Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q2 PAGSUSULIT 2 (Nobela, Sanaysay/Talumpati at Pagpapalawak)

Total questions: 105

Worksheet time: 53mins

Name
Class
Date
1.

Teoryang pampanitikan na naglalahad ng pag-angat ng dignidad ng tao kaysa anumang bagay.

a)

Realismo

b)

Dekonstruksiyon

c)

Humanismo

d)

Imahismo

2.

Layunin ng teoryang ito na ipakita ang pantay na kalagayan ng mga kababaihan sa lipunang kanyang ginagalawan.

a)

Romantisismo

b)

Feminismo

c)

Naturalismo

d)

Pormalismo

3.

Nangingibabaw sa teoryang ito ang kaisipan at kagandahan ng akda kaysa sa damdamin.

a)

Eksistensyalismo

b)

Pormalismo

c)

Romantisismo

d)

Klasisismo

4.

Sinusuri ang panitikan batay sa pagpapahalagang taglay nito.

a)

Dekontruksiyon

b)

Sosyolohikal

c)

Moralistiko

d)

Sikolohikal

5.

Ipinapakita sa teoryang ito na ang akda ay nagtataglay ng kapangitan ng katotohanan o realidad

a)

Realismo

b)

Naturalismo

c)

Klasisismo

d)

Romantisismo

6.

Sa teoryang ito ay ipinapakita na ang tao ay malayang magpasiya para sa kanyang sarili.

a)

Realismo

b)

Eksistensyalismo

c)

Naturalismo

d)

Dekontruksiyon

7.

Ipinapakita sa teoryang ito ang pagbabagong nagaganap sa pag-uugali ng tauhan dahil sa may nag-udyok ng pagbabago.

a)

Pormalismo

b)

Sosyolohikal

c)

Sikolohikal

d)

Imahismo

8.

Ang teoryang ito ay ginagamit sa mga akdang lumutang ang paggamit ng mga larawang biswal.

a)

Dekontruksiyon

b)

Imahismo

c)

Pormalismo

d)

Sosyolohikal

9.

Sa teoryang ito ay ipinapakita ang pagtakas ng akda sa nakasanayang daloy nito.

a)

Dekontruksiyon

b)

Imahismo

c)

Pormalismo

d)

Sosyolohikal

10.

Sa pamamagitan ng pananaw na ito, binibigyang-pansin ng manunuri ang kaisahan ng mga bahagi at ang kabuoan ng akda.

a)

Dekontruksiyon

b)

Imahismo

c)

Pormalismo

d)

Sosyolohikal

11.

ang sistematikong pag-aaral ng panitikan at ang mga paraan sa pagaaral ng panitikan

a)

Teoryang Pampanitikan

b)

Panitikan

c)

Panunuring Pampelikula

d)

Teorya

12.

Ito ay tumutukoy sa akdang pampanitikan na binubuo ng mga kawil ng pangyayari. Nahahati ito sa kabanata.

a)

maikling kuwento

b)

tula

c)

nobela

d)

sanaysay

13.

Tumutukoy sa gumaganap sa kuwento, sila ang dahilan

ng pag-usad ng mga pangyayari.

a)

tauhan

b)

tauhan

c)

wakas

d)

resolusyon

14.

Tumutukoy sa estruktura ng isang

nobela. Maaari ring sabihing ito ang blueprint ng akda.

a)

tagpuan

b)

himig

c)

tauhan

d)

banghay

15.

kumpletuhin ang pahayag..

“Maaaring wasakin

ang isang tao pero hindi siya ____________.”

a)

matatakot

b)

magagapi

c)

magagalit

d)

matutuwa

16.

Sino ang pangunahing tauhan natin sa akdang "Ang Matanda at ang Dagat."?

a)

Manolin

b)

Joe D' Maggio

c)

Santiago

d)

Ernest Hemingway

17.

Ano ang kahulugan ng salitang "Salao"?

a)

kamalasan

b)

katanyagan

c)

kakisigan

d)

kasiyahan

18.

Ano ang mga naging pagsubok ni Santiago sa gitna ng laot nang mahuli niya ang isdang marlin?

a)

lumakas ang alon at tumaob ang bangka

b)

nakipaglaban siya sa mga pating

c)

nawala ang kanyang mga sandata habang nasa laot

19.

Sino ang batang lalaking kaibigan at aprentis ni Santiago?

a)

Manolin

b)

Rafael

c)

Ernesto

d)

Rodrigo

20.

