Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Contemporary issue quiz 1

Total questions: 10

Worksheet time: 3mins

Name
Class
Date
1.

Ito proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig.

a)

Globalisasyon

b)

Migrasyon

c)

Urbanisasyon

d)

Transisyon

2.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI KABILANG sa mga posibleng pinag-ugatan ng globalisasyon?

a)

Pag-usbong at paglaganap ng Kristiyanismo matapos ang pagbagsak ng Imperyong Romano.

b)

Paglaganap ng Islam noong ikapitong siglo.

c)

Pananakop ng mga Italyano bago man maipanganak si Kristo

d)

Paglalakbay ng mga Vikings mula Europe patungong Iceland, Greenland at Hilagang America.

3.

Anyo ng Globalisasyon kung saan ang sentro sa isyu ay ang ekonomiya na umiinog sa kalakalan ng mga produkto at serbisyo.

a)

GLOBALISASYONG EKONOMIKO

b)

GLOBALISASYONG TEKNOLOHIKAL AT SOSYO-KULTURAL

c)

GLOBALISASYONG POLITIKAL

4.

Ito ay tumutukoy sa mga namumuhunang kompanya sa ibang bansa ngunit ang mga produkto o serbisyong ipinagbibili ay hindi nakabatay sa pangangailangang lokal ng pamilihan.

a)

transnational companies (TNCs)

b)

multinational companies (MNCs)

5.

ito ay tumutukoy sa mga kompanya o negosyong nagtatatag ng pasilidad sa ibang bansa. Ang kanilang serbisyong ipinagbibili ay batay sa pangangailangang lokal. Binibigyan ng kalayaan na magdesisyon, magsaliksik, at magbenta ang mga yunit na ito ayon na rin sa hinihingi ng kanilang pamilihang lokal.

a)

transnational companies (TNCs)

b)

multinational companies (MNCs)

6.

Alin sa mga sumusunod ang implikasyon ng pag-usbong ng multinational at transnational corporations sa isang bansa?

a)

pagdami ng mga produkto at serbisyong mapagpipilian ng mga mamimili na nagtutulak ng kompetisyon sa pamilihan.

b)

nakalilikha ito ng mga trabaho para sa mga manggagawang Pilipino.

c)

pagkalugi ng mga lokal na namumuhunan

d)

lahat ng nabanggit

7.

Tumutukoy ito sa pagkuha ng isang kompanya ng serbisyo mula sa isang kompanya na may kaukulang bayad. Pangunahing layunin nito na mapagaan ang gawain ng isang kompanya upang mapagtuunan nila ng pansin ang sa palagay nila ay higit na mahalaga.

a)

Outsourcing

b)

Offshoring

c)

Nearshoring

d)

Onshoring

8.

Tumutukoy sa pagkuha ng serbisyo mula sa kompanya sa kalapit na bansa. Layunin nitong iwasan ang mga suliraning kaakibat ng offshoring

a)

Onshoring

b)

Outsourcing

c)

Nearshoring

9.

Tinatawag ding domestic outsourcing na nangangahulugan ng pagkuha ng serbisyo sa isang kompanyang mula din sa loob ng bansa na nagbubunga ng higit na mababang gastusin sa operasyon.

a)

Onshoring

b)

Nearshoring

c)

Offshoring

10.

Mabilis na tinangkilik ng mga mamamayan sa developing countries ang pagggamit ng cellular phones o mobile phone na nagsimula sa mauunlad na bansa.

ITO AY MANIPESTASYON NG?

a)

GLOBALISASYONG POLITIKAL

b)

GLOBALISASYONG TEKNOLOHIKAL AT SOSYO-KULTURAL

c)

GLOBALISASYONG EKONOMIKO