wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

SUMMATIVE TEST REVIEW sa EPP 4

Total questions: 40

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang tawag sa yugto ng buhay ng isang nagdadalaga at nagbibinata na karaniwang nasa gulang na 10 hanggang 16?

a)

Puberty

b)

Infancy

c)

Childhood

d)

Adulthood

2.

Bakit tumataas ang tiyansang magkaroon ng tigyawat sa panahon ng pagbibinata/pagdadalaga?

a)

Dahil umiiksi ang tulog sa bakasyon

b)

Dahil sa pag-inom ng malamig na tubig

c)

Dahil sa mas maraming gawain sa paaralan

d)

Dahil sa pagbabago ng hormones na nakaaapekto sa oil glands

3.

Ano ang pinakamainam na paliwanag kung bakit mahalaga ang araw-araw na paliligo sa mainit na panahon?

a)

Upang maging maayos ang hitsura sa larawan

b)

Upang makatipid sa paggamit ng tubig at oras

c)

Upang maiwasan ang pagpapagalitan ng magulang o guro

d)

Upang mabawasan ang pawis at mikrobyo na sanhi ng masamang amoy

4.

Si Ana ay 12 taong gulang at napansin niyang lumapad ang kanyang balakang. Batay sa mga pagbabago sa adolescence, ano ang ibig sabihin nito?

a)

Nangyayari lamang kapag may hormonal imbalance

b)

Karaniwan sa babae bilang paghahanda sa reproduksiyon

c)

Nangyayari sa parehong kasarian dahil sa labis na pagkain

d)

Karaniwan sa lalaki bilang senyales ng paglakas ng kalamnan

5.

Si Mark ay 14 taong gulang at napansin niyang lumitaw ang gulung-gulungan (Adam’s Apple) at nagbago ang timbre ng kanyang boses. Ano ang dapat niyang gawin upang mapanatili ang kalusugan ng kanyang lalamunan?

a)

Uminom ng malamig na tubig nang madalas

b)

Iwasan ang pagsigaw at uminom ng sapat na tubig

c)

Magpuyat upang mas mabilis magbago ang boses

d)

Kumain ng matatamis na pagkain para lumambot ang boses

6.

Alin sa sumusunod ang pangunahing gamit sa pangangalaga ng bibig?

a)

sabon at shampoo

b)

suklay at sepilyo

c)

mouth wash at sabon

d)

Toothbrush at toothpaste

7.

Alin sa mga sumusunod ang tamang pagikilos ng isang kabataan na nagdadalaga o nagbibinata?

a)

Pag-iwas sa mga gawaing bahay

b)

Palaging sumigaw kapag may kausap

c)

Paggamit ng magagalang na pananalita

d)

Hindi pagsunod sa mga tagubilin ng magulang

8.

Para sa malinis at malusog na buhok, alin ang tamang kombinasyon?

a)

Sabon at lotion

b)

Pabango at deodorant

c)

Shampoo at conditioner

d)

Toothbrush at toothpaste

9.

Bakit mahalagang magsuot ng angkop na pananamit sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata?

a)

Para makaiwas sa pag-aaral

b)

Para maging mas maganda kaysa sa iba

c)

Para maging komportable at maayos tingnan

d)

Para magmukhang kakaiba at pansinin ng iba

10.

Dalawang magkaibigang babae ang may magkaibang grooming routine bago pumasok sa klase: • Bella: Maligo, gumamit ng deodorant, magsuot ng damit na yari sa koton, at gumamit ng magalang na pananalita sa hallway. • Rina: Magpabango lang, nakasuot ng uniporme, at sumigaw sa kaibigan sa hallway. Alin ang mas tugma sa school policy sa kalinisan at asal, at bakit?

a)

Bella – dahil naliligo pagpasok

b)

Rina – dahil gumagamit ng pabago

c)

Rina – dahil nakasuot ng tamang uniporme

d)

Bella – nagpapakita ng kalinisan at paggalang

11.

Bakit hinuhugasan ang bigas bago isaing?

a)

Upang mabilis kumulo at maluto

b)

Upang dumami ang tubig sa palayok

c)

Upang tumagal ang oras ng pagluluto

d)

Upang matanggal ang dumi at sobrang almirol

12.