Sino ang sumulat ng akdang "Ang Matanda at Ang Dagat"?

a)

Alfred Hitchcock

b)

Arthur Conan Doyle

c)

William Shakespeare

d)

ERnest HEmingway

21.

Elemento ng nobela na dito ang mga pangyayari ay nabibigyan ng kalutasan, lahat

ng mga tanong na may tiyak na kasagutan, at ang bawat tauhan

ay may tiyak na patutunguhan, maaaring ang wakas at tahasang

pagtatapos o maaaring pagpapahiwatig lamang.

a)

resolusyon

b)

tunggalian

c)

wakas

d)

himig

22.

Mula sa nobelang ang Matanda at ang Dagat , ang dagat ay sumisimbolo ng ____

a)

kapayapaan

b)

lipunan

c)

Lugar

d)

lalim ng pag-iisip

23.

"Ano pa ba ang puwede kong isipin?" Ang ko na ginamit sa pananaw ng may akda ay nasa ___

a)

Unang Panauhan

b)

Ikalawang Panauhan

c)

Ikatlong panauhan

d)

Ikaapat na panauhan

24.

Saang bansa ang tagpuan ng nobelang "Ang Matanda at Ang Dagat?

a)

Argentina

b)

Curacao

c)

Aruba

d)

Cuba

25.

May-akda ng Nobelang binasa

a)

Arthur Hemingway

b)

Ernest Hemingard

c)

Arthur Hemingard

d)

Ernest Hemingway

26.

Matandang nakahuli sa Marlin

a)

Santino

b)

Santana

c)

Samaritano

d)

Santiago

27.

“Pero hindi nilikha ang tao para magapi,” sabi niya. “Maaaring wasakin ang

isang tao pero hindi siya magagapi.” Ang naturang pahayag ay nagpapahiwatig

na _______.

a)

hindi dapat magpatalo sa hamon ng buhay.

b)

kung may dilim may liwanag ding masisilayan.

c)

may pagsubok mang dumating, matatag pa rin itong kahaharapin.

d)

nilikha tayo para lumaban at hindi para masaktan lamang.

28.

“Huwag kang mag-isip, tanda,” malakas niyang sabi. “Magpatuloy ka sa

paglalayag at harapin ang anumang dumating.” Ang pahayag ay nagpapakita

ng uri ng tunggaliang

a)

tao vs tao

b)

tao vs sarili

c)

tao vs kalikasan

d)

tao vs lipunan

29.

Ang Tema sa binasang "Ang matanda at ang Dagat" ni Ernest Hemingway

a)

pananampalataya

b)

pagmamahal

c)

katatagan ng loob

d)

katapatan

30.

Ang nobelang "Ang matanda at ang Dagat" ay isang Teoryang_____.

a)

Klasismo

b)

Realismo

c)

Idealismo

d)

Romantisismo

31.

Ito ay akdang pampanitikan na naglalahad ng pananaw at opinyon tungkol sa tiyak na paksa

a)

ANEKDOTA

b)

SANAYSAY

c)

MAIKLING KUWENTO

32.

Ito ay bahagi ng sanaysay na madalas inilalahad ang pangunahing kaisipan o pananaw ng may akda.

a)

PANIMULA

b)

GITNA O KATAWAN

c)

WAKAS

33.

Nakapaloob sa bahaging ito ang kabuuan ng sanaysay, ang pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa katibayan at katuwirang inisa-isa sa katawan ng akda.

a)

PANIMULA

b)

GITNA O KATAWAN

c)

WAKAS

34.

Uri ng sanaysay na tumatalakay sa mga paksang karaniwan, personal at pang-araw-araw na nagbibigay ng lugod o mapang-aliw sa mga mambabasa

a)

Pormal

b)

Di Pormal

35.

Uri ng Sanaysay na tumatalakay sa mga seryosong paksa na nagtataglay ng masusing pananaliksik ng sumulat.

a)

Pormal

b)

Di Pormal

36.

Inilalahad sa bahaging ito ang iba pang karagdagang kaisipan o pananaw kaugnay ng tinalakay na paksa upang patunayan o suportahan ang inilahad na pangunahing kaisipan.

a)

PANIMULA

b)

GITNA O KATAWAN

c)

WAKAS

37.

Elemento ng sanaysay na tumutukoy sa paksa.

a)

Kaisipan

b)

Tema

c)

Wika at Estilo

38.

