NEW
Font size
WorksheetsFILIPINO 5 1ST MONTHLY EXAM SY 24-25
Total questions: 40
Worksheet time: 10hrs 0mins
Tawag sa salitang naglalarawan ng pangngalan at panghalip.
Pang-uri
Pang-abay
Piliin ANGPANG-URI sa pangungusap.
Bumili ka ng hilaw na mangga.
HILAW
BUMILI
Piliin ANG PANG-URI sa pangungusap.
Malamig ang simoy ng hangin sa Tagaytay.
TAGAYTAY
MALAMIG
Piliin ANG PANG-URI sa pangungusap.
Ang mga lumang pahayagan ay ipinagbili ko..
LUMA
IPINAGBILI
Piliin ANG PANG-URI sa pangungusap.
Si Dra. Cruz ay isang sikat na dentista.
SIKAT
DENTISTA
Piliin ANG PANG-URI na ginamit sa pangungusap.
Ayaw kong kainin ang mapait na ampalaya.
ampalaya
mapait
Piliin ANG PANG-URI na ginamit sa pangungusap.
Maasim ang sabaw ng sinigang na baka
maasim
sabaw
Piliin ANG PANG-URI na ginamit sa pangungusap.
Sariwa ang hangin at mga pagkain sa bukid.
pagkain
sariwa
Piliin ANG PANG-URI na ginamit sa pangungusap.
Hindi agad nagkakasakit ang malusog na bata.
malusog
bata
Piliin ANG PANG-URI na ginamit sa pangungusap.
Ayaw kong kumain ng hilaw na isda..
hilaw
isda
Anong URI NG PANG-URI, ang makikita sa pangungusap.
Ang matalinong mag-aaral ay tumanggap ng medalya:
PANLARAWAN
PAMILANG
PANTANGI
Anong URI NG PANG-URI, ang makikita sa pangungusap.
Si Lola ay mahusay sa wikang Kastila.
PANLARAWAN
PAMILANG
PANTANGI
Anong URI NG PANG-URI, ang makikita sa pangungusap.
Naglilinis ng silid ang anim na bata.
PANLARAWAN
PAMILANG
PANTANGI
Anong URI NG PANG-URI, ang makikita sa pangungusap.
Pansit Malabon ang inorder kong miryenda.
PANLARAWAN
PAMILANG
PANTANGI
Anong URI NG PANG-URI, ang makikita sa pangungusap.
Ang laman ng kahon ay sampung lapis.
PANLARAWAN
PAMILANG
PANTANGI
Anong URI NG PANG-URI, ang makikita sa pangungusap.
Biyaheng Bikol ang nasakyan niyang tren.
PANLARAWAN
PAMILANG
PANTANGI
Anong URI NG PANG-URI, ang makikita sa pangungusap.
Ang maitim na ulap ay nagpapahiwatig ng ulan.
PANLARAWAN
PAMILANG
PANTANGI
Anong URI NG PANG-URI, ang makikita sa pangungusap.
Malakas ang boses ng lider ng grupo.
PANLARAWAN
PAMILANG
PANTANGI
Anong URI NG PANG-URI, ang nagsasabi na bilang - ng dami o kakaunti
ng anumang inilalarawan.
PANLARAWAN
PAMILANG
PANTANGI
Anong URI NG PANG-URI, a ng tumutukoy sa mga pangngalang pantangi na tumuturing
sa kapwa pangngalan.
PANLARAWAN
PAMILANG
PANTANGI
Anong URI NG PANG-URI, ang tumutukoy o nagsasabi ng panlabas na kaanyuan gaya ng kulay, hugis,
laki, amoy, lasa, at ng katangian o kalagayan ng pangngalan at
panghalip.
PANLARAWAN
PAMILANG
PANTANGI
Anong ANYO NG PANG-URI ang pang-uri ay binubuo ng salitang-ugat lamang.
PAyak
MAYLAPI
INUULIT
TAMBALAN
Anong ANYO NG PANG-URI Ang buong pang-uri o bahagi nito ay dinodoble o inuulit ANG SALITA.
PAyak
MAYLAPI
INUULIT
TAMBALAN
Anong ANYO NG PANG-URI Ang mga pang-uring ito NA binubuo ng dalawang salitang
magkaiba ng kahulugan at nang pagsamahin ay nagkaroon ng bagong kahulugan.
PAyak
MAYLAPI
INUULIT
TAMBALAN
Anong ANYO NG PANG-URI Ang mga salitang-ugat ng pang-uri ay dinagdagan ng mga
panlapi.
PAyak
MAYLAPI
INUULIT
TAMBALAN
Anong ANYO NG PANG-URI ang ginamit sa pangugnusap.
Malinis-linis na ngayon ang ilog-Pasig.
PAyak
MAYLAPI
INUULIT
TAMBALAN
Anong ANYO NG PANG-URI ang ginamit sa pangugnusap.
Si Konsehal Reyes ay maawain sa mga magsasaka.
PAyak
MAYLAPI
INUULIT
TAMBALAN
Anong ANYO NG PANG-URI ang ginamit sa pangugnusap.
Napagbintangang bantay-salakay ang security guard.
PAyak
MAYLAPI
INUULIT
TAMBALAN
Anong ANYO NG PANG-URI ang ginamit sa pangugnusap.
Ang tamad na tao ay hindi uunlad.
PAyak
MAYLAPI
INUULIT
TAMBALAN
Anong ANYO NG PANG-URI ang ginamit sa pangugnusap.
Ang suot ng ikakasal ay puting-puti.
PAyak
MAYLAPI
INUULIT
TAMBALAN
KAANTASAN ng PANG-URI kung saan ang sinasabi lamang ay ang basal na
katangian ng inilalarawan. Walang paghahambing na ginagawa.
Lantay
Pahambing
Pasukdol
KAANTASAN ng PANG-URI kung saan naghahambing ng katangian ng
dalawang tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari.
Lantay
Pahambing
Pasukdol
Sa kaantasang ito, wala nang hihigit pa sa katangian ng isang inilalarawan sa iba pa.
Lantay
Pahambing
Pasukdol
Uri ng Pahambing kung saan magkatulad ang katangian ng pinaghahambing.
Pahambing na Magkatulad
Pahambing na Di-Magkatulad
Uri ng Pahambing kung saan Hindi pareho ng katangian ng pinaghahambing
Pahambing na Magkatulad
Pahambing na Di-Magkatulad
Anong KAANTASAN NG PANG-URI ang ginamit sa pangungusap.
Magkasinglaki ang baka at ang kalabaw.
Lantay
Pahambing
Pasukdol
Anong KAANTASAN NG PANG-URI ang ginamit sa pangungusap.
Si Laline ang pinakamasunurin sa kanilang pangkat.
Lantay
Pahambing
Pasukdol
Anong KAANTASAN NG PANG-URI ang ginamit sa pangungusap.
Ang hilaw na mangga ay isinawsaw sa bagoong.
Lantay
Pahambing
Pasukdol
Anong KAANTASAN NG PANG-URI ang ginamit sa pangungusap.
Higit na mahal ang relong ito kaysa sa singsing na iyan.
Lantay
Pahambing
Pasukdol
Anong KAANTASAN NG PANG-URI ang ginamit sa pangungusap.
Ubod ng yaman ang pamilya Zobel.
Lantay
Pahambing
Pasukdol
