wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Mga Pagbabagong Naganap sa Gitnang Panahon Part I

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay tumutukoy sa sistemang sosyo-politiko at militar na sagot sa pangangailangan ng Europe sa Gitnang Panahon.

a)

Hari

b)

Sultanato

c)

Fief

d)

Piyudalismo

2.

Ito ay itinuturing na panahong nag-uugnay sa sinauna at makabagong panahon sa Europe.

a)

Dark Ages

b)

Panahong Klasikal

c)

Panahong Medieval

d)

Panahong Bato

3.

Ano ang layunin ng edukasyon noong Gitnang Panahon?

a)

Upang maging tapat na tagasilbi ng hari.

b)

Paraan ito upang lumawak ang isip ng mga tao.

c)

Upang maging mabuting mamamayan ang mga tao.

d)

Ito ay paghahanda para sa pagsisilbi sa Simbahan.

4.

Sino ang nakilalang pinakamahusay na pinuno sa Panahong Medieval?

a)

Charlemagne

b)

Charles Martel

c)

Pepin II

d)

Clovis

5.

Katawagan para sa mga hindi sumusunod o naniniwala sa mga doktrina at katuruan ng Simbahang Katoliko

a)

Deboto

b)

Erehe

c)

Misyonero

d)

Kabalyero

6.

Ayon sa kaniya, nagsisimula sa pagdududa at pagtatanong na susundan pa ng mas maraming tanong ang daan tungo sa katotohanan at karunungan.

a)

Albertus Magnus

b)

Thomas Aquinas

c)

Peter Abelard

d)

Jerome

7.

Ito ay ang pinakamahalagang yaman at sukatan ng kapangyarihan noong Medieval Period.

a)

Ginto

b)

Lupa

c)

Kabayo

d)

Korona

8.

Sila ay mga taong iniwan ang makamundong buhay at namuhay sa panata ng karalitaan, kalinisan at pagsunod.

a)

kabalyero

b)

alipin

c)

burgis

d)

monghe

9.

Ano ang karaniwang tema ng mga likhang sining noong Gitnang Panahon?

a)

Mga kuwento mula sa Bibliya.

b)

Mga buhay ng mga pari at monghe.

c)

Ito ay batay sa buhay ng mga hari o reyna.

d)

Mga pagsubok na nararanasan ng mga tao.

10.

Ano ang tawag sa pangkat ng kalalakihang maginoo na siyang nagsilbing mandirigma at tagapagtanggol ng kaharian, kababaihan at mahihina noong Medieval Period?

a)

King

b)

Knight

c)

Slave

d)

Vassal

11.

Isang ekspedisyong militar na inilunsad ng mga Europeo upang bawiin ang Jerusalem mula sa mga Seljuk Turk.

a)

Krusada

b)

Interdict

c)

Inquisition

d)

Monastisismo

12.

Alin sa sumusunod ang nakatulong upang dumaloy ang mga kaisipan na nagmula sa ibang bahagi ng daigdig noong Gitnang Panahon?

a)

Pagpapadala ng mga mag-aaral sa mga malalayong lugar.

b)

Pagkuha ng mga guro mula sa ibang bahagi ng daigdig.

c)

Pagsulat ng mga bagong libro upang pag-aralan ng mga mag-aaral.

d)

Pagsasalin ng mga pag-aaral na ginawa ng mga Arabo at Griyego sa katutubong wika.

13.

Pinaniniwalaang ang imperyong ito ang bumuhay muli sa Imperyong Roman.

a)

Byzantine Empire

b)

Caroligian Empire

c)

Holy Roman Empire

d)

Merovingian Empire

14.

Isang samahan ng mga maestro o dalubhasa sa sining noong Gitnang Panahon.

a)

basilica

b)

teolohiya

c)

unibersidad

d)

iskolastika

15.

Paano matatamo ang lubos na pagkatuto ayon kay Roger Bacon?

a)

Sa pagsunod sa mga itinuturo ng simbahan.

b)

Sa pamamagitan ng obserbasyon at karanasan.

c)

Sa pamamagitan ng pagbabasa ng maraming libro.

d)

Sa pagkakaroon ng malakas na pananampalataya.