Inutusan ka ng nanay mo na magsaing ng 2 tasang bigas (cups) sa tradisyonal na paraan, alin ang pinakatamang dami ng tubig?

a)

Mas mababa kaysa sa 2 cups ng bigas

b)

Mas kaunti, mga 1 cup lamang ng tubig

c)

Kapantay o bahagyang higit sa 2 cups ng bigas

d)

Mas marami, humigit-kumulang 4 cups ng tubig

13.

Gamit ang Rice Cooker, Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang mula paghahanda hanggang pagluluto ng bigas? I. I-on ang rice cooker at pindutin “Cook” II. Sukatin ang dami ng bigas gamit ang panukat III. Hugasan nang mabuti ang bigas upang maalis ang alikabok at dumi IV. Sukatin ang tamang dami ng bigas at tubig

a)

A. I, II, III, IV

b)

B. IV, I, II, III

c)

C. II, III, IV, I

d)

D. III, I, IV, II

14.

Lumabas na malata (mushy) ang sinain. Ano ang pinaka-posibleng dahilan at anong gagawin sa susunod?

a)

Sobra ang init; dagdagan pa ang apoy

b)

Sobra ang tubig; bawasan pa sa susunod

c)

Kulang ang tubig; dagdagan pa sa susunod

d)

Mali ang bigas; gumamit ng microwave na lang

15.

Nagsasaing si Lorna gamit ang kaldero. Sumobra ang kulo at umapaw ang niluluto. Ano ang pinakaligtas na aksyon?

a)

Pahinaan ang apoy at dahan-dahang alisin ang sobrang tubig

b)

Higpitan pa ang takip upang tumigil ang pag-umapaw

c)

Iwanan ang niluluto at hayaang huminto nang kusa

d)

Ilapit ang mukha at silipin ang loob ng palayok

16.

Bakit kailangang banlawan nang mabuti matapos sabunin ang plato?

a)

Upang maiwasan ang pagkaubos ng dishwashing liquid

b)

Upang maging mas mabigat ang plato pagkatapos banlawan

c)

Upang mas tumagal ang oras ng paghuhugas ng mga pinggan

d)

Upang matanggal ang natirang sabon na maaaring makasama sa kalusugan

17.

Alin ang pinakambisang consumables na gagamitin upang mapadali ang paglinis ng mga mamantikang kawali?

a)

Dishwashing sponge o steel wool

b)

Basang basahan

c)

Paper towel

d)

Frying pan

18.

Ano ang unang hakbang sa tamang paghuhugas ng pinagkainan?

a)

Banlawan agad ang mga plato gamit ang tubig

b)

Itabi ang mga pinagkainan at hugasan kinabukasan.

c)

Tanggalin ang mga tira-tirang pagkain at ilagay sa basurahan.

d)

Lagyan ng sabon ang plato bago alisin ang tira-tirang pagkain.

19.

Maliit ang supply ng tubig ngayon. Paano ka pinakamakakatipid habang malinis pa rin ang hugas?

a)

Huwag nang gumamit ng sabon

b)

Bukas ang gripo habang nagsasabon

c)

Isang palanggana lang para sabay sabon at banlaw

d)

Gumamit ng palanggana para sa sabon at isa para sa banlaw

20.

Habang naghuhugas ng pinaglutoan, napansin mong may matatalas na kutsilyo sa lababo at limitado ang supply ng tubig. Alin ang pinakamainam na plano upang masiguro ang kalinisan at kaligtasan?

a)

Banlawan lahat ng gamit nang sabay-sabay para makatipid sa oras

b)

Hugasan muna ang lahat ng plato nang mabilis, saka na ang kutsilyo

c)

Itabi ang kutsilyo sa gilid at huwag nang banlawan para hindi maaksidente

d)

Ihiwalay ang matatalsas na kutsilyo, gumamit ng palanggana para sa sabon at banlaw, at mag-ingat sa paghawak

21.

