wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino 12

Total questions: 50

Worksheet time: 26mins

Name
Class
Date
1.

Pagsasalin sa papel o ano mang kasangkapang maaaring magsalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon.

(a)  

2.

Isang pananaw na nagsasabing ang pagsulat

ay isang mental at sosyal na aktibiti.

a)

multi-dimensional na proseso

b)

sosyo-kognitibo

c)

intelektwal

d)

transaksyunal

3.

Dimensyon ng pagsulat na nagsasabing ang pagsulat ay isang pakikipag-usap sa mambabasa.

a)

sosyo-kognitibong dimensyon

b)

biswal na dimensyon

c)

multi-dimensyonal na proseso

d)

oral na dimensyon

4.

Tumutukoy ito sa ano mang pagsulat na isinasagawa upang makatupad sa isang pangangailangan pag-aaral.

(a)  

5.

Ito ay ang katangian ng akademikong pagsulat

na kung saan hindi angkop ang mga kolokyal

at balbal na salita.

a)

Obhetibo

b)

Kompleks

c)

Pormal

d)

Tumpak

6.

Ito ay katangian ng akademikong pagsulat

na maingat dapat ang manunulat ng akademikong papel sa paggamit ng mga salitang madalas katisuran o pagkamalian ng mga karaniwang manunulat.

a)

Responsable

b)

Eksplisit

c)

Wasto

d)

Pormal

7.

Sa akademikong pagsulat, ang mga datos tulad ng facts and figures ay inilalahad nang walang labis at walang kulang.

a)

Pormal

b)

Kompleks

c)

Obhetibo

d)

Tumpak

8.

Ito ang tumutukoy sa karamihan ng mga akademikong papel na may introduksyon, katawan at kongklusyon.

a)

Lohikal na organisasyon

b)

Malinaw na Layunin

c)

Matibay na Suporta

d)

May Pokus

9.

Kailangang iwasan ang hindi kinakailangang, hindi nauugnay, hindi mahalaga at taliwas na impormasyon.

a)

Responsable

b)

Malinaw na Layunin

c)

Malinaw na Pananaw

d)

May Pokus

10.

Katangian ito ng isang akademikong pagsulat

na sinisikap ang kalinawan at kaiklian.

a)

Malinaw at kompletong eksplanasyon

b)

Matibay na suporta

c)

Epektibong pananaliksik

d)

Iskolarling estilo at pagsulat

11.

Ito ay layunin ang akademikong pagsulat

na ipaliwanag at suriin ang mga posibleng sagot

sa isang tanong at piliin ang pinakamahusay

na sagot batay sa ilang pamantayan.

a)

Mapanghihikayat na layunin

b)

Impormatibong layunin

c)

Mapanuring layunin

d)

Nagpapaliwanag na layunin

12.

Dahil sa pagsulat ng bawat akademikong papel ay may mga hakbang at panuto na dapat sundin, nililinang din ang pagsulat nito ang pagkamasunurin at disiplina.

a)

Ang akademikong pagsulat ay isang paghahanda sa propesyon.

b)

Ang akademikong pagsulat ay lumilinang sa kahusayan sa wika.

c)

Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mga pagpapahalagang pantao.

d)

Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mapanuring pag-iisip.

13.

Ang manunulat ay nagsusuri rin ng kaniyang binasa. Hindi lahat ng kanyang binabasa kasi ay kanyang tinatanggap at ginagamit.

a)

Ang akademikong pagsulat ay isang paghahanda sa propesyon.

b)

Ang akademikong pagsulat ay lumilinang sa kahusayan sa wika.

c)

Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mga pagpapahalagang pantao.

d)

Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mapanuring pag-iisip.

14.

Ito ang kategorya ng akademikong pagsulat na kinabibilangan ng Abstrak at Sintesis.

a)

Personal

b)

Karaniwan

c)

Iba pa

d)

Pormal

15.

Ito ang panauhang ginagamit sa pagbubuod upang maipakita ang pagiging obhetibo.

a)

Una

b)

Ikalawa

c)

Ikatlo

d)

Ikaapat

16.

Isa itong paraan ng muling pagpapahayag

sa nilalaman ng isang teksto, ngunit sa anyong mas maikli na nagpapanatili sa kabuuang mensahe

ng teksto.

(a)  

17.

Ito ang unang hakbang sa pagsulat ng sintesis batay sa ipinanukala sa artikulong How to Write a Synthesis Essay.

a)

Pumili ng naayong sanggunian.

b)

Salungguhitan ang mga mahahalagang detalye

c)

Linawin ang layunin ng pagsulat

d)

Ilista ang lahat ng pangunahing ideya,

18.

Ito ay uri ng sintesis na nangangailangan pagsama-samahin ang mga pinagbatayang datos hinggil sa paksa.

a)

Explanatory Synthesis

b)

Background Synthesis

c)

Thesis-driven Synthesis

d)

Synthesis for the literature

19.

Isa ito sa mga teknik sa pagbuo ng pagsulat ng sintesis na kung saan inilalahad ang isang argumento kontra-tesis, ngunit sinesugundahan agad ng paglalahad ng kahinaan ng argumento.

a)

Konesyon

b)

Strawman

c)

Komparison at Kontrast

d)

Pagdadahilan

20.

