WorksheetsMga Sinaunang Kabihasnan at Pamumuhay sa Asya
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Alin sa sumusunod ang kahulugan ng kabihasnan?
mataas na uri ng paninirahan sa malawak na lupain
paninirahan sa malalapit at mauunlad na pamayanan
pamumuhay na tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan
pamumuhay na nakagawian at pinauunlad nang maraming pangkat ng tao
Alin sa mga sumusunod ang mga salik sa pagkakaroon ng kabihasanan?
kultura, relihiyon, pamahalaan, tradisyon, populasyon at estado
pamahalaan, relihiyon, kultura, sining, arkitektura at pagsusulat
sinaunang pamumuhay, relihiyon, pamahalaan, mga batas, at pagsusulat
organisado at sentralisadong pamahalaan, relihiyon, uring panlipunan, sining, arkitektura at pagsusulat
Kailan masasabi na umiiral ang kabihasnan at sibilisasyon?
kapag ang tao ay natutong humarap sa hamon ng kapaligiran gamit ang lakas
kapag ang tao ay natutong humarap sa hamon ng pamumuhay gamit ang talino at lakas
kapag nagkakaroon ang tao ng kakayahan na baguhin ang kaniyang pamumuhay gamit ang talino
kapag ang tao ay natutong humarap sa hamon ng kapaligiran sa pagkakaroon ng kakayahan na baguhin ang kaniyang pamumuhay gamit ang lakas at talino nito
Tawag sa paniniwala o pananampalataya sa maraming diyos
ateismo
pagano
politeismo
monoteismo
Alin sa sumusunod ang pinakamahalagang ambag sa panahon ng neolitiko?
apoy
gulong
pagsasaka
pag-alaga ng hayop
Alin sa sumusunod na panahon kung saan ang mga sinaunang tao ay nakadepende lamang sa kapaligiran?
metal
neolitiko
mesolitiko
paleolitiko
Ayusin ang pagkakasunod-sunod ng mga kaganapan sa iba’t ibang panahon
Pagtuklas ng apoy, pagpaamo ng mga hayop, pagsasaka, pagtuklas ng bakal
Pagpaamo ng mga hayop, pagtuklas ng apoy, pagsasaka, pagtuklas ng bakal
Pagsasaka, pagtuklas ng apoy, pagpaamo ng mga hayop, pagtuklas ng bakal
Pagtuklas ng apoy, pagsasaka, pagpaamo ng mga hayop, pagtuklas ng bakal
Alin sa mga sumusunod ang batayan ng sibilisasyon?
ito ay batay sa pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan
ito ay batay sa pamumuhay ng tao gamit ang lakas at talino nito
ito ay tungkol sa mga taong kapag naninirahan sa isang pamayanan ay mga sibilisado
ito ay batay sa paghanap ng hamon ng kapaligiran kung paano mo ito matutugunan
Bakit ang panahong neolitiko ay tinatawag ding Rebolusyong Neolitiko?
dahil sa pagkakaroon ng mga digmaan
dahil sa malawakan ang naging pagtatanim
dahil sa pagkakaroon ng pag-aagawan sa mga lupain
dahil sa pagkakaroon ng mga hidwaan ng bawat pangkat
Alin sa mga sumusunod na panahon nagsimulang mabuo ang pamayanan?
metal
neolitiko
mesolitiko
paleolitiko