Alin sa mga sumusunod ang pangunahing kagamitan at consumables para sa paglilinis ng sahig?

a)

Mop at timba, plantsa, hair dryer

b)

Walis tambo, dustpan, glass cleaner

c)

Walis tambo, dustpan, mop at timba; detergent

d)

Basahan, glass cleaner, dishwashing sponge; trash bags

22.

Napansin ni Ana na may mantsa sa bintana at alikabok sa sala. Alin ang mas lohikal na uunahin at bakit?

a)

Bintana muna, dahil mas madaling tanggalin kaysa alikabok

b)

Sala muna, dahil mahal ang glass cleaner at dapat tipirin

c)

Bintana muna, dahil matutuyo agad ang glass cleaner at iwas mantsa

d)

Sala muna, dahil madadagdagan ang alikabok kung mauuna ang bintana

23.

Nakita ni Mark ang bote ng bleach na nakabukas sa gilid ng lababo. Ano ang pinakamaainam na desisyon batay sa pag-iingat at tamang pagliligpit?

a)

Iwan sa lababo para madaling makita ng lahat

b)

Ilipat sa baso at takpan ng basahan para hindi mabula

c)

Itabi sa shelf ng pagkain upang madaling maabot kapag kailangan

d)

Isara ang takip, lagyan ng label, at ilagay sa hiwalay na storage box

24.

Matapos magwalis sa sala, napansin ni Carlo na basa ang sahig sa kusina at may timba ng tubig sa tabi. Ano ang tamang hakbang upang ligtas at maayos na mapatuyo ang sahig?

a)

Gumamit ng bleach, punasan ang sahig, maghintay matuyo

b)

Gumamit ng basahan, punasan ang sahig, patuyuin nang mabilis

c)

Gumamit ng mop nang basa, iwan ang timba, magpatuloy sa iba

d)

Gumamit ng mop, pigain nang maayos, iwasan ang basang bahagi

25.

Pagkatapos maglinis, nais ng pangkat gumawa ng maikling protocol sa pagliligpit ng kagamitan at consumables. Alin ang pinakamainam na draft?

a)

Ilagay kung saan malapit; gamitin muli kahit basa; walang label

b)

Linisin ang gamit, patuyuin, lagyan ng label, at itago sa tamang lalagyan

c)

Iwan ang mop at timba sa pasilyo; takpan ng basahan; walang storage box

d)

Ihalo ang chemicals sa isang bote; itago sa bukas na estante; walang guwantes

26.

Bakit ibinababad sa tubig na may detergent ang maruruming damit?

a)

Upang lumamig ang tubig habang nakababad ang damit

b)

Upang lumambot ang dumi at mas madaling matanggal

c)

Upang hindi na kailangang angkusos sa paglalaba

d)

Upang kumupas ang kulay ng tela nang mas mabilis

27.

May mantsang putik at mantika sa T-shirt na may kulay. Alin ang pinakaangkop na consumable?

a)

Fabric conditioner – pampalambot ng tela

b)

Detergent o bar soap – pangtanggal mantsa sa tela

c)

Bleach – pampaputi, maaaring makupas ang kulay

d)

Dishwashing soap – pang-alis ng mantika sa pinggan

28.

Ano ang tamang pagkakasunod sa tamang proseso ng conventional na paglalaba?

a)

Kuskos muna → banlaw pagkatapos → babad sa tubig

b)

Banlaw muna → babad pagkatapos → kuskos nang husto

c)

Babad muna → kuskos pagkatapos → banlaw nang maayos

d)

Kuskos muna → babad pagkatapos → kuskos muli sa dulo

29.

Nagka-iritasyon ang balat matapos maglaba. Ano ang pinaka-posibleng dahilan at dapat baguhin?

a)

Mali ang balde; palitan ng mas malaki para sa paglalaba

b)

Maaga naglaba; maghapon na lang para mas komportable

c)

Kulang ang tubig; bawasan ang banlaw at dagdagan ang sabon

d)

Sobra ang detergent; gumamit ng gloves at dagdagan ang banlaw

30.

