Font size
WorksheetsFILIPINO5, 1st Summative Quarter 2
Total questions: 25
Worksheet time: 2hrs 5mins
Ang __________ ay mas mataas kaysa kapatagan subalit mas mababa kaysa
bundok.
búrol
buról
Kaya nating harapin ang ano mang _________ basta’t nagtutulungan tayo.
hamón
hámon
Katatapos lang niyang maligo kaya ang buhok niya ay ________.
bása
basâ
_________abutin tayo ng ulan kapag hindi tayo nagmamadali.
Bakâ
Báka
Mabuti sa kalusugan ang palagiang pag-inom ng _____ juice.
búko
bukó
Ang dilim na ng ulap, mukhang _________ngayon.
umulan
umuulan
uulan
muulan
________________ ni Kassandra ang aleng nagtitinda ng
mangga dahil bibili siya.
Hinabol
Hinahabol
Hahabulin
Hinanabol
Abalang ___________ang mga kaklase ko habang ako
naman ay naglalaro.
nag-aral
nag-aaral
mag-aaral
aaral
________________ako mamaya ng adobo.
Nagluto
Nagluluto,
Magluluto
Luluto
Nakita ng binata na makalat na naman ang tanimang _________ niya
lamang kaninang umaga.
kalinis
kalilinis
ilinisan
Hindi ko maiwasang _______sa nakita kong palabas kanina.
umiyak
umiiyak
iiyak
naiyak
Malaking bahagi ng Mindanao niyanig ng magnitude 6.9 na lindol
Niyanig ng magnitude 6.9 na lindol ang ilang bahagi ng Mindanao ngayong
hapon ng Linggo, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology
(Phivolcs). Naitala ang epicenter ng lindol sa layong 6 kilometro northwest ng bayan
ng Padada sa Davao del Sur, ayon sa Phivolcs. Sinundan ito ng isa pang lindol, na may
magnitude na 5.2, sa Matanao, Davao del Sur bandang alas-3:03 ng hapon, sabi ng
Phivolcs.
Hinimok ng Malacañang ang publiko na manatiling kalmado pero maingat para
sa posibleng aftershocks. Tiniyak din ng Palasyo sa publiko na pinakilos na nito ang
mga ahensiya ng gobyerno para tumugon sa pangangailangan ng mga apektado ng
lindol. Nasa Davao City si Pangulong Rodrigo Duterte nang mangyari ang pagyanig
pero tiniyak ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ligtas ang chief executive,
maging ang kaniyang pamilya.
Patuloy namang nararanasan ang mga aftershock sa ilang bahagi ng Mindanao.
Nagkansela naman ng klase para sa Lunes, Disyembre 16, ang ilang lugar sa Mindanao
kasunod ng lindol. Noong Oktubre, 3 malalakas na lindol, na may magnitude na nasa 6
pataas, ang yumanig sa Mindanao.
Saan naitala ang sentro ng lindol?
sa Cotabato
sa Marawi
sa Davao del Sur
sa Gingoog City
Si Marihz ay _________ng bahay ngayon.
naglilinis
maglilinis
naglinis
lilinis
naganap = pumasok
nagaganap =
(a)
tumatawa = nagaganap
magaganap =
(a)
uminom = naganap
(a) = nagaganap
______________pa lamang ng binata nang may marinig siyang
tawanan
Kauupo,
Kaupo
Mauupo
Usong-uso sa inyong lugar ang tayaan ng iba’t ibang laro. Talagang ayaw
mong tumaya. Hindi mo gusto ang anumang bisyo. Bukod sa masamang ugali
para sa iyo ang pagsusugal, lagi mo pang naaalala ang pangaral ng iyong mga
magulang. Ngunit ng sunod-sunod na ang nanalo sa iyong mga kaibigan, parang
natutukso ka na ring tumaya
Piliin ang pinakaangkop na wakas.
Noong sinubukan mong tumaya ay nanalo ka kaagad kaya tinuloy
mo na lang ang pagsusugal kahit alam mong masama. Hindi ka
naman sinumbong ng iyong mga kaibigan kaya naging masaya ka na
rin sa wakas dahil mas madali ang pera sa pagsusugal.
Iniwasan mo na lang ang iyong mga kaibigan kapag sila’y tumataya.
Binaling mo ang iyong atensyon sa ibang makabuluhang bagay
sapagkat alam mong ang pera ay kailangang pagsumikapan para
makuha
Piliin ang pinakaangkop na wakas.
Bago ka sa inyong lugar ngayon. Lumikas ang maraming pamilya dahil sa
panganib sa baha. Kasama ang iyong pamilya sa binigyan ng bahay sa
resettlement area sa malayong baryo. Araw-araw, nakikita mo ang maraming
batang tulad mo sa may dalang mga gamit sa pagtatanim
Hinahayaan mo lamang sila dahil nakakapagod ang pagtatanim. Mas
nalilibang ka sa paglalaro at pamamasyal sa bagong lugar
Nasisiyahan kang tulungan sila sa pagtatanim. Dahil sa inyong
maiging pag-aalaga sa mga pananim ay naka-ani kayo ng maraming
gulay para mayroon kayong libreng makain
_________na kami sa pagkain ng bayabas at santol, nang umuwi kami ng probinsya.
Sawà
Sawá
Ang mga salita rito ay nakaayos nang paalpabeto. Ito ay
naglalaman ng kahulugan, tamang baybay, tamang bigkas, bahagi ng
pananalita at pinagmulan ng mga salita.
Ensiklopedya
Diksiyonaryo
Pahayagan o Diyaryo
Internet
Naglalaman ito ng mga balita o mga pangyayari sa
loob at labas ng bansa.
Ensiklopedya
Diksiyonaryo
Pahayagan o Diyaryo
Internet
_____ay isang pang-araw-araw na tala lalo na ng mga personal na
karanasan, saloobin, obserbasyon at pananaw. Ito ay sinusulat na parang
nakikipag-usap sa isang tao, na maaaring tawaging “Mahal kong Diary
talambuhay
talaarawan
journal
anekdota
_______ay isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng
kasaysayan ng buhay ng isang tao batay sa mga tunay na tala, pangyayari, o
impormasyon.
talambuhay
talaarawan
journal
anekdota
__________ay tala ng mga obserbasyon sa paligid na nakatawag ng atensiyon
ng isang indibidwal. Maaaring ito ay isang repleksiyon ng mahahalagang pangyayari
na naging gabay o nakapukaw sa isang damdamin.
talambuhay
talaarawan
journal
anekdota
