NEW
Font size
WorksheetsQ2 _ESP 5
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
Sa panahon ng kalamidad, alin sa mga sumusunod ang unang hakbang bilang paghahanda dito?
A. Makinig sa mga balita sa radyo o telebisyon.
B. Pag-aralan ang paglalapat ng paunang lunas.
C. Panatilihing malusog ang katawan at kumain ng masusustansiyang pagkain.
D. Ihanda ang emergency kit tulad ng paunang lunas, flashlight, kandila, posporo, píto, inuming tubig, de-latang pagkain atbp.
Ang mga sumusunod ay mga hakbang bilang paghahanda sa pandemya maliban sa:
A. Alamin ang pinakamalapit na evacuation center para sa paglikas.
B. Panatilihing malusog at malakas ang resistensiya at kumain ng masusustansiyang pagkain.
C. Ugaliin ang paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask at panatilihin ang isang metrong layo mula sa ibang tao (social distancing).
D. Upang maiwasang mahawa, manatili sa loob ng tahanan at iwasan ang matataong lugar.
Ngayong ikaw ay natuto na ng mga hakbang upang makapaghanda sa panahon ng kalamidad, ano ang pinakamainam mong gawin sa kaalamang ito?
A. Aking isasabuhay ang aking natutuhan sa lahat ng oras.
B. Ang kaalamang ito ay aking ibabahagi sa aking mga kaibigan/ kakilala.
C. Ako ay sasali sa mga boluntaryong pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad.
D. Ako ay palaging maghahanda at makikinig sa mga anunsiyo mula sa radyo at telebisyon.
Ito ang ahensiya ng gobyerno na dapat nating tinatawagan tuwing may sunog?
Nagbibigay ito ng mga update sa mga epekto at hakbang para paghandaan ang mga kalamidad tulad ng bagyo.
May sakit ang iyong nanay pero gusto mo sanang manood ng TV. Ano ang gagawin mo?
A. Manonood ng TV kahit may sakit ang Nanay.
B. Sasabihin sa Nanay na samahan kang manood
C. Aalagaan ang Nanay at hindi na muna manonood ng TV
D. Makikipanood ng TV sa kapitbahay
Napapansin mo na laging ikaw na lamang ang tinatawag ng iyong teacher para mag-recite. Alam mo na gusto rin ng iba mong kaklase ang mag-recite. Ano ang gagawin mo?
A. Sasabihin kay teacher ang napapansin mo.
B. Pag tinawag ka ni teacher, hindi ka sasagot
C. Magtuturo ng kaklase para sumagot.
D. Magkukunwari na hindi mo narinig si teacher.
Madalas kinukutya ang isa mong kaibigan ng iba mo pang kaibigan. Alam mong hindi ito mabuti. Ano ang gagawin mo?
A. Pababayaan sila, dahil hindi naman ako ang kinukutya.
B. Magsasabi ako sa nakatatanda, para sila pagsabihan.
C. Hindi ako makikialam, baka ako mapag-initan nila.
D. Hahayaan ko yung mga kaibigan sa ginagawa nila.
Hinihikayat ka ng mga kaibigan mo na huwag isali sa laro ninyo ang kapitbahay ninyong may kapansanan. Ano ang gagawin mo?
A. Susundin ang sinasabi ng mga kaibigan ko.
B. Isasali ko sa laro ang kapitbahay naming na may kapansanan.
C. Hindi ko sila pakikingan at hindi ko rin isasali.
D. Hindi nalang din ako maglalaro.
Alam mo na sa tuwing nakakakita ka ng may kapansanan ay dapat nagbibigay-daan upang sila ang mauna sa pilahan. Ngunit ang isa mong kaklase ay ayaw pumayag dahil nauna raw siya sa pila sa canteen. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi ko papansinin ang nangyari.
B. Pababayaan ko ang kaklase sa katwiran niya.
C. Sasabihin ko sa may kapansanan na tama ang kaklase ko.
D. Wala sa mga nabanggit ang tamang sagot.
Sa Pangkatang Gawain ay may kanya kanyang opinyon ang bawat kagrupo mo. Ano ang gagawin mo bilang leader?
A. Pag-aaralan ang opinyon ng bawat isa.
B. Pakikinggan ang bawat ideya o opinyon ng bawat isa.
C. Igagalang at rerespetuhin ang bawat opinyon.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.
Narinig mo na parating sinisigawan ng kanyang Tiyuhin si Bea at hindi ito nagsusumbong sa kanyang magulang. Bilang kaibigan ni Bea, ano ang gagawin mo?
A. Hahayaan si Bea na sigaw sigawan ng kanyang tiyuhin.
B. Papayuhan si Bea na sigawan din ang kanyang tiyuhin.
C. Sasabihin sa mga magulang ni Bea ang narinig.
D. Magwawalang-kibo nalang.
Napansin mo na kahit hindi sang-ayon ang iyong mga kagrupo sa mungkahi ng inyong leader ay ipinag-patuloy pa rin nito ang kanyang mungkahi. Ano ang gagawin mo?
A. Lilipat ng ibang grupo.
B. Magsasawalang kibo nalang.
C. Hihikayatin ang mga kagrupo na sumang-ayon nalang sa inyong leader.
D. Kakausapin ang leader ng inyong grupo na makinig sa ideya ng iba.
Kung ikaw ay naatasan ng iyong guro na maging leader ng inyong grupo. Anu-ano ang mga dapat mong gawin upang maging mabuting leader.
A. Makinig sa ideya o opinyon ng bawat miyembro.
B. Magpakita ng pagka-masigasig sa mga gawain.
C. Respetuhin ang opinyon o ideya ng bawat isa.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.
Nakita mo na masyadong ginagamit ni Angelo ang kanyang pagiging leader upang makasakit ng kapwa. Ano ang gagawin mo?
A. Pagsasabihan si Angelo sa mga ginagawa niya.
B. Hahayaan mo si Angelo, dahil hindi ka naman niya ginagalaw.
C. Kukunsintihin mo siya sa kanyang ginagawa.
D. Pababayaan mo nalang na iba ang makakita
