NEW
Font size
WorksheetsAP Reviewer - 3rd Quarter Examination
Total questions: 56
Worksheet time: 28mins
Tama o Mali. Ang populasyon ng Pilipinas ay hindi lalagpas sa isang daang milyon.
Tama
Mali
Alin ang hindi kabilang sa mga pangunahing pangkat etnikong matatagpuan sa NCR?
Bohol
Tagalog
Bisaya
Bikol
Anong pangkat etniko ang nanggaling sa mga lalawigan ng Camarines Norte, Camarines Sur, Masbate at Sorsogon?
Bicol
Bisaya
Tagalog
Bulacan
Anong pangkat etniko ang matatagpuan sa Visayas?
Bicol
Bisaya
Tagalog
Bulacan
Anong pangkat etniko ang matatagpuan sa mga lalawigan ng Bulacan, Cavite, Nueva Ecija at Laguna?
Bicol
Bisaya
Tagalog
Bulacan
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng mabuting ugali ng Pilipino?
Nagagalit agad ang guro sa mga mag-aaral
Hindi nirerespeto ng mga mag-aaral ang kanilang guro
Sumusunod ang mga mag-aaral sa kanilang guro
Alin sa mga sumusunod ang isa sa magagandang ugali ng Pilipino?
Masunurin
Magagalitin
Maantukin
Alin sa mga sumusunod ang TAMA?
Ang lahat ng tao ay may mabuting ugali
Ang lahat ng tao ay walang ugali
Ang lahat ng Pilipino ay masasama
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng magandang ugali ng Pilipino?
Ang buong pamilya ay masiyahin at nagtutulungan
Ang buong pamilya ay nag-aaway oras-oras
Ang buong pamilua ay watak-watak
Sa Pilipinas, anong "Ugaling Pinoy" ang makikita kahit may mga problema na?
Ang mga Pilipino ay hindi gumagawa ng solusyon sa problema.
Ang mga Pilipino ay makikita pa ring nakangiti
Ang mga Pilipino ay mabilis mawalan ng pag-asa
May nakita kang batang umiiyak dahil nawala ang kaniyang lapis, ano ang maaari mong gawin?
Pagtawanan ang batang umiiyak
Tulungan siyang mahanap ang lapis
Huwag pansinin ang batang umiiyak
Pagsunod nang may tuwa sa utos ng kanilang magulang
Magalang
Matiyaga
Masunurin
Pagsasabi ng totoo kung nakagawa ng 'di maganda sa kapwa
Magalang
Matapat
Masunurin
Pagdarasal ng taimtim
Magalang
Relihiyoso
Masunurin
Piliin ang hindi kabilang sa mga ninuno ng Pilipinas.
Negrito
Tsino
Indones
Malay
Saan nagmula ang ating mga ninuno?
Timog Silangang Asya
Hilagang Asya
Timog Kanlurang Asya
Silangang Asya
Sino ang Ama ng Antropolohiyang Pilipino
Henry Otley Beyer
Isaac Newton
Albert Einstein
Alexander Graham Bell
Paano nakarating sa Pilipinas ang mga Negrito?
Gamit ang mga bangka
Sa pamamagitan ng balanghay
Sumakay sa makalumang sasakyan
Tumawid sa tulay na lupa
Alin ang hindi katangian ng mga Negrito?
Kulot
Matangos na ilong
Maiitim
Maliit
Sino ang tumira sa loob ng kweba?
Malay
Indones
Negrito
Sino sa mga ninuno natin ang nakapunta sa Pilipinas gamit ang sasakyang pandagat?
Malay
Negrito
Indones
Tama o Mali. Mas matangkad ang mga Negrito kaysa Indones.
Tama
Mali
Paano nakarating sa Pilipinas ang mga Malay?
Gamit ang mga bangka
Sa pamamagitan ng balangay
Sumakay sa makalumang sasakyan
Naglakad sa tulay na lupa
Sino sa ating mga ninuno ang may pinakamataas na antas ng pamumuhay?
Malay
Indones
Negrito
Saan nanggaling ang salitang "barangay"?
Bahay
Pamayanan
Balangay
Sila ang unang dayuhang nakipagkalakan sa Pilipinas. Dala nila ang mga kagamitan gaya ng tsinelas, payong at porselana.
Arabe
Hapon
Tsino
Indian
Sa kanila galing ang matandang wikang Sanskrit.
Arabe
Hapon
Tsino
Indian
Sa kanila nanggaling ang pamahalaang Sultanato at relihiyong Islam.
Arabe
Hapon
Tsino
Indian
Sa kanila nagmula ang pamamanhikan bago ikasal.
Arabe
Hapon
Tsino
Indian
Itinuro nila ang pagkain ng siomai, siopao at pansit.
Arabe
Hapon
Tsino
Indian
Sila ang nagimpluwensiya sa paggawa ng saranggola at paputok.
Arabe
Hapon
Tsino
Indian
Sa kanila natin nakuha ang ugaling pagiging magalang, matapat, matiisin at malikhain.
Arabe
Hapon
Tsino
Indian
Sa kanila nanggaling ang mga kagamitan na karaoke, digital camera, DVDs, at laptop.
Arabe
Hapon
Tsino
Indian
Aling pagkain ang hindi impluwensya sa atin ng mga Hapon?
sushi
sashimi
hummus
tempura
Sa kanila nanggaling ang Singkil dance, mga disenyong Sarimanok, Okir, at Moro-Moro.
Arabe
Hapon
Tsino
Indian
Sa kanila nanggaling ang mga salitang ate, ditse at ingkong.
