Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

QUIZ BEE IN AP9

Total questions: 11

Worksheet time: 6mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng ekonomiya sa payak na pananaw.

a)

Ekonomiks

b)

Maykroekonomiks

c)

Normative economics

d)

Makroekonomiks

2.

Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyong gusto at kayang bilhin ng konsyumer sa isang takdang presyo at partikular na panahon

a)

Suplay

b)

Demand

c)

Ceteris paribus

d)

Presyo

3.

Tumutukoy sa dami ng mga produkto o serbisyo na gustong ipagbili ng mga prodyuser sa pamilihan sa isang takdang panahon sa iba't ibang presyo.

a)

Batas ng Demand

b)

Punto

c)

Suplay

d)

Labis

4.

Ito ang karaniwang ipinatutupad ng pamahalaan kung sa tingin nito ay sobrang mataas ang presyo ng kalakal o paglilingkod.

a)

Price Ceiling Policy

b)

Floor Price Policy

c)

Microfinancing

d)

Hoarding

5.

Ito ay tumutukoy sa isang lugar na kung saan may nagaganap na pagpapalitan at interaksiyon sa pagitan ng mamimili at nagbibili kaugnay ng presyo at dami ng produkto at serbisyo.

a)

Simbahan

b)

Ospital

c)

Pamilihan

d)

Paaralan

6.

Anong estruktura ng pamilihan ang may iilan lamang na gumagawa ng halos magkakatulad na produkto tulad ng Mang Inasal,McDonald's, at Jollibee

a)

Ganap na kompetisyon

b)

Hindi ganap na kompetisyon

c)

Kompetisyong Monopolistiko

d)

Oligopoly

7.

Ang interaksiyon sa pagitan ng kurba ng suplay at demand ay nagpapahiwatig na ________

a)

ang presyo ay "stable" o matatag

b)

may sobra sa suplay na magiging dahilan ng pagbaba ng presyo

c)

may kakulangan sa suplay na magiging dahilan ng pagtaas ng presyo

d)

ang dami ng demand ay higit sa dami sa suplay

8.

Ito ang itinuturing na independent variable.

a)

Ekwasyon

b)

Punto

c)

Presyo

d)

Dami

9.

Bakit maaaring bumaba ang demand ng kape kapag tumaas ang presyo ng asukal.

a)

Sapagkat limitado ang produksiyon ng kape kapag mataas ang presyo ng asukal

b)

Sapagkat ang asukal ay walang gamit kung walang kape

c)

Sapagkat ang kape at asukal ay magkaugnay na produkto

d)

Sapagkat ang kape at asukal ay magkatunggaling produkto

10.

Ang floor price policy ay ipinatutupad ng pamahalaan kung sa tingin nito ay sobrang mababa ang presyo ng pinakamababang presyong maaaring ipataw para sa partikular na produkto at serbisyo. Layunin nito na makontrol ang mabilis na pagbaba ng presyo upang matulungan ang mga _________

a)

magsasaka

b)

pamahalaan

c)

konsyumer

d)

prodyuser

11.

Bakit mahalaga ang pagluluwas ng mga produkto sa ibang bansa?

a)

upang maging export dependent ang bansa

b)

upang makalikom ng salapi ang pamahalaan ng dolyar na ipantustos sa mga pangangailangan at serbisyo

c)

para matugunan ang demand ng mga dayuhan sa lokal na produkto

d)

para makatulong sa ibang bansa