WorksheetsPagsasanay: Pangatnig
Total questions: 15
Worksheet time: 5mins
Si Karen ang unang nakarating sa finish line kung natanggap niya ang unang karangalan.
TAMA
MALI
Gaganda ang takbo ng iyong buhay kung susunod ka sa payo ng iyong mga magulang.
TAMA
MALI
Iniwan ni Luis ang kaniyang kaibigan nang nalaman niyang hindi siya tumupad sa kanilang usapan.
TAMA
MALI
Patatawarin kita sa iyong ginawa habang mangangako kang hindi mo ulit iyon gagawin.
TAMA
MALI
Inayos nina Miguel at Amber ang lahat ng kanilang gamit pampaaralan bago pumunta ang magkapatid sa kanilang silid-tulugan para matulog.
TAMA
MALI
Nasasabik na akong makapasyal sa mga mall samantalang makakain kami ng aming pamilya sa mga restawran.
TAMA
MALI
Maraming tindahan ang nagsara noong idineklarang ECQ ang maraming lugar sa bansa.
TAMA
MALI
Hindi siya nakarating sa aming pagdiriwang _______ biglang bumuhos ang malakas na ulan.
habang
dahil
upang
Si Marlon ay nagtatala na obserbasyon ng grupo ______ ginagawa ni Mark ang kanilang eksperimento.
o
habang
kapag
Walang pagkakamaling hindi naitutuwid ________ ikaw ay totoong nagsisisi.
pati
pero
kung
Gusto ni Arman sumali sa paligsahan ________ hindi siya nakapagsanay.
pero
saka
kapag
Nalalapit na ang araw ng pagtatanghal ________ nag-ensayo silang lahat ng kanilang presentasyon.
kaya
upang
ngunit
Magbabakasyon kami ng aming buong pamilya ________ tapos na ang pandemya ng Covid-19.
samantalang
para
kapag
Mataas ang tingin ng buong klase kay Matthew ________ maganda ang ugaling ipinakikita niya sa kanyang kapwa.
ngunit
kasi
pero
Sasagutan ko na sana ang pagsasanay na ipinagagawa ng aming guro ________ biglang naputol ang koneksyon ko ng internet.
nang
kung
pati
