Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP 2 Q3 1ST AT

Total questions: 25

Worksheet time: 6hrs 15mins

Name
Class
Date
1.

Ayon sa maikling kuwentong "Karapatan ni Moy", nararanasan ba ng batang si Moy ang mga karapatan na dapat ay mayroon siya?

a)

A. Oo, dahil maganda ang buhay ng kanilang pamilya.

b)

B. Oo, dahil may hanapbuhay naman siya

c)

C. Hindi, dahil hindi kayang ibigay ng kaniyang pamilya ang mga karapatan niya bilang bata

2.

Si Moy ay natutulog lamang sa kariton kapag siya ay napagod at doon na inaabutan ng gabi hanggang umaga. Ayon sa pahayag, anong karapatan ang hindi nararanasan ni Moy?

a)

Karapatang makapagsuot ng maayos na damit

b)

Karapatang magkaroon ng maayos na tahanan

c)

Karapatang mag-aral

3.

Gustong-gustong makipaglaro ni Moy kaya lang naisip niya na kailangang marami siyang makuhang bote. Ayon sa pahayag, anong karapatan ang hindi nararanasan ng batang si Moy?

a)

Karapatang makatikim ng masarap na pagkain

b)

Karapatang alagaan at kalingain

c)

Karapatang makapaglibang o makapaglaro

4.

Hindi pinapasok sa paaralan si Moy dahil ayon sa kaniyang mga magulang ay wala silang pera na isusuporta sa kaniyang pag-aaral. Anong karapatan ang hindi naranasan ni Moy?

a)

Karapatang makapagsuot ng maayos na damit

b)

Karapatang magkaroon ng maayos na tahanan

c)

Karapatang mag-aral

5.

Nakita ni Carla na naghahanda ng pagkain ang kaniyang ina para sa kanilang hapunan.

Anong karapatan ang naibibigay kay Carla?

a)

Karapatang makapagsuot ng maayos na damit

b)

Karapatang makatikim ng masarap na pagkain

c)

Karapatang mag-aral

6.

Sino ang nagbibigay ng mga karapatang dapat ay tinatamasa o nararanasan ng isang batang katulad mo?

a)

Ang iyong pamilya

b)

Ang iyong kaibigan

c)

Ang iyong kapitbahay

7.

Ano ang wastong tugon kung ikaw ay nakararanas ng mga karapatan na dapat tinatamasa ng isang bata.

a)

Maging mayabang

b)

Maging mapagpasalamat

c)

Maging mapagmataas

8.

Sino sa sumusunod ang nakararanas ng karapatan ng isang bata?

a)

Si Carla ay pumapasok sa paaralang elementarya ng San Isidro.

b)

Si Moy ay walang maayos na inuuwiang tahanan.

c)

Si Don-don ay nagtatrabaho upang makabili ng pagkain.

9.

Piliin ang nagpapahayag ng pagpapahalaga sa mga karapatan.

a)

Sinisigawan ni Kiko ang kaniyang ina kapag hindi niya nagustuhan ang iniluto nitong ulam

b)

Nagdadabog si Danny kapag hindi ibinigay ng kaniyang magulang ang gusto niyang halaga ng perang kaniyang hinihingi

c)

Masipag mag-aral si Charleen dahil alam niyang ikatutuwa ito ng kaniyang ina

10.

Sa panahong ito, ikaw ay binigyan ng karapatang makapag-aral. Ano ang magiging tugon mo dito?

a)

Sasagutan ko nang maayos ang aking module upang makakuha ako ng mataas na marka.

b)

Uunahin ko ang paglalaro ng mobile games kaysa magsagot ng module.

c)

Ayos lang kahit bumagsak ang aking marka basta makapanood lang ako ng cartoons.

11.

Paano mo patutunayan sa iyong magulang ang iyong lubos na pasasalamat dahil sa kanilang pagsuporta sa iyo?

a)

pagsuway sa magulang

b)

pagiging masunurin at mabuting anak

c)

hindi pahahalagahan ang suporta nila

12.

