Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

2nd Quarter ESP

Total questions: 40

Worksheet time: 2hrs 0mins

Name
Class
Date
1.

Paano ka hihingi ng paumanhin sa kaibigan mo?

a)

padabog

b)

pasigaw

c)

galit

d)

mapagpakumbaba

2.

Mahalaga ba ang paghingi ng tawad? Bakit?

a)

Opo, para magaan sa pakiramdam na walang kagalit.

b)

Siguro, para masabing mabuting tao sa paningin ng iba.

c)

Hindi po, dahil nakakahiyang humingi ng tawad.

d)

Hindi ko alam, dahil hindi naman mahalaga ito.

3.

Anong katangian ang ipinapakita ng isang taong humihingi ng paumahin sa kasalanang nagawa sa kaniyang kapuwa?

a)

matiyaga at matiisin

b)

matapat at masunurin

c)

mapagbigay at mapagmahal sa kapuwa

d)

mahinahon at may pag-unawa sa damdamin ng iba

4.

Marunong akong tumanggap ng aking pagkakamali at handa akong harapin ang anumang magiging kahihinatnan nito.

a)

nararapat na gawin

b)

hindi nararapat na gawin

5.

Hindi ako sanay na humingi ng paumanhin sa tuwing may nagagawan ako ng pagkakamali.

a)

nararapat gawin

b)

hindi nararapat gawin

6.

Ayaw kong makasakit ng damdamin ng aking kapuwa, kaya pinipili ko ang mga salitang hindi nakasasakit sa tuwing sila ay aking binibiro.

a)

nararapat gawin

b)

hindi nararapat gawin

7.

Kahit may maling nagawa ang aking kaibigan, gaya ng dati, patuloy ko pa rin siyang kinakausap.

a)

nararapat gawin

b)

hindi nararapat gawin

8.

Kahit hindi ko sinasadyang mabuhusan ng juice ang aklat ni Almira, humingi pa rin ako ng paumanhin sa kanya.

a)

nararapat gawin

b)

hindi nararapat gawin

9.

Sa tuwing may nagagawa akong pagkakamali ay agad akong humihingi ng tawad.

a)

nararapat gawin

b)

hindi nararapat gawin

10.

Minsan, kahit hindi ko sinasadyang magkamali nagagawa ko pa ring humingi ng sorry.

a)

nararapat gawin

b)

hindi nararapat gawin

11.

Kahit minsan hindi pa ako nagpatawad ng sinumang nakagawa ng mali sa akin.

a)

nararapat gawin

b)

hindi nararapat gawin

12.

Hindi mahirap sa akin ang pagsabi ng sorry.

a)

nararapat gawin

b)

hindi nararapat gawin

13.

Ganyan kami ka-close ng aking bestfriend, hindi ko pinatatagal ang aming alitan. Inaayos namin ito kaagad.

a)

nararapat gawin

b)

hindi nararapat gawin

14.

Aalukin ko ng tubig ang tila uhaw na uhaw nang matandang ale na napadaan sa aming bahay.

a)

may pang-uanawa sa kapwa

b)

walang pang-uanawa sa kapwa

15.

Pakikinggan ko ang malungkot o masayang kuwento ng kaibigan kong si Berto.

a)

may pang-unawa sa kapwa

b)

walang pang-unawa sa kapwa

16.

Naalala niya ang magandang pakikitungo sa kaniya ni Mang Tomas noong minsan siyang tumulong sa bukid, at ito ay kaniyang ipinagpapasalamat.

a)

may pang-unawa sa kapwa

b)

walang pang-unawa sa kapwa

17.

Napilitan lamang si John na magbigay ng donasyon sa mga biktima ng baha sa kabilang baranggay.

a)

may pang-unawa sa kapwa

b)

walang pang-unawa sa kapwa

18.

Naramdaman ko noon ang sobrang kalungkutan sa pagkakaroon ng COVID-19 ng nanay ng aking kaibigan.

a)

may pang-unawa sa kapwa

b)

walang pang-unawa sa kapwa

19.

