wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

2nd Quarter-AP#3

Total questions: 25

Worksheet time: 9mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan?

a)

Pamumuhay na nakagawian at pinaunlad ng maraming pangkat ng tao.

b)

Pamumuhay ng tao na binago ang kapaligiran.

c)

Pamumuhay na nakagawian bunga ng pagtira sa kuweba at kagubatan.

d)

Pamumuhay na nakagisnan mula pagsilang hanggang kamatayan.

2.

Paano nabubuo ang isang kabihasnan?

a)

Nang ang mga tao ay umasa sa biyaya ng kapaligiran at ginawang diyos ang mga elemento ng kalikasan.

b)

Sa pagkakaroon ng organisadong pamahalaan, relihiyon, uring panlipunan, nabuo sa lunsod at sistema ng pagsulat.

c)

Nagsimulang magkaroon ng maayos na pamumuhay at nabago ang kapaligiran.

d)

Kapag nagkaroon ng pagliit ng populasyon at napangkat ang tao ayon sa kakayahan.

3.

Alin ang isang “paglalahat”?

a)

Nagbigay ng tubig para sa agrikultura ang ilog Tigris at Euphrates.

b)

Mayroong panahon ng pagbaha sa lugar na malapit sa ilog.

c)

Nakaaapekto ang heograpiya sa pamumuhay ng mga tao.

d)

Madalas na nilulusob ang Mesopotamia.

4.

Ang mga lungsod ng Mohenjo-Daro at Harappa ay sumibol malapit sa ilog Indus. Bakit kulang ang kaalaman tungkol sa kabihasnang Indus?

a)

Walang nakitang tala ukol sa pangalan ng kanilang hari at reyna.

b)

Hindi maintindihan ang kahulugan o kung paano basahin ang kanilang sistema ng pagsulat.

c)

Palayok at alahas lamang ang artifacts na nahukay ng mga arkeologo.

d)

Sa pagsalakay ng mga Aryans, walang bakas na natira sa mga naturang lunsod.

5.

Unang nanirahan ang mga tao sa mga lambak-ilog sapagkat

a)

mataba ang lupa rito

b)

kaya nitong tustusan ang pangangailangan ng tao

c)

madaling maglakbay at makipagkalakalan

d)

may malamig na klima

6.

Ang patunay ng pagiging sentralisado ng pamahalaan ng mga Dravidian ay ipinapakita sa mga sumusunod MALIBAN sa:

a)

Pare-parehong sukat ng bloke ng kabahayan at grid-patterned na lansangan.

b)

Isa o higit pang banyo na nakakonekta sa imburnal sa ilalim ng lupa.

c)

Malaking bulwagan at pampublikong paliguan.

d)

Matataas na tore at imbakan ng mga sandatang pandigma.

7.

Ang mga sinaunang tao ay naniniwala sa maraming diyos. May diyos ng araw, buwan at iba pa. Ang dahilan nito ay

a)

bahagi iyon ng kanilang tradisyong kinagisnan

b)

ang paniniwalang mas maraming diyos mas mabuti

c)

mamalasin ang sinuman na hindi sasamba

d)

sinasamba ang anumang bagay na nakatutugon sa kanilang pangangailangan

8.

Bakit tinatawag na templong-estado ang mga lunsod-estado ng Sumer?

a)

Dahil ang mga Sumerian ay nakatira sa mga ziggurat sa lunsod.

b)

Dahil nagsasarili ang bawat lunsod at ang sentro ng lipunan ay nakatuon sa relihiyon.

c)

Dahil mahalaga ang naging papel na ginampanan ng mga paring-hari sa lipunan at pamahalaan.

d)

Dahil sila ay naniniwala sa maraming diyos at diyosa.

9.

Sinasabing ang sibilisasyong Sumerian ay hindi mananatili o mabubuo man lang kung walang

a)

pamahalaan

b)

relihiyon

c)

ekonomiya

d)

lipunan

10.

Ang Mesopotamia ay nasa silangan. Tinawag ng mga Griyego (Greeks) na “Mesopotamia” ang mayamang lupain sapagkat:

a)

ang lupain ay nasa pagitan ng dalawang ilog

b)

ang lupain ay laging binabaha

c)

ang lupain ay nasa ibabaw ng mga talampas

d)

ang lupain ay mayaman sa natural resources

11.

Pagsunud-sunurin.


1 Indus

2 Shang

3 Sumer

a)

321

b)

123

c)

312

d)

231

12.

II. Tukuyin kung ang mga sumusunod ay may kaugnayan sa Sumer, Indus, o Shang.


Laganap na pagsamba sa mga namatay na ninuno.

a)

Sumer

b)

Indus

c)

Shang

13.

Nakatuklas ng gulong na nakapagpabago sa takbo ng transportasyon.

a)

Sumer

b)

Indus

c)

Shang

14.

May mga imburnal at kanal ang malalawak na daan.

a)

Sumer

b)

Indus

c)

Shang

15.

Nagpatayo ng mga arko at column.

a)

Sumer

b)

Indus

c)

Shang

16.

Paniniwala sa kabilang buhay.

a)

Sumer

b)

Indus

c)

Shang

17.

May lansangang nakadisenyong kwadrado (grid-patterned).

a)

Sumer

b)

Indus

c)

Shang

18.

Naniniwalang ang kabundukan ay siyang sentro ng kapangyarihang supernatural sa mundo.

a)

Sumer

b)

Indus

c)

Shang

19.

Mahilig maglibang at maglaro base sa mga artifact na laruan.

a)

Sumer

b)

Indus

c)

Shang

20.

Paniniwala sa panghuhula para malaman ang pangyayari sa hinaharap.

a)

Sumer

b)

Indus

c)

Shang

21.

Nasa gitna ng lunsod ang mga pampublikong gusali at tirahan ng mga opisyal.

a)

Sumer

b)

Indus

c)

Shang

22.

Bawat lunsod ay may espesyal na diyos o diyosa na nagsisilbing parang patron.

a)

Sumer

b)

Indus

c)

Shang

23.

Matatagpuan ang pampublikong paliguan at bodega ng pagkain.

a)

Sumer

b)

Indus

c)

Shang

24.

Lahat ng bahay ay may sariling balon, maayos na daluyan ng tubig at banyo.

a)

Sumer

b)

Indus

c)

Shang

25.

Paggamit ng bronse sa iba’t ibang sisidlan, sandata at baluti.

a)

Sumer

b)

Indus

c)

Shang