wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP 10 Worksheet No.4

Total questions: 25

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

Ang katotohanan ay sumasakasaysayan dahil hindi hiwalay ang katotohanan sa tao, at sa mga katoto na nakaaalam nito.

a)

TAMA

b)

MALI

2.

Ang sumasakasaysayan ay sumasakop sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap.

a)

TAMA

b)

MALI

3.

Wala sa mundong ito ang nagtatagal kahit ang ugnayang nabuo natin sa ibang tao.

a)

TAMA

b)

MALI

4.

Ang ugnayan natin sa iba ay nabubuo sa pamamagitan ng pagtutulungan para sa kabutihang panlahat.

a)

TAMA

b)

MALI

5.

Ang paghahanap ng isip sa kanyang tunay na tunguhin ay hindi nagtatapos. Ang pahayag ay:

a)

Mali, dahil natatapos na ito sa pagkamatay ng tao

b)

Tama, dahil ang isip ng tao ay hindi perpekto, mayroon itong hangganan

c)

Tama, dahil hindi katulad ng katawan, ang isip ay hindi tuluyang nagpapahinga

d)

Mali, dahil kapag naabot na ng tao ang kanyang kaganapan ay hihinto na ang kanyang paghahanap sa kanyang tunay na tunguhin

6.

Ang sumsusunod ay katangian ng isip maliban sa:

a)

Ang isip ay may kapangyarihang mag-alaala.

b)

Ang isip ay may kapangyarihang mangatwiran.

c)

Ang isip ay may kapangyarihang maglapat ng mga pagpapasya.

d)

Ang isip ay may kapangyarihang umunawa sa kahulugan ng buhay

7.

Analohiya: Isip: kapangyarihang mangatwiran – kilos-loob : ___________

a)

kapangyarihang magnilay, sumagguni, magpasya at kumilos

b)

kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili

c)

kapangyarihang magnilay, pumili, magpasya at isakatuparan ang pasya

d)

kapangyarihang makadama, kilalanin ang nadarama at ibahagi ang nadarama

8.

Ang halaman at hayop ay ganap na nilikha ng Diyos. Ang pahayag ay:

a)

Tama, dahil lahat ng mga ito ay nilikhang may buhay ng Diyos

b)

Mali, dahil ang halaman at hayop ay hindi ipinanganak at walang mga magulang

c)

Mali, dahil may mga bagay na taglay ang tao higit pa sa mabuhay , maging malusog at makaramdam.

d)

Tama, dahil katulad ng tao ay may pangangailangan din silang alagaan upang lumaki, kumilos at dumami.

9.

Sa pamamagitan ng kilos-loob nahahanap ng tao ang ________________.

a)

kabutihan

b)

katotohanan

c)

kaalaman

d)

karunungan

10.

Ang kilos-loob ay bulag. Ang pahayag ay:

a)

Tama, dahil wala itong taglay na panlabas na kamalayan

b)

Mali, dahil nakikilala nito ang gawang mabuti at masama

c)

Mali, dahil may kakayahan itong hanapin ang kanyang tunguhin

d)

Tama, dahil umaasa lamang ito sa ibinibigay na impormasyon ng isip

11.

Ano ang kakayahan ng isip na layong makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan?

a)

Mag-isip

b)

Makaunawa

c)

Maghusga

d)

Mangatwiran

12.

Ang tao ay may tungkuling _________________________, ang isip at kilosloob.

a)

Sanayin, paunlarin at gawing ganap

b)

Kilalanin, sanayin, at gawing ganap

c)

Kilalanin, sanayin, paunlarin at gawing ganap

d)

Wala sa nabanggit

13.

Ang ________ ay isang gawi o kilos na kailangan ng patuloy na pagsasagawa hanggang ito ay maging isang birtud.

a)

Pasasalamat

b)

Pagpapahalaga

c)

Pagtulong

d)

Pagsasabuhay

14.

Panuto: Sino ang unang pinasasalamatan mo sa buhay ayon sa iyong pagpapahalaga.

a)

Pamilya

b)

Kaibigan

c)

Panginoon

d)

Guro

15.

Panuto: Sino ang Pangalawang pinasasalamatan mo sa buhay ayon sa iyong pagpapahalaga.

a)

Pamilya

b)

Kaibigan

c)

Panginoon

d)

Guro

16.

Basahin at suriing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang wastong sagot.

Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, dahil sa lipunan ay nakakamit ng tao ang

kanyang____.

a)

pangarap

b)

motibasyon

c)

kapakanan

d)

kaganapan

17.

Ayon parin sa 1 Juan 5:11-13, Paano tayo makatitiyak na tayo ay may buhay na walang hanggan?

a)

Sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Diyos (si Jesus)

b)

Kung magiging mabuting tao

c)

Sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan

18.

Ang pamahalaan ay nagtatalaga ng ahensiya na siyang nangunguna sa pangangasiwa ng ating kalikasan at kapaligiran. Ano ito?

a)

DepEd

b)

DENR

c)

DFA

19.

Anong batas ang nangangalaga sa mga korales?

a)

Coral Resources Development and Conservation Decree (PD 1219/PD1698) Ang batas na ito ay naglalayong protektahan ang mga yamang koral sa katubigan ng Pilipinas.

b)

Republic Act 428. Ito ay isang batas na nagbabawal sa pagbebenta o pagbibili ng isda o ibang yamang-dagat na pinatay sa pamamagitan ng dinamita o paglalason.

c)

PD 705 o Selective Logging. Isa sa mga batas sa ilalim ng PD 705 ay ang batas ukol sa selective logging, o ang pagpili lamang sa kung anong puno ang maaaring putulin at kung ano ang dapat iwanan.

20.

Anong batas ang pinagbabawal ang dynamite fishing?

a)

Coral Resources Development and Conservation Decree (PD 1219/PD1698) Ang batas na ito ay naglalayong protektahan ang mga yamang koral sa katubigan ng Pilipinas.

b)

Republic Act 428. Ito ay isang batas na nagbabawal sa pagbebenta o pagbibili ng isda o ibang yamang-dagat na pinatay sa pamamagitan ng dinamita o paglalason.

c)

PD 705 o Selective Logging. Isa sa mga batas sa ilalim ng PD 705 ay ang batas ukol sa selective logging, o ang pagpili lamang sa kung anong puno ang maaaring putulin at kung ano ang dapat iwanan.

21.

Ano ang batas tungkol sa pagpili ng puputuling puno?

a)

Coral Resources Development and Conservation Decree (PD 1219/PD1698) Ang batas na ito ay naglalayong protektahan ang mga yamang koral sa katubigan ng Pilipinas.

b)

Republic Act 428. Ito ay isang batas na nagbabawal sa pagbebenta o pagbibili ng isda o ibang yamang-dagat na pinatay sa pamamagitan ng dinamita o paglalason.

c)

PD 705 o Selective Logging. Isa sa mga batas sa ilalim ng PD 705 ay ang batas ukol sa selective logging, o ang pagpili lamang sa kung anong puno ang maaaring putulin at kung ano ang dapat iwanan.

22.

Alin sa mga ito ang HINDI KABILANG sa mga paraan upang makatulong ang iyong pamilya sa pagbawas ng paggamit ng plastik?

a)

Pagdadala ng ecobag kapag mamimili

b)

Pagdadala ng sariling “tumbler” o lalagyan ng tubig

c)

Paggamit ng plastik na kutsara at tinidor kapag kakain sa labas

d)

Paggamit ng sariling “straw” na gawa sa metal o kawayan kapag bibili ng milktea

23.

Ang mga epekto ng gawaing ito ay pagguho ng lupa, pagbaha at pagkawala ng tirahan ng mga hayop. Anong gawain ito?

a)

Labis na pagpuputol ng mga puno

b)

Paggamit ng dinamita sa pangingisda

c)

Pagbuga ng maitim na usok ng mga sasakyan

24.

Habang namamasyal sa isang parke, nakita mo ang isang gripo ng bukas kahit wala namang gumagamit. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Hayaan lamang na bukas ito

b)

Maghintay ng “Kuya” o “Ate” na magsasara ng gripo

c)

Isara ang gripo at magpatulong kung hindi ito kayang abutin

25.

Ang pinakamalaking hadlang sa kalayaan ay hindi ang nagmumula sa labas ng tao kundi ang nagmumula mismo sa loob ng tao. Ano ang nais ipakahulugan nito?

a)

Ang kalayaan ay matatagpuan sa sarili

b)

Nakahahadlang ang kapwa sa pagkamit ng kalayaan.

c)

Niloob ng tao ang antas ng kaniyang pagiging malaya.

d)

Ang hadlang sa pagiging malaya ay ang sarili niyang pag-uugali.