Elemento ng Sanaysay na tumutukoy sa mga ideyang nabanggit na nagpapalinaw ng tema.

a)

ANYO AT ESTRUKTURA

b)

WIKA AT ESTILO

c)

KAISIPAN

39.

Elemento ng sanaysay na nagpapahiwatig ng kulay o kalikasan ng damdamin. Maaaring malungkot ,masaya at iba pa.

a)

HIMIG

b)

KAISIPAN

c)

WIKA AT ESTILO

40.

Ang layunin ng TALUMPATI ay MAKAPAGLAHAD NG KAISIPAN at DAMDAMIN ukol sa isang paksa sa pamamagitan ng PAGBIGKAS.

a)

TAMA

b)

MALI

41.

Ang mga sumusunod ay hangarin ng talumpati, MALIBAN sa:

a)

Makapagbigay ng Kabatiran

b)

Makapagturo o Makapagpaliwanag

c)

Makapanghikayat

d)

Mangutya

e)

Manlibang

42.

Sa pagtatalumpati, dapat alamin kung anong KLASE ang iyong tagapakinig.

a)

TAMA

b)

MALI

43.

Ito ang paraan ng pagbigkas ng talumpati na ginagamit sa mga kumbensyon, seminar at programa sa pagsasaliksik kaya pinag-aaralan itong mabuti at dapat na nasusulat. Kailangan ang matagal na panahon sa paghahanda ng talumpati sapagkat ito ay itinatala.

a)

Biglaang Talumpati (Impromptu)

b)

Manuskrito

c)

Isinaulong Talumpati

44.

Sa pagsulat ng balangkas ng talumpati, HINDI MAHALAGA na mapukaw o matawag ang pansin ng mga tagapakinig, dahil mas importante ang mensahe.

a)

TAMA

b)

MALI

45.

Dapat na IWASAN ang NAPAKAHABANG talumpati. Ito ay dapat na MAIKLI at HINDI MALIGOY.

a)

TAMA

b)

MALI

46.

Maaaring wakasan ang talumpati sa isang tanong, hamon, o quotation na titimo sa kanilang puso at mag-iiwan ng impresyon sa kanilang isipan.

a)

TAMA

b)

MALI

47.

Sa pagbigkas ng talumpati, ang tinig ay dapat nanggagaling sa diaphragm.

a)

TAMA

b)

MALI

48.

Mahalaga ang timing sa pagkumpas sa pagtatalumpati.

a)

TAMA

b)

MALI

49.

Ito ay isang masining na pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang mahalaga at napapanahong paksa sa paraang pasalita sa harap ng tagapakinig.

a)

Impromptu

b)

Talumpati

c)

Ekstemporenyo

d)

Pinaghandaan

50.

Kadalasang binibigkas pagkatapos ng isang salu-salo. Nagpapatawa ang nagtatalumpati sa pamamagitan ng anekdota o maikling kuwento.

a)

Talumpating Nagbibigay-galang

b)

Talumpating Nanghihikayat

c)

Talumpating Pampalibang

d)

Talumpating Pangkabatiran

51.

Ang layunin ng talumpating ito ay magbigay ng impormasyon ukol sa isang paksa. Hindi kinakailangan ang opinyon ng mananalumpati habng isinasalaysay ito.

a)

Talumpating Pampalibang

b)

Talumpating Pangkabatiran

c)

Talumpating Nanghihikayat

d)

Talumpating Papuri

52.

Ginagamit kalimitang sa mga debate dahil ang pangunahing layunin ng talumpating manghikayat sa manood na sumang-ayon sa opinyon ng mananalumpati.

a)

Talumpating Nanghihikayat

b)

Talumpating Nagbibigay-galang

c)

Talumpating Papuri

d)

Talumpating Pampalibang

53.

Talumpating hindi pinaghandaan.

a)

Impromptu

b)

Ekstemporenyo

c)

Pinaghandaan

54.

May maikling panahon na ibinigay sa mananalumpati upang pag-isipan ang sasabihin.

a)

Impromptu

b)

Ekstemporenyo

c)

Pinaghandaan

55.

Isinulat, binabasa o isinaulo ang talumpati ay may sapat na pag-aaral at ensayo sa paksa.

a)

Impromptu

b)

Ektemporenyo

c)

Pinaghandaan

56.

Bahagi at Elemento ng Talumpati, ito ay tinatawag na introduksyon. Layunin nito na kunin ang atensyon ng mga tagapakinig at ipakilala ang mensahe ng talumpati.

a)

Panimula

b)

Paglalahad at Paninindigan

c)

Konklusyon

d)

Buod

57.

