wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Mga Halaman Bahagi at Kahalagahan nito sa Tao

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Ang ____________ ay isang uri ng organismo na madalas nating nakikita kahit saang lugar táyo pumunta. Nagbibigay sa atin ng pagkain, nagpapaganda sa paligid at nagbibigay ng oksiheno na ating nilalanghap.

a)

Tao

b)

Hayop

c)

Halaman

2.

May mga halamang hindi

namumulaklak at namumunga. ano ito?

a)

fern at pine tree

b)

papaya, niyog

c)

gumamela, santan

3.

May mga halaman naman

namumulaklak subalit ito ay hindi nagiging bunga. Alin sa halimbawa sa ibaba.

a)

niyog

b)

papaya

c)

gumamela at santan

4.

May iba’t ibang bahagi ang mga halaman. Karamihan sa mga halaman ay may ______________________.

a)

bunga, dahon ugat, sanga, balat

b)

ugat, tangkay, dahon, bulaklak, at bunga.

c)

buto, dahon, tangkay, tinik, bunga

5.

Ang ______________ ay karamihang nása ilalim ng lupa. Nagbibigay ito ng tatag sa halaman sa pagtayo sa lupa, sumisipsip ng tubig at mga mineral mula sa lupa upang padaluyin sa tangkay at mga dahon ng halaman.

a)

ugat

b)

dahon

c)

tangkay

6.

Ang ________________ ang tumatangan sa halaman sa ibabaw ng lupa. Inaalalayan nito ang mga dahon, bulaklak, at bunga ng halaman.

a)

dahon

b)

ugat

c)

tangkay

7.

Ang __________________ ay ang malapad na estruktura o ang bahaging ibabaw nito ay sumasagap ng síkat ng araw.

a)

bulaklak

b)

dahon

c)

tangkay

8.

Ang _______________ ang bahagi na tumutulong sa pagpaparami ng karamihan sa mga halaman o ang tinatawag na reproductive organ ng halaman.

a)

bulaklak

b)

dahon

c)

tangkay

9.

Ang _________________ ang hinog na obaryo ng bulaklak.

a)

buto

b)

dahon

c)

bunga

10.

Ang __________________ ang nagbibigay ng

pagkain sa mga tao at hayop.

a)

ugat

b)

tangkay

c)

halaman

11.

Sa paggawa ng bahay at iba pang bahagi

nito tulad ng pinto, bintana, at poste, ang kasangkapang gamit dito ay gawa mula sa _______________________ .

a)

hayop

b)

punongkahoy

c)

tangkay

12.

Piliin sa ibaba

ang kapakinabangan na nakukuha ng mga tao sa halaman gaya ng panggatong

a)

tela

b)

kahoy

c)

pagkain

13.

Piliin sa ibaba ang kapakinabangan na nakukuha ng mga tao sa halaman.

a)

polusyon

b)

Gamit sa bahay

c)

internet koneksyon

14.

Ang hayop, tao, punò, at halaman ay ___________.

a)

may buhay

b)

walang buhay

c)

walang halaga

15.

Ang bangka, ilog, bola, at lupa ay mga

bagay na ________________ .

a)

walang buhay

b)

may buhay

c)

walang halaga