NEW
Font size
WorksheetsPagsusulit 6 Dula
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Pinakakaluluwa ng isang dula.
iskrip
aktor
direktor
manunood
Ito ay ang pagkakahati-hati ng isang dula at katumbas nito ay ang kabanata sa isang nobela.
tagpo
yugto
eksena
Panahon at pook kung saan at kailan naganap ang mga pangyayari.
tauhan
sulyap sa suliranin
tagpuan
oras
Namamahala at nagpapakahulugan sa iskrip.
aktor
direktor
manunuod
producer
Pook na pinagdarausan ng dula.
tagpuan
tanghalan
kwarto
lokasyon
Paglabas-pasok ng mga tauhang gumaganap sa tanghalan.
yugto
tagpo
eksena
Ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula.
direktor
tagpuan
tauhan
manunood
Sumasaksi sa pagtatanghal sa dula.
tauhan
tagpuan
manunood
direktor
Pinakamatinding tagpo sa isang dula.
saglit na kasiglahan
sulyap sa suliranin
kasukdulan
wakas
Temüjin: Bakit sa Tribong Merit siya kailangang magmula? Hindi
naman iyon ang ating tribo.
Yesügei: Malaki ang atraso ko sa tribo, kaya‟t sa ganitong paraan
ako‟y makababawi sa kanila.
Anong kulturang Mongolia ang litaw sa diyalogo?
maagang pag-aasawa
pambayad atraso ang anak
pag-iisa ng dalawang tribo bunsod ng kasal
pagpili ng mapangangasawa sa murang edad
Temüjin: Itay ako‟y masyado pang bata para sa bagay na iyan. Ang
kasal ay sa matatanda lamang.
Yesügei: Aba‟t ang batang ito, hindi naman ibig sabihin na kapag
nakapili ka na ng babaing pakakasalan mo ay magsasama na kayo.
Isang simpleng pamimili lamang ng babae ang gagawin mo at
pangakong siya‟y iyong pakakasalan.
Anong pangyayari ang lantad sa bahaging ito ng dula?
pagkumbinsi ng magulang sa anak
pagpapaliwang ng magulang sa anak ukol sa isang paksa
pagpapasya ng magulang para sa anak
pagtatalo ng magulang at anak
Siya ang tinaguriang Genghis Khan na tagapagtatag ng Emperyong Mongolya.
Borte
Yesugei
Temujin
Ang dulang “Munting Pagsinta” ay hinalaw mula sa anong Pilikulang Mongol?
a. The Rise of Yuan Dynasty
b. The Rise of Genghis Khan
c. The Rise of Qing Dynasty
d. The Fall of Genghis Khan
Sa anong Tribo nagmula ang angkan ni Temujin?
a. Merit
b. Kudyapi
c. Borjigin
d. Gokturk
Ano ang pakay ng mag-ama sa pagpunta sa Tribong Merit?
a. upang mamili ng mga bigas
b. Makipag-usap sa lider ng Tribo
c. maghanap ng mapapangasawa ni Yesugei
d. pipili ng mapapangasawa ni Temujin
Sino ang gustong kausapin ng ama ni Temujin?
a. Ang Lider ng Tribong Merit
b. Ang magiging mga ninong at ninang ng dalawa
c. Mga magulang ni Borte
d. ang Pari
Paano tinanggap ni Yesugei ang desisyon ng kanyang anak sa pagpili ng kanyang mapapangasawa?
a. nagalit
b.Nagmamatigas
c. di-nagdalawang-isip sa pagsang-ayon
d. nagkibi’t balikat
Anong ugali ang ipinapakita ni Borte sa ama ni Temujin nang siya’y ipinakilala dito?
a. Magaspang
b. magalang
c. mayabang
d. pasaway
Paano nakumbinsi ni Temujin si Borte na magtiwala sa kanya?
a. Nang pangakuan niya itong bibigyan niya ang babae ng mga alahas.
b. Nang sabihin niya na siya ang kaisa-isang anak ng Hari ng Tribong Borigin
c. Ipinagtapat niya na siya ang pinakamakapangyarihang bata sa kanilang Tribo.
d. Nang tapatin niya ang batang babae na siya ang nais nitong mapangasawa
Bakit nais ni Yesugei na sa Tribong Merit pumili ang kanyang anak ng mapapangasawa?
a. Dahil malaki ang atraso ni Yesugei sa Tribong Merit at nais lamang niyang makabawi
b. nais magkaroon ng lupain ni Yesugei sa Tribong Merit.
c. Maganda kasi ang pangangalakal sa Tribo ng Merit
d. dahil maraming magagandang babae doon.