Bahagi at Elemento ng Talumpati, ito ay ang pinaka puso ng talumpati dahil dito nakapaloob ang mga makabuluhang punto at patoo ng mananalumpati ukol sa isang usapin.

a)

Panimula

b)

Paglalahad at Paninindigan

c)

Konklusyon

d)

Buod

58.

Bahagi at Elemento ng Talumpati, bahaging naglalagom ng lahat ng kaisipan at kaalaman na napapaloob sa talumpati

a)

Panimula

b)

Paglalahad at Paninindigan

c)

Konklusyon

d)

Buod

59.

Mga dapat tandaan sa pagbigkas ng talumpati, ito ay tumutukoy sa tamang pagtayo at pagharap sa harap ng madla.

a)

Tikas at Tindig

b)

Kilos at Galaw

c)

Kumpas

d)

Tinig at Bigkas

e)

Mukha

60.

Mga dapat tandaan sa pagbigkas ng Talumpati, tumutukoy sa pagpihit ng katawan habang bumibigkas; kasama na rito ang ilang paghakbang kung hinihingi ng mga linya.

a)

Tikas at Tindig

b)

Kilos at Galaw

c)

Kumpas

d)

Tinig at Bigkas

e)

Mukha

61.

Mga dapat tandaan sa pagbigkas ng talumpati, galaw ng kamay ng mananalumpati.

a)

Tikas at Tindig

b)

Kilos at Galaw

c)

Kumpas

d)

Tinig at Bigkas

e)

Mukha

62.

Mga dapat tandaan sa pagbigkas ng talumpati, kailangan malinaw, masigla at buhay ang tinig upang mahikayat na makinig ang manonood.

a)

Tikas at Tindig

b)

Kilos at Galaw

c)

Kumpas

d)

Tinig at Bigkas

e)

Mukha

63.

Isa sa puso ng talumpati na ipinapakita ang pagkakaiba at pagkakatulad sa ibang paksain.

a)

Spatial

b)

Kronolohikal

c)

Sanhi at Bunga

d)

Paghahambing

e)

Paghahalimbawa

64.

Isa sa puso ng talumpati na nagsisimula sa isang tiyak na pangyayari sa nakaraan hanggang sa kasalukuyan. Inaayos dito ang tamang paghahanay ng teksto.

a)

Spatial

b)

Kronolohikal

c)

Sanhi at Bunga

d)

Paghahambing

e)

Paghahalimbawa

65.

Isa sa mga puso ng talumpati kung saan isinasaayos ang detalye ayon sa lokasyon.

a)

Spatial

b)

Kronolohikal

c)

Sanhi at Bunga

d)

Paghahambing

e)

Paghahalimbawa

66.

Maglaan ng oras sa paghahanda. Ilang paalala na dapat isaisip sa biglaang talumpati.

a)

Tama

b)

Mali

67.

Magkaroon ng tiwala sa sarili, tingnan ang buong paligid at ngumiti sa mga tagapakinig. tumindig nang maayos. kailangan ang kamay ay nasa bulsa.

a)

Tama

b)

Mali

68.

Bagalan ang pagsasalita. Nakakatulong sa iyo na mag-isip kung ano ang susunod mong sasabihin.

a)

Tama

b)

Mali

69.

Ang mga kaisipan sa pagsasagawa ng talumpati ay puweding hanguin mula sa isang pananaliksik, pagbabasa, pakikipanayam, pagmamasid o sariling karanasan.

a)

Tama

b)

Mali

70.

Ang buong klase ay pinayuhang pumunta sa loob ng bulwagan upang dumalo sa pagpupulong.

a)

Komplemento/Kaganapan (Ganapan)

b)

Komplemento/Kaganapan (Sanhi)

c)

Komplemento/Kaganapan (Direksyunal)

d)

Komplemento/Kaganapan (Layon)

71.

Dahil sa kaba, hindi ko maayos na nabigkas ang aking talumpati sa harap ng klase.

a)

Atribusyon o Modipikasyon

b)

Pariralang Nagpapahayag ng Pagmamay-ari

c)

Pariralang Lokatibo o Panlunan

d)

Kaganapan o Komplemento (Sanhi)

72.

Si Dr. Jose P. Rizal pala ang may akda ng tanyag na nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

a)

Ingklitik

b)

Pang-abay

c)

Komplemento o Kaganapan

d)

Panaguri

73.