“Singil sa Kuryente, Tataas!”. Ito ang anunsiyo sa iyong barangay, ano ang wastong tugon sa anunsiyong ito?

a)

Maghapong manunud ng paboritong palabas sa telebisyon.

b)

Agad pinapatay ni Eunice ang electricfan kung hindi na niya ito ginagamit.

c)

nakabukas ang ilaw kahit maliwanag na ang sikat ng araw.

13.

“Suplay ng Tubig, Nagkukulang!” Pangamba ng ito ng nagsusuplay ng tubig sa inyong lugar. Paano mo ito tutugunan?

a)

Gagamitin naming pandilig ng halaman ang huling panagbanlawan ng damit

b)

Nakabukas ang gripo habang ako ay nagsisipilyo

c)

Hayaan na lamang kung may tumatagas na tubig sa gripo

14.

“Presyo ng Pagkain, Tumataas!” Alin sa sumusunod ang may wastong pagtugon sa pahayag na ito?

a)

Hindi niya inuubos ang sobra-sobrang pagkaing kaniyang kinuha

b)

Kumukuha ako ng sapat na pagkain na kaya ko lang ubusin

c)

maraming nasisirang prutas sa lamesa.

15.

Ano ang mangyayari kapag nakabukas ang lahat ng ilaw sa bahay kahit hindi kailangan?

a)

sasabog ang bumbilya ng inyong bahay

b)

maiilawan maging ang kapitbahay

c)

tataas ang bayarin sa kuryente

16.

Ano ang mangyayari kapag iniiwang nakabukas ang gripo?

a)

babaha sa buong barangay

b)

tataas ang bayarin sa tubig at maaaring magkulang ang suplay

c)

masisira ang timbang nakatapat sa gripo

17.

Kapag ikaw ay kumuha lamang ng sapat na pagkain na kaya mong ubusin, ano ang mangyayari?

a)

walang masasayang na pagkain

b)

ikaw ay mabibitin sa pagkain

c)

magagalit ang nanay

18.

Sino ang napangasawa ni Isaac na natagpuan ng katiwala?

a)

Si Rebecca

b)

Si Nahor

c)

Si Milca

19.

Ano ang resulta ng panalanging may pagtitiwa sa Diyos?

a)

hindi natutupad ang panalangin

b)

matagal ibigay ng Diyos ang panalangin

c)

ibinibigay ng Diyos ang panalangin ayon sa kaniyang layon

20.

Ano ang nagagawa ng panalangin sa oras na kailangan mo ang Diyos?

a)

Pababayaan ka ng Diyos

b)

tutulungan ka ng Diyos

c)

hindi ka papansinin ng Diyos

21.

Saan namamalagi ang panganay na anak ni Isaac na si Esau at saan ito magaling?

a)

Sa katubigan kung kaya mahusay siyang mangisda

b)

sa kabundukan kaya mahusay siyang mangaso

c)

sa bahay kaya mahusay siya sa mga gawaing bahay

22.

Ano ang kapalit ng hininging pagkain ni Esau kay Jacob?

a)

Ang karne ng hayop mula sa gubat

b)

Ang kaniyang husay sa pangangaso

c)

Ang kaniyang karapatan bilang panganay

23.

Ano ang kaugalian noon na ibigay sa mga panganay na anak bago mamatay ang magulang?

a)

Ang natatanging kayamanan

b)

Ang natatanging pagpapala

c)

Ang natatanging kapangyarihan

24.

Naibigay ba kay Esau ang pagpapala sa kaniya?

a)

Hindi dahil naibigay ito ni Isaac kay Jacob

b)

Hindi dahil namatay na si Isaac

c)

Hindi dahil hindi na nakauwi sa Esau

25.

Tama ba ang pandaraya sa kapuwa?

a)

Oo, dahil may mapapakinabangan sa pandaraya

b)

Oo, dahil sa pandaraya ay mabubuhay ka

c)

Hindi dahil masama ang mandaya at hindi ito kalooban ng Diyos