wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

EPP-FCS 4 PT

Total questions: 40

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga sumusunod ang maituturing na pagbabago pisikal sa panahon ng puberty?

a)

Pagtaas ng grado sa eskuwela

b)

Pagiging mas malakas ang katawan

c)

Pagkakaroon ng tigyawat at pagbabago sa boses

d)

Pagkahilig sa paglaro ng video games

2.

Ano ang tamang paraan ng pag-aayos ng sarili upang maiwasan ang masamang amoy ng katawan?

a)

Gumamit ng pabango kahit hindi naliligo

b)

Maligo araw-araw at gumamit ng deodorant

c)

Magsuot ng makakapal na damit kahit mainit ang panahon

d)

Huwag magpalit ng damit kahit pawisan

3.

Bakit mahalaga ang pag-aalaga ng sarili sa panahon ng pagbibinata o pagdadalaga?

a)

Para maging tanyag sa eskuwelahan

b)

Upang mapanatili ang kalusugan at pagiging malinis

c)

Para mainggit ang ibang tao sa sarili

d)

Upang hindi na mag-aral

4.

Ano ang dapat gawin upang maiwasan ang pagkakaroon ng taghiyawat?

a)

Kumain ng maraming matatamis na pagkain

b)

Iwasan ang paghuhugas ng mukha

c)

Linisin ang mukha at uminom ng sapat na tubig araw-araw

d)

Magpuyat tuwing gabi

5.

Anong bahagi ng katawan ang dapat linisin nang mabuti upang maiwasan ang masamang amoy?

a)

Balikat

b)

Paa

c)

Kili-kili

d)

Tuhod

6.

Alin sa mga sumusunod ang tamang pag kilos ng isang kabataan na nagdadalaga o nagbibinata?

a)

Paggamit ng magagalang na pananalita sa pakikisalamuha

b)

Palaging sumigaw kapag may kausap

c)

Hindi pagsunod sa mga tagubilin ng magulang

d)

Pag-iwas sa mga gawaing bahay

7.

Alin sa mga sumusunod na kagamitan ang ginagamit upang mapanatiling malinis ang katawan?

a)

Notebook at lapis

b)

Sabon, shampoo, at toothpaste

c)

Laruan at unan

d)

Tuwalya at unan

8.

Bakit mahalagang magsuot ng angkop na pananamit sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata?

a)

Para magmukhang kakaiba at pansinin ng iba

b)

Para makaiwas sa pag-aaral

c)

Para maging mas maganda kaysa sa iba

d)

Para maging komportable at maayos tingnan

9.

Ano ang dapat piliin na damit kapag mainit ang panahon?

a)

Makapal at madilim na damit

b)

Balabal at jacket

c)

Magaan at maluwag na damit na yari sa koton

d)

Makintab na kasuotan

10.

Alin sa mga sumusunod na consumables ang ginagamit para sa malinis na buhok?

a)

Shampoo at conditioner

b)

Toothbrush at toothpaste

c)

Sabon at lotion

d)

Pabango at deodorant

11.

Alin sa mga sumusunod na gamit ang ginagamit sa tradisyonal na pagsasaing ng bigas?

a)

Rice cooker

b)

Kaldero at kalan

c)

Microwave oven

d)

Electric steamer

12.

Alin sa mga sumusunod ang unang hakbang na dapat gawin bago magsaing ng bigas?

a)

Isalang agad ang bigas sa kalan

b)

Ibuhos ang tubig nang hindi sinusukat

c)

Sukatin at hugasan ang bigas nang maayos

d)

Buksan ang kalan bago maghanda ng bigas

13.

Ano ang kagamitang ginagamit sa makabagong pamamaraan ng pagsasaing?

a)

Kalan

b)

Kawali

c)

Rice cooker

d)

Palayok

14.

Bakit mahalagang hugasan ang bigas bago ito isain?

a)

Para mabilis itong maluto

b)

Para hindi ito masunog

c)

Para mas maraming tubig ang magamit

d)

Para matanggal ang dumi at sobrang almirol

15.

Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin upang maging ligtas habang nagsasaing?

a)

Iwanan ang kalan habang nagluluto

b)

Gumamit ng tamang sukat ng tubig at iwasan ang pag-umapaw nito

c)

Itaas ang apoy ng kalan sa pinakamataas na antas

d)

Gumamit ng mga basang kamay habang humahawak ng mga de-koryenteng kagamitan

16.

Alin sa mga sumusunod na consumable ang karaniwang ginagamit sa paghuhugas ng mga pinggan?

a)

Shampoo

b)

Liquid dishwashing soap

c)

Fabric conditioner

d)

Baking soda lamang

17.

Anong kagamitan ang ginagamit upang mapadali ang paglinis ng mga mamantikang kawali?

a)

Dishwashing sponge o steel wool

b)

Basang basahan

c)

Paper towel

d)

Frying pan

18.

Ano ang unang hakbang sa tamang paghuhugas ng pinggan?

a)

Tanggalin ang mga tira-tirang pagkain at ilagay sa basurahan

b)

Banlawan agad ang mga plato gamit ang tubig

c)

Lagyan ng sabon ang plato bago alisin ang tira-tirang pagkain

d)

Itabi ang mga pinggan at hugasan kinabukasan

19.

Bakit mahalagang banlawan nang mabuti ang mga pinggan matapos sabonin?

a)

Para makatipid sa tubig

b)

Para mas mabilis matapos ang paghuhugas

c)

Para maiwasan ang pagkaubos ng sabon

d)

Para hindi manatili ang sabon na maaaring makasama sa kalusugan

20.

Alin sa mga sumusunod ang tamang paraan ng pag-iingat habang naghuhugas ng pinaglutuan?

a)

Gumamit ng sobrang init na tubig upang mabilis ang paghuhugas

b)

Mag-ingat sa mga matatalas na kagamitan tulad ng kutsilyo

c)

Huwag banlawan ang mga kawali pagkatapos sabonin

d)

Gumamit ng basang kamay habang naka-plug ang electric dishwasher

21.

Alin sa mga sumusunod ang tamang kagamitan na ginagamit sa paglilinis ng sahig?

a)

Frying pan

b)

Walis at dustpan

c)

Microwave oven

d)

Mop at timba

22.

Bakit mahalagang mag-ingat sa paggamit ng mga cleaning chemicals tulad ng bleach o zonrox?

a)

Para mas mabilis ang paglilinis

b)

Para makatipid sa tubig

c)

Dahil maaaring makasama ito sa kalusugan kung hindi maingat na ginagamit

d)

Para hindi magamit ng iba

23.

Ano ang dapat gawin bago magligpit ng mga gamit pagkatapos maglinis?

a)

Iwanan ang mga gamit kung saan ginamit ang mga ito.

b)

Ilagay sa tamang lalagyan ang mga kagamitang tulad ng walis, mop, at basahan.

c)

Itago ang mga kagamitan nang hindi nililinis.

d)

Iwanan na lamang ang mga gamit sa gilid ng kwarto.

24.

Alin sa mga sumusunod ang tamang hakbang sa paglilinis ng bintana?

a)

Gumamit ng basahan at tubig para tanggalin ang alikabok at dumi.

b)

Sabunin ang bintana gamit ang dishwashing soap.

c)

Gumamit ng walis para linisin ang bintana.

d)

Iwanan na lang ang bintana at maglinis ng ibang bahagi.

25.

Bakit mahalagang sundin ang mga wastong hakbang sa paglilinis ng tahanan?

a)

Para magtagal ang paglilinis ng bahay.

b)

Para maging ligtas, malinis, at maayos ang tahanan.

c)

Para hindi mapansin ng iba ang kalat.

d)

Para hindi na kailangang maglinis muli.

26.

Alin sa mga sumusunod ang kagamitan na karaniwang ginagamit sa conventional na paglalaba?

a)

Washing machine

b)

Palanggana, balde, at tabla sa paglalaba

c)

Vacuum cleaner

d)

Electric iron

27.

Anong consumable ang ginagamit upang maalis ang mantsa at dumi sa damit habang naglalaba?

a)

Fabric conditioner

b)

Dishwashing soap

c)

Detergent powder o bar soap

d)

Cooking oil

28.