Tuwing araw ng Linggo, ang buong pamilya ni Joseph ay pumupunta sa parke sa Maynila upang masulit ang araw na sila ay magkakasama.

a)

Komplento/Kaganapan (Ganapan)

b)

Komplento/Kaganapan (Direksyunal)

c)

Pariralang Lokatibo/Panlunan

d)

Atribusyon o Modipikasyon

74.

Sinulat ng mga mag-aaral ang mga aralin na nakapaskil sa kanilang pisara.

a)

Komplemento/Kaganapan (Tagaganap)

b)

Komplemento/Kaganapan (Tagatanggap)

c)

Komplemento/Kaganapan (Layon)

d)

Komplemento/Kaganapan (Sanhi)

75.

Si Hazel ay mahusay na nagtalumpati sa buong paaralan sa araw ng kanilang pagtatapos.

a)

Komplemento/Kaganapan (Layon)

b)

Atribusyon o Modipikasyon

c)

Ingklitik

d)

Pang-abay

76.

Masayang pinanonood ng madla ang nagsasayawang grupo ng kabataan.

a)

Pariralang Nagpapahayag ng Pagmamay-ari

b)

Pang-abay

c)

Atribusyon o Modipikasyon

d)

Pariralang Lokatibo/Panlunan

77.

Si Aleng Nena ay talagang natuwa sa mga murang kagamitan sa kanilang palengke kaya marami siyang nabili gamit ang perang kaniyang inipon sa loob ng isang buwan.

a)

Komplemento/Kaganapan (Layon)

b)

Komplemento/Kaganapan (Kagamitan)

c)

Komplemento/Kaganapan (Direksyunal)

d)

Komplemento/Kaganapan (Tagaganap)

78.

Tumakbo si Allen papasok sa paaralan dahil siya ay mahuhuli na sa kanyang klase.

a)

Komplemento/Kaganapan (Sanhi)

b)

Pariralang Lokatibo o Panlunan

c)

Komplemento/Kaganapan (Direksyunal)

d)

Komplemento/Kaganapan (Ganapan)

79.

Muntik nang matapon ang isnag kilong bigas na binili ni Maria dahil sa nakaharang na bato sa daan.

a)

Komplemento/Kaganapan (Sanhi)

b)

Komplemento/Kaganapan (Kagamitan)

c)

Komplemento/Kaganapan (Tagaganap)

d)

Ingklitik

80.

Sa utos ng kanyang ama, inayos ni Joshua ang pinto ng kanilang bahay.

a)

Komplemento/Kaganapan (Kagamitan)

b)

Ingklitik

c)

Pang-abay

d)

Komplemento/Kaganapan (Layon)

81.

Nagkuwentuhan ang magkakaibigan tungkol sa kanilang mga alagang hayop kagabi habang sila pauwi sa kanilang mga bahay.

a)

Pang-abay

b)

Panaguri

c)

Ingklitik

d)

Attibusyon o Modipikasyon

82.

Nagtampisaw ang mga bata sa ulan sa gilid ng bakanteng lote sa kanilang lugar.

a)

Komplemento/Kaganapan (Ganapan)

b)

Pariralang Lokatibo o Panlunan

c)

Komplemento/Kaganapan (Direksyunal)

d)

Pang-abay

83.

Pinalo ni Mang Kulas ang kaniyang makukulit na anak sa pamamagitan ng kanyang hawak na diyaryo.

a)

Komplemento/Kaganapan (Layon)

b)

Komplemento/Kaganapan (Sanhi)

c)

Komplemento/Kaganapan (Ganapan)

d)

Komplemento/Kaganapan (Kagamitan)

84.

Pinaalis ni Alice ang nag-iingay na mga mag-aaral sa tapat ng kanilang bahay.

a)

Pang-abay

b)

Atribusyon o Modipikasyon

c)

Ingklitik

d)

Pariralang Nagpapahayag ng Pagmamay-ari

85.

Namitas ng bayabas sila Juan at Jojo para sa kanilang mga magulang.

a)

Komplemento/Kaganapan (Layon)

b)

Komplemento/Kaganapan (Sanhi)

c)

Komplemento/Kaganapan (Tagaganap)

d)

Komplemento/Kaganapan (Tagatanggap)

86.

Inayos ng mga tao ang nasalantang paaralan sa kanilang lugar nang dumating ang malakas na bagyo.

a)

Pang-abay

b)

Pariralang Nagpapahayag ng Pagmamay-ari

c)

Pariralang Lokatibo o Panlunan

d)

Komplemento/Kaganapan (Ganapan)

87.

