wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

SIMBOLO AT PAHIWATIG

Total questions: 10

Worksheet time: 6mins

Name
Class
Date
1.

Kilalanin ang bagay na sumisimbolo sa salitang PAG-IBIG.

a)

bulaklak

b)

kahon

c)

bato

d)

buhangin

2.

Alin sa mga pagpipiliang bagay ang sumisimbolo sa salitang BANSA?

a)

poste

b)

kandila

c)

bandila

d)

larawan

3.

Ang salitang KABATAAN ay sumisimbolo sa _________.

a)

binhi

b)

aklat

c)

ugat

d)

kahoy

4.

Kilalanin ang bagay na sumisimbolo sa salitang PAG-ASA.

a)

poste

b)

ilaw

c)

kahon

d)

bagyo

5.

Tukuyin sa mga sumusunod ang angkop na simbolo ng salitang KATANDAAN.

a)

binhi

b)

sibol

c)

orasan

d)

butil

6.

“Noon ay kataimtimang minamalas ni Impong Sela ang kanyang lalabing animing taong apong lalaki sa pagkakahigang walang katinag-tinag. Sa ilalim ng maputing kumot, ang kanyang apong nakatihaya ay matuwid na matuwid katulad ng isang bangkay.”


Ito ay nagpapahiwatig ng ______________________.

a)

patay na ang apo ni Impong Sela.

b)

natutulog ang apo ni Impong Sela.

c)

paralisado ang katawan ng apo ni Impong Sela.

d)

may malubhang sakit ang apo ni Impong Sela.

7.

“Sa matinding sikat ng araw, tila siya isang mandirigmang sugatan, ngunit matatag na nakatindig sa pinagwagiang larangan.”


Alin sa pagpipilian ang ipinapahiwatig ng pahayag?

a)

Siya ay natalo

b)

Nagtagumpay siya sa labanan.

c)

Patas lang ang labanan.

d)

Hindi niya matanggap ang pagkatalo.

8.

“Ang araw ay mahapdi sa balat at ang hangin ay tila hininga ng isang nilalagnat.”


Ang pahayag na ito ay nagpapakita ng ___________________.

a)

maysakit

b)

sensitibong balat

c)

sobrang maalinsangan ang panahon

d)

matinding sikat ng araw

9.

Unawain ang pahayag sa ibaba. Tukuyin ang simbolong ipinapahiwatig nito.


“Ilang hakbang lamang ang nakapagitan sa silid ng ama ko at sa akin, ilang hakbang lamang at maaari ko nang mabuksan ang pinto at itulak iyon upang makita ang nasa loob. Subalit ang mga hakbang ko ay karaniwang mabibigat.”

a)

magaan ang loob niya sa kanyang ama

b)

may galit siya sa kanyang ama

c)

hindi niya kapalagayang loob ang ama

d)

nahihiya siya sa kanyang ama

10.

Ano ang ipinapahiwatig ng sumunod na pahayag?


“Ngayon ang sanga ko’y krus sa libingan, dahon ko’y ginawang korona sa hukay.”

a)

kamatayan

b)

katandaan

c)

pagsisisi

d)

pamamaalam