Ano ang unang hakbang sa tamang proseso ng conventional na paglalaba?

a)

Banlawan agad ang damit nang hindi binababad.

b)

Tanggalin ang matitinding mantsa bago ibabad sa tubig na may sabon.

c)

Pusugin ang damit kahit hindi pa ito nakabababad.

d)

Balewalain ang dumi at direktang patuyuin ang damit.

29.

Bakit mahalagang banlawan nang mabuti ang mga damit pagkatapos sabonin?

a)

Para hindi magtubig ang mga damit.

b)

Para matanggal ang natitirang sabon na maaaring magdulot ng iritasyon sa balat.

c)

Para mas mabilis matapos ang paglalaba.

d)

Para magmukhang bago ang damit.

30.

Alin sa mga sumusunod ang tamang paraan ng pag-iingat habang naglalaba?

a)

Gumamit ng sobrang init na tubig sa lahat ng uri ng tela.

b)

Mag-ingat sa paggamit ng detergent upang hindi ma-irritate ang balat.

c)

Iwanan ang labada sa ilalim ng araw nang walang takip.

d)

Maglaba sa gabi nang walang sapat na ilaw.

31.

Alin sa mga sumusunod ang tamang kagamitan para sa makabagong pamamaraan ng paglalaba?

a)

Washing machine

b)

Palanggana at tabla sa paglalaba

c)

Walis at dustpan

d)

Pala at timba

32.

Bakit mahalaga ang paggamit ng fabric conditioner sa makabagong paglalaba?

a)

Para mas lumambot at maging mabango ang damit.

b)

Para tanggalin ang matitinding mantsa.

c)

Para mapabilis ang pagpapatuyo kahit walang araw.

d)

Para hindi na kailangan ng tubig sa banlaw.

33.

Alin sa mga sumusunod ang pangunahing kagamitan na ginagamit sa conventional na pamamalantsa?

a)

Plancha

b)

Vacuum cleaner

c)

Washing machine

d)

Electric fan

34.

Anong hakbang ang dapat sundin bago magsimula sa conventional na pamamalantsa?

a)

Iwanan ang plancha na nakasaksak habang nag-aayos ng damit.

b)

Gumamit ng mataas na init sa lahat ng uri ng tela

c)

Direktang plantsahin ang basang damit.

d)

Siguraduhing malinis ang ibabaw ng plancha at ihanda ang plantsahan

35.

Bakit mahalagang magkaroon ng gabay ng nakatatanda sa pamamalantsa?

a)

Upang matutunan ang wastong paggamit ng washing machine

b)

Upang gawing mas mabilis ang pamamalantsa

c)

Upang maiwasan ang mga aksidente tulad ng pagkasunog o pagkakapaso

d)

Upang hindi masira ang planta

36.

Alin sa mga sumusunod ang pangunahing kagamitan sa conventional na pamamalantsa?

a)

Washing machine

b)

Plantsa

c)

Palanggana

d)

Plantsa ng buhok

37.

Anong gamit ang kadalasang ginagamit bilang patungan habang namamalantsa?

a)

Lamesa o plantsahan

b)

Sahig

c)

Upuan

d)

Kabet

38.

Bakit kailangang suriin muna ang init ng plancha bago simulan ang pamamalantsa?

a)

Para mas mabilis matapos ang pamamalantsa

b)

Upang maiwasan ang pagkasunog ng tela

c)

Para makatipid sa kuryente

d)

Para hindi gummit ang plantsahan

39.

Alin sa mga sumusunod na hakbang ang tamang gawin kapag tapos nang mamalantsa?

a)

Iwanan ang plancha na nakasaksak sa outlet.

b)

Itago ang plancha habang mainit pa.

c)

Ilagay ang plancha sa isang ligtas na lugar at hayaang lumamig.

d)

Ibalik ang plancha sa kahon nang hindi nililinis.

40.

Bakit mahalagang may gabay ng nakatatanda sa pamamalantsa?

a)

Upang masigurong tama ang init at ligtas ang paggamit ng plantsa

b)

Upang mas mabilis matapos ang pamamalantsa

c)

Upang matutunan ang paggamit ng washing machine

d)

Upang hindi na kailangang plantsahin ang ibang damit