Hindi sinasadyang masira ng bata ang laruan na iniregalo sa kanya ng kaniyang magulang noong kaarawan niya.

a)

Komplemento/Kaganapan (Layon)

b)

Pang-abay

c)

Ingklitik

d)

Komplemento/Kaganapan (Sanhi)

88.

Sinikap ni Anna na makapagtapos ng pag-aaral upang maiahon niya sa hirap ang kaniyang pamilya.

a)

Komplemento/Kaganapan (Tagatanggap)

b)

Komplemento/Kaganapan (Layon)

c)

Komplemento/Kaganapan (Tagaganap)

d)

Komplemento/Kaganapan (Kagamitan)

89.

Maraming kabataan ang nasasangkot sa droga dahil sila ay nagkukulang sa gabay ng kanilang mga magulang.

a)

Komplemento/Kaganapan (Sanhi)

b)

Pariralang Lokatibo o Panlunan

c)

Atribusyon o Modipikasyon

d)

Komplemento/Kaganapan (Layon)

90.

Ano ang paraan ng pagpapalawak ng pangungusap ang ginamit sa pangungusap na ito: Siya pala ang pangulo sa Brazil.

a)

ingklitik

b)

kaganapang layon

c)

kaganapang ganapan

d)

pang-abay

91.

Ito ay bahagi ng pananalita na nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-abay.

a)

Pang-abay

b)

Pangngalan

c)

Pangatnig

d)

Panghalip

92.

Ito ay bahagi ng pananalita na nagbibigay paglalarawan sa pangngalan.

a)

Pang-abay

b)

Panghalip

c)

Pang-uri

d)

Pandiwa

93.

Ito ay mga salitang nagpapahayag tungkol sa paksa ng pangungusap.

a)

Panaguri

b)

Pang-uri

c)

Pabgatnig

d)

Ingklitik

94.

Ito ay bahagi ng pananalita na humahalili sa pangngalan.

a)

Pandiwa

b)

Pang-uri

c)

Pang-abay

d)

Panghalip

95.

Ito ay bahagi ng pananalita na nagbibigay ngalan sa tao, bagay, hayop, lugar, pangyayari at iba pa.

a)

Panghalip

b)

Pang-abay

c)

Pangngalan

d)

Pang-uri

96.

Ito ang tawag sa mga katagang paningit na lagging sumusunod sa unang pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri o pang-abay

a)

Parirala

b)

Ingklitik

c)

Pangatnig

d)

Pang-abay

97.

Ito ay bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa pinag-uusapan sa pangungusap.

a)

Panaguri

b)

Pangatnig

c)

Paksa

d)

Ingklitik

98.

Ito ang tawag sa pariralang pangngalan na nasa panguri na may kaugnayan sa ikagaganap o ikalulubos ng kilos ng pandiwa.

a)

Komplemento o Kaganapan

b)

Atribusyon o Modipikasyon

c)

Pariralang Lokatibo o Panlunan

d)

Pang-abay

99.

Ito paraan ng pagpapalawak ng pangungusap kung saan may paglalarawan sa paksa ng pangungusap.

a)

Komplemento o Kaganapan

b)

Atribusyon o Modipikasyon

c)

Pariralang Lokatibo o Panlunan

d)

Pang-abay

100.

Ito ay lipon ng mga salita na nagpapahayag ng kumpletong diwa at binubuo ng paksa at panaguri.

a)

Sanaysay

b)

Talata

c)

Akdang Pampanitikan

d)

Pangungusap

101.

Dito ay maaaring makipag-ugnayan sa mga taong miyembro rin ng nasabing social network.

a)

Social news

b)

Social networking

c)

Microblogging

d)

Media Sharing

102.

Dito ay maaaring mag-upload at mag-share ng iba’t ibang anyo ng media tulad ng video.

a)

Social networking

b)

Media Sharing

c)

Microblogging

d)

Blog

103.

Dito makakapag-post ng maikling update.

a)

Social news

b)

Blog

c)

Microblogging

d)

Media Sharing

104.

Ito ay maihahalintulad sa isang pansariling journal o talaarawang ibinabahagi sa buong mundo.

a)

Blog

b)

Social news

c)

Social networking

d)

Microblogging

105.

Dito maaaring makapag post ng mga balita, artikulo, o link sa mga artikulo na hindi naka-copy at paste.

a)

Social networking

b)

Media Sharing

c)

Microblogging

d)

Social news