Font size
WorksheetsFilipino 7 Third Quarter Test Part 1
Total questions: 50
Worksheet time: 40mins
1.Ito ay tumutukoy sa makahulugang yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat.Sa halip,sinisimbolo ito ng notasyong phonemic upang matukoy ang paraan ng pagbigkas.
ponema
semental
ponemang segmental
ponemang suprasegmental
2.Ito ay isa sa mga yunit ng tunog na nagpapakita ng kaibahan ng isang salita mula sa isa pang salita ng partikular na wika.
ponema
titik
tunog
salita
3.Ito ay ginagamit sa pagbigkas ng mga salita upang higit na maging mabisa ang pakikipagtalastasan, HINDI ito kinakatawan ng titik o letra.
ponema
glottal
ponemang segmental
ponemang suprasegmental
4.Ito ay ginagamit upang makabuo ng mga salita upang bumuo ng mga pahayag o pangungusap, kinakatawan nito ang mga titik o letra sa alpabetong Filipino.
glottal
ponemang segmental
ponemang suprasegmental
notasyon
5.Ito ay ang simbolo sa pagsulat na kakikitaan ng paraan sa pagbigkas.
ponema
segmental
glottal
notasyong ponemiko
6.Ito ay ang taas baba na inuukol natin sa pagbigkas ng pantig ng isang salita upang higit na maging mabisa ang ating pakikipag-usap sa ating kapwa.Ito
tono
haba
diin
antala
7.Ito ay saglit na pagtigil ng ating pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig nating ipahayag sa ating kausap.
antala
haba
diin
tono
8.Ito ay mga salitang binibigkas nang tuluy-tuloy na tulad ng mga salitang binibigkas nang mabilis, subalit ito’y may impit o pasarang tunog sa hulihan.
malumi
malumay
maragsa
mabilis
9.Ito ay salitang binibigkas nang dahan-dahan at may diin sa ikalawang pantig buhat sa hulihan.
malumay
malumi
mabilis
maragsa
10.Ito ay mga salitang binibigkas nang tuluy-tuloy na ang diin ay nasa huling pantig. Wala itong impit na tunog.
malumi
malumay
maragsa
mabilis
11.Ito ay hindi ginagamitan ng anumang tuldik o palatandaan. Binibigkas ito nang dahan-dahan at may diin sa pagbigkas sa ikalawang pantig buhat sa hulihan.
malumay
malumi
mabilis
maragsa
12.Ito ay nangangahulugang sa pagbigkas ay malayang lalabas ang hangin mula sa bunganga. sinisimbolo nito ay h.
glottal fricative
glottal stop
hinto
walang sagot
13. Basahin ang salita ng may wastong bigkas at tukuyin ang kahulugan nito.
/ bu:KOH/
coconut
being discovered
14. Basahin ng wasto ang mga salita. Ibigay ang isinasaad na kahulugan nito.
/BU:kas/
tomorrow
open
15. Basahin ang salita ng may wastong bigkas at tukuyin ang kahulugan nito.
/GA:lah/
long sleeve shirt
palaboy o mamasyal
16. Basahin ang salita ng may wastong bigkas at tukuyin ang kahulugan nito.
/ li:GAW/
to court
wild
17. Basahin ang salita ng may wastong bigkas at tukuyin ang kahulugan nito.
/ pu:LAH/
color red
to criticize
18. Ito ay nagsisilbing libangan ng ating mga ninuno na nagtataglay ng maikli at tugmaang pahayag upang ipasagot sa iba.
Dugtong
Sawikain
Bugtong
Kasabihan
19.Ito ay mga simpleng paalala sa mga pasahero na maaari nating matagpuan sa mga pampublikong sasakyan. Ano ito?
Bugtong
Palaisipan
Tugmang de-gulong
Tulang Panudyo
20. Uri ng kaalamang bayan na ang layunin nito ay mambuska o mang-asar. Ano ito?
Tugmang de-gulong
Tulang Panudyo
Palaisipan
Bugtong
21. Mga suliraning ipinapahayag sa isang metapora o ma-alegoryang wika na nangangailangan ng katalinuhan at maingat na pagninilay-nilay para sa kalutasan. Ano ito?
Bugtong
Palaisipan
Tugmang de-gulong
Tulang Panudyo
22. Inaasahang malutas ito sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga piraso sa isang lohikal na paraan para mabuo ang solusyon. Ano ito?
Bugtong
Palaisipan
Tugmang de-gulong
Tulang Panudyo
23. Basahin ang mga pahayag. Alin ang tugmang de gulong ?
bata batuta samperang muta
Ang sitsit ay sa aso, ang katok ay sa aso,sabihin ang para at ako ay hihinto.
akoy tutula mahabang mahaba
ako ang nagtanim iba ang kumain
24. Basahin ang mga pahayag. Alin ang halimbawa ng bugtong?
God knows, Judas not pay!
Ano ang nasa gitna ng dagat?
Bata batuta!
Dumaan si Kaka, bubuka-bukaka
25. Ano ang hindi katangian ng bugtong?
may tugmaan
may kasagutan
lohikal na pangyayari
may bilang ng pantig
26. Basahin ang mga pahayag sa ibaba. Alin ang tugmang de gulong sa mga sumusunod na halimbawa?
Kapag may itinanim may aanihin
Ano ang nasa puno ng saging na nasa dulo ng bayabas?
