wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

EPP PAGLILINIS NG BAHAY

Total questions: 35

Worksheet time: 26mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay ginagamit sa pag-aalis ng alikabok at pagpupunas ng mga kasangkapan?

a)

Basahan

b)

Walis Tingting

c)

Mop

2.

Nagwawalis ng sala ng kanilang tahanan si Angela upang ito ay maging maaliwalas at malinis. Alin sa mga sumusunod ang kaniyang gagamitin?

a)

mop

b)

walis tingting

c)

walis tambo

d)

vacuum cleaner

3.

Ito ay ginagamit sa pagwawalis ng magaspang na sahig?

a)

Walis Tambo

b)

Walis Tingting

c)

Vacuum Cleaner

4.

Ito ay ginagamit na pampakintab ng sahig?

a)

Basahan

b)

Floor Polisher

c)

Sabon at Tubig

5.

Ito ay palaging kasama ng walis na pinaglalagyan ng dumi bago ito ilagay sa basurahan.

a)

Pandakot

b)

Bunot

c)

Vacuum Cleaner

6.

Lagyan ng ____________ ang sahig upang kumintab.

a)

floor wax

b)

basahan

7.

Sa pag-aalikabok, magsimula sa __________ na bahagi ng mga kasangkapan.

a)

mataas

b)

mababa

c)

ilalim

8.

Dapat bang hayaang barado ang daluyan ng tubig o kanal sa bakuran?

a)

Opo

b)

Hindi po

9.

Dapat bang itapon sa ilog ang mga basurang di-nabubulok?

a)

Opo

b)

Hindi po

10.

Dapat bang alisin ang lahat ng bagay na maaaring pamugaran ng lamok?

a)

Opo

b)

Hindi po

11.

Ang floor polisher at vacuum cleaner ay mga makabagong kagamitang panlinis.

a)

:)

b)

:(

12.

Pagwawalis at paglalampaso ng sahig.

a)

Araw-araw

b)

Lingguhan

c)

Ayon sa pangangailangan

13.

Paglalagay ng floor wax sa sahig

a)

Araw-araw

b)

Lingguhan

c)

Ayon sa pangangailangan

14.

Paglilinis ng paliguan at palikuran.

a)

Araw-araw

b)

Lingguhan

c)

Ayon sa pangangailangan

15.

Pagpapalit ng kobre-kama at punda ng unan.

a)

Araw-araw

b)

Lingguhan

c)

Ayon sa pangangailangan

16.

Nagwawalis ng sala ng kanilang tahanan si Angela upang ito ay maging maaliwalas at malinis. Alin sa mga sumusunod ang kaniyang gagamitin?

a)

mop

b)

walis tingting

c)

walis tambo

d)

vacuum cleaner

17.

Saan dapat umpisahan ang pagwawalis ng sahig?

a)

sa gitna

b)

sa sulok

c)

sa hulihan

d)

sa unahan

18.

Alin sa mga sumusunod na gawain sa paglilinis ng tahanan ang isinasagawa araw-araw?

a)

A. pagwawalis

b)

B. pagwawalis ng tahanan

c)

C. paglalampaso ng sahig

d)

D. A at B ay parehong tama

19.

Alin sa mga sumusunod na kasangkapan sa paglilinis ang ginagamit sa tahanan at bakuran?

a)

walis tambo at pandakot

b)

walis tingting at pandakot

c)

walis tingting at floor polisher

d)

walis tambo at kalaykay

20.

Alin sa mga sumusunod na kasangkapan sa paglilinis ng bakuran ang ginagamit sa paglilinis ng kanal?

a)

itak at pala

b)

kalaykay at itak

c)

pala at kalaykay

d)

mop at pala

21.

Ang mga sumusunod ay mga basurang maaari nating matipon sa paglilinis ng bakuran. Alin sa mga ito ang maaaring ipagbili o gamiting muli?

a)

A. tuyong dahon

b)

B. plastik

c)

C. bote

d)

D. B at C ay parehong tama

22.

Alin sa mga sumusunod na kasangkapan sa paglilinis ng tahanan ang ginagamit sa pagpapakintab ng sahig?

a)

mop at bunot

b)

floor polisher at bunot

c)

bunot at pandakot

d)

basahan at mop

23.

Inutusan si Arnel ng kanyang nanay na alisan ng alikabok ang karpet ng kanilang sahig sa kanilang sala. Alin sa mga kasangkapan sa paglilinis ng tahanan ang kanyang gagamitin?

a)

floor polisher

b)

walis tingting

c)

vacuum cleaner

d)

mop

24.

Matataas at malalago na ang mga damo sa bakuran nina Mang Ramon at kailangan na itong linisin, alin sa mga sumusunod na kasangkapan ang dapat niyang gamitin?

a)

gunting

b)

kalaykay

c)

pala

d)

pandakot

25.

Pinag-aalis ng alikabok ng kanyang nanay si Nena sa kanilang tahanan. Alin sa mga sumusunod ang kanyang uunahing alisan ng alikabok?

a)

sahig

b)

lamesa

c)

ibabaw ng telebisyon

d)

mataas na bahagi ng bintana

26.

Ang maruming tahanan ay tinatahanan ng mga mikrobyo at sakit.

a)

Tama

b)

Mali

27.

Ang paglilinis ng bahay sa araw araw ay nakakapag padali ng paglilinis.

a)

Tama

b)

Mali

28.

Para panatilihing walang mikrobyo ang mga spongha at telang pang linis ng mga pinggan sa lababo, hugasan ito ng mainit na tubig, na may sabon pagkatapos gamitin. Alisan ng sabon at patuyuin.

a)

Tama

b)

Mali

29.

Linisin na kaagad ang mga spongha o tela na ginamit na pang linis sa dumi ng tao o hayop.

a)

Tama

b)

Mali

30.

Ang sukang puti ay nagaalis ng mantsa sa mga lababo, tiles, banyo at sahig.

a)

Tama

b)

Mali

31.

Ang Baking soda ay pang alis ng mga mikrobyo laluna ang mga amag sa lapag.

a)

Tama

b)

Mali

32.

Ang Banyo at ang kusina ang dapat laging malinis o laging nililinis sa lahat ng lugar sa bahay.

a)

Tama

b)

Mali

33.

Ang mga hayop na alaga sa loob ng tahanan ay kailangang laging paliguan upang hindi magkaroon ng masangsang na amoy ang loob ng bahay.

a)

Tama

b)

Mali

34.

Tulungan ang mga tao na maintindihan na ang pagkakaroon ng malinis na tahanan ay magbibigay ng magandang resulta sa kanilang buhay

a)

Tama

b)

Mali

35.

Ipalagay na naiintindihan ng mga tao ang importansya ng kalinisan at ang tahanang walang peste.

a)

Tama

b)

Mali