May halo-halong damit: puti at matingkad ang kulay. Gusto mong mapanatili ang kalinisan at maiwasan ang pagkupas. Ano ang pinakamainam na desisyon bago maglaba?

a)

Unahin ang colored at bahala na sa puti pagkatapos maglaba

b)

Pagsamahin lahat ng damit upang makatipid sa oras at tubig

c)

Ihiwalay ang puti at colored at sundin ang care labels sa bawat tela

d)

Haluin ang puti at colored depende sa dami ng labada para mabilis matapos

31.

Alin sa mga sumusunod ang tamang kagamitan para sa makabagong pamamaraan ng paglalaba?

a)

Pala at timba

b)

Washing machine

c)

Walis at dustpan

d)

Pala at timba Palanggana at tabla sa paglalaba

32.

Bakit mahalaga ang paggamit ng fabric conditioner sa makabagong pamamaraan ng paglalaba?

a)

Upang mas dumami ang bula

b)

Upang mabilis matuyo ang damit

c)

Upang hindi maubos ang tubig sa paglalaba

d)

Upang mapanatili ang bango at lambot ng damit

33.

Napansin mong may pera at aspile sa bulsa ng pantalon. Ano ang dapat gawin bago maglaba?

a)

Isalang agad para hindi maubos ang oras

b)

Ibabad ang pantalon nang hindi inaalis ang laman

c)

Takpan ang bulsa ng tela para hindi lumabas ang laman

d)

Suriin ang bulsa at alisin ang laman upang maiwasan ang pinsala

34.

Pagkatapos maglaba gamit ang washing machine, paano ka bubuo ng pinakamainam na plano para ligtas na pagliligpit ng kagamitan at consumables?

a)

Iwan ang washing machine na nakasaksak

b)

Ihalo ang natirang sabon at bleach sa isang bote

c)

Linisin ang washing machine at iwan sa mababasa ng ulan

d)

Linisin, patuyuin, at itago ang detergent at bleach sa may label

35.

Alin ang tamang gamit ng sipit o tong sa tradisyonal na pamamalantsa?

a)

Pangwisik ng tubig sa pinaplantsa

b)

Pangsampay ng mga damit sa hanger

c)

Pantakip sa kabayo o ironing board

d)

Pang-ipit at panglipat ng baga ng uling

36.

Para saan ang dahon ng saging sa tradisyunal na pamamalantsa?

a)

Pangtakip ng usok mula sa uling

b)

Pamunas sa alikabok ng plantsa

c)

Patungan ng plantsa de uling bago gamitin

d)

Pangalagay at pampalambig sa loob ng plantsa de uling

37.

May polo na manipis at pantalon na makapal. Paano ilalapat ang tamang antas ng init sa makabagong plantsa?

a)

Parehong mababa para iwas sunog sa tela

b)

Mas mataas sa polo at mas mababa sa pantalon para mas mabilis

c)

Mababa sa polo at mas mataas sa pantalon ayon sa kapal ng tela

d)

Parehong mataas para mas mabilis matapos ang plantsa

38.

May bestida na may pleats at polo na may kuwelyo. Alin ang mas angkop na pagkakasunod upang maiwasan ang dobleng linya?

a)

Harap ng bestida muna, saka pleats; kuwelyo huli na

b)

Manggas ng polo muna, saka pleats; harap at likod huli

c)

Pleats muna, saka harap at likod ng bestida; kuwelyo huli

d)

Kuwelyo at manggas ng polo muna, saka pleats ng bestida

39.

Bakit mahalagang magkaroon ng gabay ng nakatatanda sa pamamalantsa?

a)

Upang hindi masira ang plantsa

b)

Upang gawing mas mabilis ang pamamalantsa

c)

Upang may katulong kapag napagod sa pamamalantsa

d)

Upang maiwasan ang mga aksidente tulad ng pagkasunog o pagkakapaso

40.

Bakit kailangang suriin muna ang init ng plantsa bago simulan ang pamamalantsa?

a)

Para mas mabilis matapos ang pamamalantsa

b)

Upang maiwasan ang pagkasunog ng tela

c)

Para makatipid sa kuryente

d)

Para hindi gumamit ng plantsahan