wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Uri ng Teksto

Total questions: 20

Worksheet time: 30mins

Name
Class
Date
1.

Layunin nitong maglarawan ng tao o bagay.

(a)  

2.

Ito ay naglalayong maipaliwanag ng sistematikong proseso o mga hakbang sa pagsasakatuparan ng isang gawain.

(a)  

3.

Ang mga halimbawa nito ay ulat, balita, at mga paliwanag sa depinisyon o konsepto.

(a)  

4.

Halimbawa ng tekstong ito ay mga patalastas o komersyal ng nais ibentang produkto.

(a)  

5.

Layunin nitong pangatwiranan ang isang panig na pinili at pinaninindigan.

(a)  

6.

Ang tekstong ito ay may layuning magkwento o magsalaysay.

(a)  

7.

Naglalahad ng magkakasunod na pangyayari ang tekstong ito.

(a)  

8.

Halimbawa nito ay mga editoryal o lathalain na nagpapaliwanag ng mga dahilan ng isang proposisyon.

(a)  

9.

Nabibilang dito ang mga debate at balagtasan.

(a)  

10.

Nabibilang sa tekstong ito ang mga talumpati ng mga politiko sa panahon ng eleksyon.

(a)  

11.

Anong uri ng teksto ang mabubuo?


Pagninilay sa isang detalye ng pelikulang “Goyo” na nagdadala ng hamon sa katapatan ng mamamayan (Reflection on an important detail of “Goyo” that presents a challenge on loyalty for one’s country)

(a)  

12.

Anong uri ng teksto ang mabubuo?


Panghahamon sa mga Pilipino na maghanap ng dahilan upang mabuhay para sa bayan (Challenging the Filipinos to search for the meaning of life)

(a)  

13.

Anong uri ng teksto ang mabubuo?


Paghuhusga sa pagkakalikha, pagkakabuo o pangkalahatang produksyon ng pelikulang napanood (Judging how a movie was created and produced)

(a)  

14.

Anong uri ng teksto ang mabubuo?


Paggunita sa kasaysayan ng Pilipinas mula Panahon ng Kastila, Panahon ng Propaganda hanggang Panahon ng Amerikano (Reminiscing history from Spanish to American Regime)

(a)  

15.

Anong uri ng teksto ang sumusunod?


Ang ilan sa probisyon (provisions) ng Batas Tydings–McDuffie (Tydings-McDuffie Law) ay ang mga sumusunod:

• Pagtatatag ng Pamahalaang Komonwelt na iiral ng sampung taon bago matamo ang ganap na kalayaan ng Pilipinas.

• Pagkakaroon ng isang Kumbensyong Konstitusyunal na may mga delegadong Pilipino na babalangkas sa Saligang Batas ng Pilipinas.

• Paghahalal ng taumbayan ng mga kinatawan sa senado at kongreso.

• Pagkakaloob ng kalayaan ng Pilipinas matapos ang 10 taong pamahalaang Komonwelt.

• Pangangasiwa ng Estados Unidos sa ugnayang panglabas, taripa, at iba pang bagay na may kaugnayan sa pananalapi.

(a)  

16.

Anong uri ng teksto ang mabubuo?


Inisa-isa ni Clara ang mga kondisyon na naging dahilan upang maghimagsik ang mga magsasaka laban sa isang asendero sa nobelang “Mga Ibong Mandaragit”.

(Enumerating the conditions that led to the farmers’ revolt)

(a)  

17.

Anong teksto ang mabubuo?


Tinukoy ni Amelia ang mga rason kung bakit maraming mga pelikulang tumatalakay sa kalagayan ng mga manggagawa ang ginawa noong dekada 70.

(Identifying the reasons why there were many movies about the situations of farmers during the 1970s)

(a)  

18.

Anong teksto ang mabubuo?


Tinutuklas ni Bernadette kung ano ang kinalaman ng financial dependence sa naging kapalaran ng mga tauhang sina Sisa at Juli sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

(Discovering how financial dependence is related to the fate of the characters of Sisa and Juli in El Filibusterismo)

(a)  

19.

Anong uri ng teksto ang sumusunod?


Sa papel na ito, tatalakayin ang kahalagahan ng pagtataguyod ng multilinggwalismo bilang epektibong sandata ng wikang Filipino at mga diyalekto laban sa panunumbalik ng monolinggwistikong gahum ng wikang Ingles sa Pilipinas. Ipapaliwanag ang kahungkagan ng Executive Order No. 210 at House Bill 4701 na kappa nagtataguyod sa Ingles bilang wikang panturo. Iisa-isahin din ang mga matagumpay na pag-igpaw at tagumpay ng wikang Filipino sa iba’t ibang larangan sa kabila ng polisiya ng gobyerno na tila sumasagka sa pag-unlad nito.


*this is part of an introduction of the topic of a research paper

(a)  

20.

Anong uri ng teksto ang sumusunod?


Malakas ang pagbuhos ng ulan . Malamig ang at madilim ang lugar na aking kinalalagyan. Niyakap ko ang sarili upang maibsan ang lamig na nararamdaman. Di ko man masyadong maaninag ay ramdam na ramdam ko ang mga sugat na nakalatay sa buo kong katawan. Ngunit ang sakit na dulot ng mga sugat ay walang wala kumpara sa sakit na nararamdaman ko sa aking kalooban. Ipinikit ko ang aking mga mata upang balikan ang nakaraan at alalahanin ang dahilan ng akin ngayo’y kinalalagyan.

-mula sa “Di Pa Tapos” ni RJ Coyne


*this is part of a story or a narration of experience

(a)