Arabe
Hapon
Tsino
Indian
Tama o Mali. Ang mga salitang apo, alamat at salamat ay nanggaling sa mga Hapon.
Tama
Mali
Tama o Mali. Ang pagsusuot ng kimono ay nanggaling sa mga Arabe.
Tama
Mali
Tama o Mali. Iisang dayuhan lamang ang nag-impluwensya sa Pilipinas.
Tama
Mali
Tuwing may bisita tayo, karaniwang inaalok at binibigyan natin sila ng meryenda o anumang pagkain.
a. Malugod na pagtanggap sa mga bisita
b. Pagsasalu-salo sa hapag-kainan
c. Pagbabayanihan
d. Pagiging masayahin
Naging ugali ng mga Pilipino na maging masiyahin kahit sa mahihirap na panahon upang makita ang mga positibong pangyayari sa buhay.
a. Malugod na pagtanggap sa mga bisita
b. Pagsasalu-salo sa hapag-kainan
c. Pagbabayanihan
d. Pagiging masayahin
Kaugalian ito na namana pa natin sa mga ninuno. Parati nating tinutulungan ang bawat isa.
a. Malugod na pagtanggap sa mga bisita
b. Pagsasalu-salo sa hapag-kainan
c. Pagbabayanihan
d. Pagiging masayahin
Ito ay isang tradisyon na nagsasalo-salo tuwing nagdaraos ng mahahalagang araw sa ating buhay tulad ng binyag, kasal, pagtatapos sa pag-aaral at iba pa.
a. Malugod na pagtanggap sa mga bisita
b. Pagsasalu-salo sa hapag-kainan
c. Pagbabayanihan
d. Pagiging masayahin
Paniniwala sa superstitious beliefs na walang rational o siyentipikong basehan.
a. Filipino Time
b. Bahala Na
c. Crab Mentality o Utak Talangka
d. Colonial Mentality
e. Paniniwala sa mga Pamahiin
Hindi pagsunod sa mga “simpleng” rules o batas gaya ng pagtawid sa tamang tawiran, pagtatapon sa tamang basurahan atbp.
a. Filipino Time
b. Bahala Na
c. Crab Mentality o Utak Talangka
d. Colonial Mentality
e. Kakulangan sa Disiplina
Panghahatak ng kapwa pababa dahil sa inggit pag ito ay nakaaangat na sa buhay.
a. Filipino Time
b. Bahala Na
c. Crab Mentality o Utak Talangka
d. Colonial Mentality
e. Kakulangan sa Disiplina
Paniniwalang higit na nakaaangat ang kultura at mga produkto ng ibang bansa kaysa sa ating bansa.
a. Filipino Time
b. Bahala Na
c. Crab Mentality o Utak Talangka
d. Colonial Mentality
e. Kakulangan sa Disiplina
Pagsasawalang bahala ng mga gawain o hindi paghahanda nang sapat para sa mga [importanteng] bagay.
a. Filipino Time
b. Bahala Na
c. Crab Mentality o Utak Talangka
d. Colonial Mentality
e. Kakulangan sa Disiplina
Pagdating nang huli sa oras o pagiging late.
a. Filipino Time
b. Bahala Na
c. Crab Mentality o Utak Talangka
d. Colonial Mentality
e. Kakulangan sa Disiplina
Pinagdiriwang tuwing ika-25 ng Disyembre ng mga Katoliko, Protestante at iba pang mga Kristyano. Araw ng pagsilang ni Hesus
a. Bagong Taon
b. Mahal na Araw
c. Pista ng mga Patron
d. Pasko
e. Undas
Dinaraos tuwing unang araw ng Nobyembre. Pumupunta ng sementaryo upang magdala ng bulaklak at magsindi ng kandila para sa mga namatay na kamag-anak. Ito ay ang pag-alala at pagdalaw sa mga yumao.
a. Bagong Taon
b. Mahal na Araw
c. Pista ng mga Patron
d. Ramadan
e. Undas
Ipinagdiriwang sa San Juan ang Santong San Juan tuwing Hunyo 24.Si San Juan ang nagbinyag kay Hesukristo. Ang mga tao ay nagbabasaan sa pagdiriwang bilang pag-alala sa pagbasa at pagbinyag kay Hesus.
a. Bagong Taon
b. Mahal na Araw
c. Pista ng mga Patron
d. Ramadan
e. Santakrusan
Ipinagdiriwang ng mga Muslim. Nakabatay sa kalendaryo ng mga Muslim ang petsa nito. Tumatagal ang pagdiriwang na ito ng 29 o 30 araw.
a. Bagong Taon
b. Mahal na Araw
c. Pista ng mga Patron
d. Ramadan
e. Santakrusan
Ipinagdiriwang tuwing Mayo ng mga taga-Maynila. Isinasadula sa _________ ang paghahanap ni Santa Elena sa Banal na Krus noon kaniyang kapanahunan.
a. Bagong Taon
b. Mahal na Araw
c. Pista ng mga Patron
d. Ramadan
e. Santakrusan
Idinaraos tuwing Marso o Abril. Ginugunita ito ng mga Protestante, Katoliko at iba pang Kristiyano. Inaalala ang paghihirap at pagkamatay ni Hesukristo sa Krus. Senakulo ang tawag sa pagsasadula ng paghihirap at pagkamatay ni Hesus.
a. Bagong Taon
b. Mahal na Araw
c. Pista ng mga Patron
d. Ramadan
e. Santakrusan
Ipinagdiriwang natin ang Bagong Taon tuwing hatinggabi ng Disyembre 31 hanggang Enero 1 ng umaga.
a. Bagong Taon
b. Mahal na Araw
c. Pista ng mga Patron
d. Ramadan
e. Santakrusan
