninyo.
Umalis kayo diyan.
Bawal makipanood dito.
Dito na kayo sa loob manood.
Ano ang dapat mong gawin kapag mayroon kayong bisita sa inyong bahay?
Magtatago sa loob ng kwarto.
Humingi ng humingi ng pera sa nanay.
Ngumiti ng may paggalang sa mga bisita.
Di ko sila papansinin at maglalaro ako.
Ibinabahagi ni Janet ang baon niyang tinapay sa kaklase niyang walang baon . Ano ang ugali mayroon si Janet?
Matulungin
Masipag
Matapat
Magalang
Naglalaro kayo ng mga kaibigan mo sa palaruan ng paaralan. Mayroong isang bata na nadapa at nasugatan. Ano ang iyong gagawin?
Panonoorin ko lang siya.
Tutulungan ko siya at dadalhin sa clinic para magamot.
Kunwari wala ako nakita.
Papaalisin ko siya sa palaruan.
Bago ka sa paaralan ninyo. Napansin ninyong may isang batang naka-Wheelchair ang hindi makaalis dahil nasabit ang gulong nito sa bakod. Anong gagawin mo ?
Panonoorin ko siya.
Tutulungan ko siya.
Pababayaan ko na lamang siya.
Pagtatawanan ko siya.
Alin ang wastong pag-uugali sa pakikitungo sa kasambahay o katulong?
Mag-utos ng sunud-sunod dito.
Sigawan at palaging pagalitan.
Magsumbong sa mga magulang ng hindi totoo tungkol dito.
Mahalin at igalang din sila.
Isulat ang T kung tama at M kung mali.
Ang taong may malasakit sa kapwa ay kinalulugdan ng Diyos.
(a)
Isulat ang T kung tama at M kung mali.
Huwag pansinin ang mga taong kailangan ng tulong.
(a)
Isulat ang T kung tama at M kung mali.
Laging isaisip at isapuso ang pagkakawanggawa sa kapwa.
(a)
Isulat ang T kung tama at M kung mali.
Tumutulong sa mga nasalanta ng bagyo, lindol o baha.
(a)
Isulat ang T kung tama at M kung mali.
Pabayaan ang mga pinuno na lamang ng pamahalaan ang sumaklolo sa mga mamamayang kailangan ng tulong.
(a)
Isulat ang T kung tama at M kung mali.
Inaalam ang balita sa paparating na bagyo upang makapaghanda ang lahat.
(a)
Isulat ang T kung tama at M kung mali.
Walang pakialam sa mga nagyayari sa paligid.
(a)
Isulat ang T kung tama at M kung mali.
Bukas loob na nagbabahagi ng talento sa mga naapektuhan ng kalamidad.
(a)
Isulat ang T kung tama at M kung mali.
Maging masaya sa panahon ng bagyo dahil walang pasok sa paaralan.
(a)
Isulat ang T kung tama at M kung mali.
Nakikiisa sa programa ng pamahalaan sa pagbibigay tulong sa kapwa.
(a)
Isinasalaysay sa Aklat na ito kung paanong sinakop ng mga Israelita ang Canaan, ang lupang ipinangako ng Diyos sa kanila.
Levitico
Josue
Mga Hukom
Exodo
“Maghanda ka at ang buong Israel; tumawid kayo ng _________ papunta sa lupaing ibinibigay ko sa inyong lahat”
Ilog Jordan
Ilog Chile
Ilog Maya
Ilog Pasig
Ang _______ ang unang lungsod sa Canaan na dapat masakop ng mga Israelita.
Moab
Jerico
Jordan
Josue
Ilang espiya ang ipinadala ni Josue sa Jerico upang pag-aralan ang lupain?
anim
apat
tatlo
dalawa
Kanino nakituloy ang dalawang espiya sa Jerico?
Levita
Haman
Rahab
Rana
Sa paanong paraan matatandaan ng mga espiya ang tinitirahan ni Rahab?
maglalagay ng itim na panyo sa pinto
magpipinta ng kulay dilaw sa pinto
maglalagay ng puting panyo sa pinto
magtatali ng pulang lubid sa bintana
Ilang araw nagtago sa mga burol ang dalawang espiya?
isa
dalawa
tatlo
apat
Sa ikapitong araw, ilang beses magmamartsa ang mga taga-Israelita palibot ng Jerico?
limang beses
anim na beses
pitong beses
walong beses
Ano ang gagawin ng mga Israelita kapag narinig nila ang mahabang tunog ng trumpeta?
sasayaw
sisigaw
tatalon
magwawala
Ang _______ ay isa sa mga lunsod sa lupang pangako.
Gibeon
Gabor
Gamora
Gaba
Ano ang ginawa ng mga taga-Gibeon sa mga taga-Israelita?
pinagsilbihan
pinatay
niloko
pinagtawanan
Ano ang hiniling ni Josue sa Diyos upang matalo ang mga taga-Gibeon?
pahintuin ang araw sa Gibeon
paiyakin ang mga tao sa Gibeon
palakasin ang ulan sa Gibeon
wala sa nabanggit
Saan pinulong ni Josue ang mga Israelita?
Sinai
Jerico
Shekem
Sigab
Anong edad namatay si Josue?
110
111
112
113
Saan nilibing si Josue?
Sinai
Jerico
Shekem
Sigab
41-45. Ano ang naging kasunduan ng mga espiya at ni Rahab?
46-50. Ano ang iyong mararamdaman kung sasabihin sayo ng Panginoon ang mga salitang, “Magpakatatag ka at manalig sa iyong sarili. Huwag kang matatakot o panghihinaan ng loob. Lagi mo akong kasama saan ka man pumunta, ako ang Panginoon mong Diyos.”