Ito rin ay isang teknik ng pagsulat ng sintesis na kung saan hinihimay-himay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga akda o sanggunian.

a)

Konesyon

b)

Strawman

c)

Komparison at Kontrast

d)

Pagdadahilan

21.

Magkatulad ang estilong ginagammit sa akademiko at malikhaing pagsusulat.

a)

Tama

b)

Mali

22.

Ang unang hakbang sa pagsulat ay kilalanin ang layunin nito.

a)

Tama

b)

Mali

23.

Ang pagsulat ay isa mga makrong kasanayan na pinakaunang natutuhan.

a)

Tama

b)

Mali

24.

Layunin ng akademikong pagsulat na hikayatin ang mga mambabasa na maniwala sa kaniyang posisyon hinggil sa paksa.

a)

Tama

b)

Mali

25.

Ang pagsulat ay tinatawag ding analitikal na kung saan ang layunin nito ay ipaliwanag at suriin ang mga posibleng sagot sa isang tanong.

a)

Tama

b)

Mali

26.

Tinatawag na impormatibong pagsulat kung ang ginagawa ng manunulat ang mga akdang pampanitikan tulad ng maikling katha at tula.

a)

Tama

b)

Mali

27.

Responsibilidad ng manunulat nag gawing makatotohanan ang lahat ng nilalaman sa akademikong pagsulat.

a)

Tama

b)

Mali

28.

Nililinang ng akademikong pagsulat ang kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral.

a)

Tama

b)

Mali

29.

Sa pagsulat ng buod, kinakailangan ito ng sariling perspektibo at opinyon.

a)

Tama

b)

Mali

30.

Ginagamit sa buod ang sariling pananalita ngunit napapanatili ang orihinal na mensahe.

a)

Tama

b)

Mali

31.

Unang hakbang sa pagbubuod ay ilista ang mga pangunahing ideya mula sa orihinal na teksto.

a)

Tama

b)

Mali

32.

Ang mga susing salita ay mga pangunahing konsepto na pinagtuunan ng teksto.

a)

Tama

b)

Mali

33.

Tinataglay ng sintesis ang pag-uulat ng tamang impormasyon mula sa mga sanggunian at gumagamit ng iba’t ibang estruktura ng pagpapahayag.

a)

Tama

b)

Mali

34.

Nararapat lamang na pumili ng mga naaayong sanggunian batay sa layunin ng susulating sintesis.

a)

Tama

b)

Mali

35.

Ang tesis ng sintesis ay nararapat na ihayag gamit ang buong pangungusap at naglalaman ng mga ideya ukol sa paksa at ang paninindigan nito.

a)

Tama

b)

Mali

36.

Panatilihin ang unang panauhang ginamit sa orihinal na akda sa pagbubuod.

a)

Tama

b)

Mali

37.

Kinakailangan magbigay ng mga halimbawa at ilustrasyon sa pagbubuod.

a)

Tama

b)

Mali

38.

Alin sa mga sumunod ang hindi kabilang sa mga personal na akademikong sulatin.

a)

Pictorial Essay

b)

Bionote

c)

Posisyong Papel

d)

Labay-Sanaysay

39.

Ang isang mahusay na manunulat ay isang mahusay na ______________.

a)

mananaliksik

b)

mambabasa

c)

manunuri

d)

takapakinig

40.

Alin sa mga sumusunod ang napapabilang sa teknikal na pagsulat?

a)

lab report

b)

legal researches

c)

feasibility study

d)

bionote

41.

Ang pagsulat ng isang term paper ay napabilang sa anong uri ng pagsusulat?

a)

Akademiko

b)

Teknikal

c)

Propesyunal

d)

Journalistic

42.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa kalikasan ng akademikong sulatin ayon kina Fulwiler at Hayakawa?

a)

Katotohanan

b)

Kompleks

c)

Ebidensya

d)

Balanse

43.

Ito ay kalikasan ng isang akademikong pagsulat na nagkakasundo ang lahat ng akademya sa paglalahad ng mga opinyon at argumento.

a)

Katotohanan

b)

Kompleks

c)

Balanse

d)

Ebidensya

44.

Ang isang akademikong pagsulat ay nagpapakita na responsable ang manunulat na gawing malinaw sa mambabasa ang pakakaignay-ugnay ng iba't ibang bahagi ng teksto.

a)

Obhetibo

b)

Eksplisit

c)

Wasto

d)

Responsable

45.

Alin sa mga sumusunod na akademikong pagsulat na napabilang sa impormatibong layunin?

a)

Panukalang Proyekto

b)

Abstrak

c)

Posisyong Papel

d)

Buod

46.

Pinakahuling hakbang sa pagbubuod.

(a)  

47.

Layunin din nitong paganahin ang imahinasyon, bukod pa sa pukawin and damdamin ng mga mambabasa.

a)

Akademiko

b)

Journalistic

c)

Malikhain

d)

Teknikal

48.

Makikita rin ito sa mga pamanahong-papel, tesis at disertasyon lalo na sa bahaging Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura.

a)

Akademiko

b)

Teknikal

c)

Reperensyal

d)

Malikhain

49.

Saklaw nito ang pagsulat ng balita at editoryal, kolum, lathalain at iba pang akdang karaniwang makikita sa mga pahayagan o magasin.

a)

Akademiko

b)

Journalistic

c)

Teknikal

d)

Malikhain

50.

Isulat ang buong pangalan ng inyong guro sa asignaturang ito.

(a)