Ang hindi magbayad sa pinanggalingan ay di makararating sa paroroonan
Isang butil na palay sakop ang buong bahay
27. Tukuyin kung anong uri ng kaalamang bayan ang halimbawang nakasulat ng itim.
Ang tatay mong kalbo
Isa, dalwa, tatlo, apat
Ang tatay mong payat
BUGTONG
TULANG/AWITING PANUDYO
PALAISIPAN
TUGMAANG DE-GULONG
28. Tukuyin kung anong uri ng kaalamang bayan ang halimbawang nakasulat ng itim.
Nagtago si piro,
nakalitaw ang ulo.
BUGTONG
TULANG/AWITING PANUDYO
PALAISIPAN
TUGMAANG DE-GULONG
29. Tukuyin kung anong uri ng kaalamang bayan ang halimbawang nakasulat ng itim.
Ang sitsit ay sa aso, ang katok
ay sa pinto, sambitin ang “para”
sa tabi tayo hihinto.
BUGTONG
TULANG/AWITING PANUDYO
PALAISIPAN
TUGMAANG DE-GULONG
30. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang mali?
Ang tugmang de gulong ay ang mga paalala na maaari nating matagpuan sa mga pampublikong lugar.
Ang bugtong ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan
Ang tulang panudyo ay kabaligtaran ng eupemistikong pahayag
Ang tugmang de gulong, panudyo at bugtong ay mga tulang pambata
31. Magbugtungan tayo!
Hinila ko ang baging, nag-ingay ang alipin
lubid
kampana
kambing
bentilador
32. Magbugtungan tayo!
Bumili ako ng alipin, mas mataas pa sa akin
sumbrero
bubong
ulap
saranggola
33. Magbugtungan tayo!
Langit sa itaas, langit sa ibaba, tubig sa gitna
daigdig
kuweba
melon
niyog
34. Kadalasan, nakadikit ito sa mga sasakyan at nagsisilbing pang-aliw sa mga pasahero
Tugmang de-gulong
Tula/Awiting Panudyo
Bugtong/Palaisipan
Alamat
35. Ito ay mga tugmang nabuo upang mang-asar o manukso. Karaniwan itong naririnig sa mga bata upang asarin, buskahin o uyamin ang kausap.
tugmang de gulong
tulang panudyo
tula
bugtong
36. Tumutukoy ito sa lakas ng pagbigkas sa isang pantig ng salitang binibigkas. Maaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik
Haba
Diin
Hinto
Tono
37. Hindi maganda ang tubo ng halaman kaya namatay. Paano binibigkas ang salitang nasalungguhitan sa pangungusap?
/tu.boh/
/TU.bo/
/tu.bo?/
/tu.BO/
38. Naghahanda ng hamon si Nanay tuwing sumasapit ang pasko.
/ha.MON?/
/HA.monh/
/HA.mon/
/ha.MON/
39. Ano ang kahulugan ng pangungusap batay sa antala? Ate, Aicel, ang kaibigan ko.
Ipinakikilala mo si ate Aicel sa iyong kaibigan
Ipinakikilala mo ang iyong ate at si Aicel sa iyong kaibigan
Ipinakikilala mo ang iyong ate na si Aicel na iyong kaibigan
Ipinapakilala mo ang iyong kaibigan na si ate Aicel
40. Hindi ako si Joshua. Isulat ang pahayag na ito upang ipakita na si Joshua ang may-sala.
Hindi ako si Joshua//
Hindi// ako// si Joshua
Hindi// ako si Joshua
Hindi ako// si Joshua
41. Hindi ako si Joshua. Isulat ang pahayag na ito upang ipakita na ang nagsasalita ay hindi si Joshua.
Hindi ako si Joshua//
Hindi// ako// si Joshua
Hindi// ako si Joshua
Hindi ako// si Joshua
42. Hindi ako si Joshua. Isulat ang pahayag na ito upang ipakita na ang nagsasalita ay si Joshua.
Hindi ako si Joshua//
Hindi// ako// si Joshua
Hindi// ako si Joshua
Hindi ako// si Joshua
43. Ito ay isinssagawa upang maihatid ang damdamin ng tula sa mga nakikinig o mailarawan ang inilalahad nito. Mahalagang sangkap ito sa sining ng pagbigkas.
tikas
panuunan ng paningin
pagkumpas
ugnayan ng mambibigkas at ng madla
44. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI layunin ng tula?
Maglahad ng kagandahang -asal
Pakilusin ang madla.
Magbigay aliw sa madla.
Manghikayat upang paniwalain sa isang katotohanan.
45. Alin ang HINDI kabilang sa mahahalagang kaalamang tandaan sa pagbigkas ng tula?
tikas
panuunan ng paningin
pagkumpas
mang-aliw
46. Ano ang tawag sa kaalamang-bayan ang halimbawang ito:
Si Maria kong Dende
Nagtinda sa gabi
Nang hindi mabili
Umupo sa tabi.
Tualng/Awiting Panudyo
Bugtong
Palaisipan
Salawikain
47. Magbugtungan tayo!
Tinabas na, tinabas pa. Halamang hindi malanta-lanta
buhok
gumamela
gagamba
damo
48. Magbugtungan tayo!
Ako ay may kaibigan, Kasama ko habambuhay.
anino
buwan
aso
araw
49. Walang hininga ay may buhay, Walang paa ay may kamay, Mabilog na parang buwan, Ang mukha’y may bilang.
orasan
buwan
araw
50. Sagutin ang pahulaan.
May isang eroplano at may isang barko. Alin ang mas mataas sa dalawa?
(a)
