WorksheetsG3.Q3.QUARTER ASSESSMENT in AP/Filipino 3
Total questions: 28
Worksheet time: 1hrs 24mins
Tukuyin ang pang-uri sa pangungusap.
Minasdan ni Maria ang kanyang sarili sa salamin na biluhaba.
minasdan
Maria
salamin
biluhaba
Tukuyin ang pang-uri sa pangungusap.
Nakita ko ang makulay na plorera sa tindahan.
nakita
makulay
sa tindahan
plorera
Tukuyin ang pang-uri sa pangungusap.
Narinig mo ba ang malakas na tunog ng sirena ng ambulansiya.
narinig
sirena
ambulansiya
malakas
Tukuyin ang pang-uri sa pangungusap.
Ang mga matatapang na aso ay hindi pinapabayaang nagkalat sa kalye.
matatapang
aso
pinapabayaan
sa kalye
Tukuyin kung pang-uring panlarawan o pamilang ang ginamit sa pangungusap.
Sina Mike at Grace ay may apat na anak.
Panlarawan
Pamilang
Tukuyin kung pang-uring panlarawan o pamilang ang ginamit sa pangungusap.
Ipinagmamalaki ng mag-asawa ang kanilang mabubuting anak.
Panlarawan
Pamilang
Tukuyin kung pang-uring panlarawan o pamilang ang ginamit sa pangungusap.
Higit sa apat na libong tao ang nasa mga evacuation center.
Panlarawan
Pamilang
Tukuyin kung pang-uring panlarawan o pamilang ang ginamit sa pangungusap.
Nakamit ni Jason ang unang gantimpala sa paligsahan sa pagguhit.
Panlarawan
Pamilang
Tukuyin ang kaantasan ng pang-uring may salungguhit sa pangungusap.
Si Gary ay ang pinakamagulong mag-aaral sa klase ni Bb. Sanchez.
Lantay
Pahambing
Pasukdol
Tukuyin ang kaantasan ng pang-uring may salungguhit sa pangungusap.
Mas magara ang kotse ni Noel kaysa sasakyan ni Manuel.
Lantay
Pahambing
Pasukdol
Tukuyin ang kaantasan ng pang-uring may salungguhit sa pangungusap.
Ang buhok ni Lola Francia ay kasimputi ng balahibo ng tupa.
Lantay
Pahambing
Pasukdol
Tukuyin ang kaantasan ng pang-uring may salungguhit sa pangungusap.
Napansin ko na ang mga anak ni G. Santos ay magagalang.
Lantay
Pahambing
Pasukdol
Tukuyin ang tamang pinaikli o dinaglat na anyo ng nasa ibaba.
Department of Social Welfare and Development
DSWD
dswd
DOSWD
doswd
Tukuyin ang tamang pinaikli o dinaglat na anyo ng nasa ibaba.
Department of Education
DE
DPED
DepEd
DOE
Tukuyin ang pang-abay na pamaraan sa pangungusap.
Mahinahon niyang hinarap ang lalaking galit na sumugod sa opisina nila para magreklamo.
mahinahon
hinarap
sa opisina
magreklamo
Tukuyin ang pang-abay na pamaraan sa pangungusap.
Ang nakababata kong kapatid ay malambing na nanghihingi ng bagong sapatos kay nanay.
nakababata
malambing
nanghingi
sapatos
Tukuyin ang pang-abay na pamaraan sa pangungusap.
Kinausap ako ni kuya ng masinsinan tungkol sa nangyari.
kinausap
kuya
masinsinan
nangyari
Tukuyin ang salitang nakasalungguhit kung pang-uri o pang-abay.
Maligayang nagkuwento ang bata sa kanyang pagkapanalo.
Pang-uri
Pang-abay
Tukuyin ang salitang nakasalungguhit kung pang-uri o pang-abay.
Matalim na palakol ang ginamit ni Pedro sa pagputol ng puno.
Pang-uri
Pang-abay
Tukuyin ang pang-abay na pamanahon sa pangungusap.
Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino.
manonood
kami
bukas
pagtatanghal
Tukuyin ang pang-abay na pamanahon sa pangungusap.
Agad na pumunta ang mga pulis sa pinangyarihan ng krimen.
krimen
pinangyarihan
pulis
agad
Tukuyin ang pang-abay na panlunan sa pangungusap.
Tinapon ni Jen ang mga papel sa basurahan.
tinapon
Jen
papel
sa basurahan
Tukuyin ang pang-abay na panlunan sa pangungusap.
Mamamasyal kami sa tabing dagat mamayang hapon.
mamamasyal
sa tabing dagat
kami
mamayang hapon
Tukuyin ang tradisyon o pagdiriwang na inilalahad ng sitwasyon. Piliin ang tamang sagot sa pamimilian.
Iba't-ibang palamuti at mumunting ilaw ang nakasabit sa loob at labas ng bahay ng pamilya Cagas. Masasarap na pagkain ang nakahain sa mesa. Maraming regalo ang nasa ilalim ng puno at mayroon ding mga pailaw na kumikintab.
Ramadan
Pasko
Semana Santa
Tukuyin ang tradisyon o pagdiriwang na inilalahad ng sitwasyon. Piliin ang tamang sagot sa pamimilian.
Sina Jihan ay kabilang sa pamilyang Muslim mula sa Maguindanao. Pagkatapos ng ilang araw na pag-aayuno ay pumunta sila sa mosque upang manalangin at magpasalamat kay Allah.
Pasko
Semana Santa
Ramadan
Tukuyin ang tradisyon o pagdiriwang na inilalahad ng sitwasyon. Piliin ang tamang sagot sa pamimilian.
Napakagara ng suot ni Loida. Kumikinang ang suot niyang gown na gamit niya para sa isang mahalagang prusisyon. Siya kasi ang napiling Reyna Elena sa kanilang barangay para sa taong ito.
Santacruzan
Pasko
Araw ng mga Patay
Tukuyin ang tradisyon o pagdiriwang na inilalahad ng sitwasyon. Piliin ang tamang sagot sa pamimilian.
Napakaraming tao sa sementeryo. Marami ang nagtitirik ng kandila para sa mga yumao nilang mahal sa buhay. Isa si Helen sa mga pumunta sa Sementeryo.Nagdala siya ng bulaklak, nagtirik ng kadila at nagdasal para sa kanyang yumaong lola.
Semana Santa
Santacruzan
Araw ng mga Patay
Tukuyin ang tradisyon o pagdiriwang na inilalahad ng sitwasyon. Piliin ang tamang sagot sa pamimilian.
Biyernes Santo, pumunta si Helen at ang kanyang magulang sa isang simbahan sa Maynila upang makinig sa "Huling Pitong Salita ni Hesus" kung saan inalala ng pitong tagapagsalita ang pitong huling mga wikang sinambit ni Hesus bago siya namatay sa krus.
Araw ng mga Patay
Pasko
Semana Santa