Dinapuan ng sakit na COVID-19 ang magulang ng iyong kaibigan.

a)

Masaya ako

b)

Malungkot ako

20.

Sinalanta ng malakas na bagyo ang inyong lugar at nawalan ng tirahan ang pamilya ng iyong kalaro.

a)

Masaya ako

b)

Malungkot ako

21.

Pinarangalan bilang pinakamahusay na mag-aaral sa larangan ng isports ang matalik mong kaibigan.

a)

Masaya ako

b)

Malungkot ako

22.

Napanood mo sa telebisyon ang malawakang pagbaha sa ilang lugar sa bansa dala ng bagyong Ulysses.

a)

Masaya ako

b)

Malungkot ako

23.

Nagpaabot ng tulong sa Pilipinas ang ilang karatig-bansa para sa mga pamilyang labis na naapektuhan ng bagyong Rolly sa Catanduanes sa lalawigan ng Albay.

a)

Masaya ako

b)

Malungkot ako

24.

Karagdagang basura lang sa kanilang bahay ang mga pinaglumaang gamit kaya kaniya na itong ipinamigay

a)

bukas palad

b)

hindi bukas palad

25.

Bukal sa kaniyang kalooban ang pagbibigay ng tubig at pagkain sa mga nasalanta ng bagyong Rolly.

a)

bukas palad

b)

hindi bukas palad

26.

Nakikigaya lang si Mando sa namimigay na relief goods sa kanilang baranggay

a)

bukas palad

b)

hindi bukas palad

27.

Napilitan lamang si John na magbigay ng donasyon sa mga biktima ng baha sa kabilang baranggay

a)

bukas palad

b)

hindi bukas palad

28.

Hindi alintana ni Mario ang malakas na hangin at ulan dala ng bagyo masundo niya lang ang bagong lipat nilang kapitbahay para patuluyin ang mga ito pansamantala sa kanilang bahay.

a)

bukas palad

b)

hindi bukas palad

29.

Patuloy na ipanalangin ang mga nasalanta ng kalamidad.

a)

bukas palad

b)

hindi bukas palad

30.

Piliin lamang ang mga tutulungan biktima ng kalamidad.

a)

bukas palad

b)

hindi bukas palad

31.

Tanging pinaglumaang damit lamang ang ibahaging donasyon.

a)

bukas palad

b)

hindi bukas palad

32.

Magboluntaryo sa pag-repack ng mga relief goods sa DSWD Center.

a)

bukas palad

b)

hindi bukas palad

33.

Tumulong lamang kung may media coverage sa inyong lokalidad.

a)

bukas palad

b)

hindi bukas palad

34.

Hinihinaan ang volume ng telebisyon dahil natutulog pa ang nakababatang kapatid.

a)

nagpapakita ng paggalang

b)

hindi nagpapakita ng paggalang

35.

Kinukuha nang walang paalam at pinaglalaruan ang kwaderno ng kamag-aral.

a)

nagpapakita ng paggalang

b)

hindi nagpapakita ng paggalang

36.

Ipinapapaliban muna ang paglalaro kapag may nagpapahinga.

a)

nagpapakita ng paggalang

b)

hindi nagpapakita ng paggalang

37.

Dahan-dahan at maingat na isinasara ang pinto ng silid- tulugan kapag may natutulog.

a)

nagpapakita ng paggalang

b)

hindi nagpapakita ng paggalang

38.

Pasigaw na tinatawag ang kapatid kahit may nagpapahinga sa silid-tulugan.

a)

nagpapakita ng paggalang

b)

hindi nagpapakita ng paggalang

39.

Nakikipaghabulan sa kamag-aral habang nagbibigay ng mensahe ang panauhing pandangal.

a)

nagpapakita ng paggalang

b)

hindi nagpapakita ng paggalang

40.

Ipinapanalangin ng taimtim ang taong maysakit.

a)

nagpapakita ng paggalang

b)

hindi nagpapakita ng paggalang