Font size
WorksheetsFILIPINO 7 3rd Quarter Test Part-2
Total questions: 50
Worksheet time: 38mins
Ito ay nagsasaad kung paano nagsimula ang mga bagay- bagay. Karaniwan itong nagtataglay ng mga kababalaghan o mga hindi pangkaraniwang pangyayari.
epiko
maikling kwento
pabula
alamat
Dito inilalahad ang mga pangyayaring nagpapakita ng pag-iisip at kaugalian ng bawat tauhan at paraan ng pagharap sa suliranin.
katawan
banghay
wakas
tagpuan
Elemento kung saan makikipagsapalaran dahil sa problema ang mga sangkot sa kuwento
tauhan
tagpuan
saglit na kasiyahan
tunggalian
Ang alamat ay artikulasyon ng kung paaano inuunawa ng ating mga ninuno sa paraang pasalaysay ang kanilang pamumuhay kung kaya naman marami sa alamat ay kakikitaan ng pagtalakay sa katutubong kultura, kaugalian, mga paniniwala, at gawi ng pamumuhay.
TAMA
MALI
Sa pagdating naman ng mga Espanyol sa bansa ay saglit na nahinto ang paglaganap ng mga kuwentong-bayan at panitikang tulad ng alamat sanhi ng pagpapalaganap ng relihiyong Katolisismo.
TAMA
MALI
Ano elemento ng alamat na tumutukoy sa pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin na minsan ay sa sarili, kalikasan, sa kapuwa o maging sa lipunan?
Kasukdulan
Katapusan
Tunggalian
Suliranin
Ito ay elemento ng alamat na kung saan naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Ano ang elemento ng alamat ang binanggit?
Kakalasan
Kasukdulan
Katapusan
Saglit na kasiglahan
Ito ang pinakamadulang bahagi na kung saan maaaring makamtam ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
Kakalasan
Kasukdulan
Katapusan
Tunggalian
Ito ay tumutukoy sa isang maikling katha na binubuo ng mga pangungusap na magkakaugnay, may balangkas, may layunin at pag-unlad ng kaisipang nakasaad sa pinapaksang pangungusap na maaaring lantad o di-lantad.
Buod
Pagsusuri
Pangungusap
Pagtatalata
Ang mga sumusunod ay elemento ng alamat, alin sa mga ito ang HINDI kabilang?
Tauhan
Tagpuan
Kasukdulan
gitna
Ito ay tinatawag ding introduksiyon kung saan inilalahad ang pangunahing kaisipan o pananaw ng may-akda.
ginagawang kaakit-akit upang makapukaw, nakakaganyak, nakakahatak ng kuryusidad ng mambabasa.
panimula
gitna
konklusyon
wakas
Ito ay pahayag ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari mula noong simula hanggang sa kasalukuyan.
pakronolohikal
paanggulo
balik-tanaw
paglalahad
Ito ay batay sa personal na reaksiyon ng bawat tao tungkol sa mga isyu ang pagsasaayos ng pagpapahayag tungo sa obhetibong paglalagom.
pakronolohikal
paanggulo
balik-tanaw
paglalahad
Ito ay uri ng mabisang panimula kung saan ang panimulang ito ay naghahayag muna ng pinakadiwa bago tuntunin ang sadyang talakay.
Pasaklaw na Pahayag
pagbubuod
Pagtatanong
paglalarawan
Ito ay uri ng mabisang panimula kung saan ito ang ang resulta o kinalabasan muna ang sinasabi bago isa- isahin at pagsunud-sunurin.
Pasaklaw na Pahayag
pagbubuod
Pagtatanong
paglalarawan
Ito ay uri ng mabisang panimula kung saan binibigyang diin ay ang pagkakaiba. Ang tuntuning sinusunod dito ay mas malaki ang pagkakaiba, mas matindi ang bias
Tuwirang Sinabi
pagbubuod
Panlahat na Pahayag
Pagsalungat
Ito ay uri ng mabisang panimula kung saan karaniwang nakikitang nakapanipi sapagkat mula ito sa tapat na pagsipi sa tiyak na pahayag ng isang taong bantog, dalubhasa, awtoridad, at maaari rin namang karaniwang tao lamang ngunit ang sinabi’y naghahayag ng mahahalagang bagay na magagamit ng lunduyan sa pinapaksa.
Tuwirang Sinabi
pagbubuod
Panlahat na Pahayag
Pagsalungat
Ito ay uri ng mabisang panimula kung saan nagtataglay ng kahalagahang unibersal na maaaring hanguin sa mga salawikain, sa mga kawikaan, at maging sa mga pamilyar at pang araw-araw na makatotohanang kaalaman ng lahat na nagtatataglay ng diwa o aral.
Tuwirang Sinabi
pagbubuod
Panlahat na Pahayag
Pagsalungat
Ito ay uri ng pagwawakas ng akda kung saan hayagan ang pagpapahayag.
tuwirang sinasabi
pagbubuod
Pagtatanong
pagsisipi
Ito ay uri ng pagwawakas ng akda kung saan nagbibigay ng pagkakataon upang mag-isip ang mga mambabasa at nag-iiwan ng kakintalansa kanilang mga kaisipan.
tuwirang sinasabi
pagbubuod
Pagtatanong
pagsisipi
Ito ay uri ng pagwawakas ng akda kung saan pagkopya ng isang linya o mahigit pa sa akda, tuluyan man o patula.
tuwirang sinasabi
pagbubuod
Pagtatanong
pagsisipi
Ito ay uri ng pagwawakas ng akda kung saan nagpapahayag ng kilos para sa mabuting kahihinatnan.
tuwirang sinasabi
pagpapahiwatig ng aksiyon
Pagtatanong
pagsisipi
Ayon sa kanya, Ginagamit ang mga panandang pandiskurso para ipakita ang pagbabago ng paksa, pagtitiyak, pagbibigay halimbawa, opinyon, at paglalahat. Hinahati nito ang mga bahagi ng pahayag at ipinapakita ang relasyon ng mga ito. Ito ay kilala rin bilang panghudyat na salita.
Badayos
Abad
Santos
Arogante
Ayon sa kanya, ang panandang pangdiskurso ay maaring maghudyat ito ng pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari o di kaya ay maghimaton tungkol sa pagkakabuo ng diskurso. Karaniwan ng ito’y kinakatawan ng mga pang-ugnay o pangatnig.
Badayos
Abad
Santos
Arogante
Ito ay nagpapakita ng pag-uugnayang namamagitan sa mga pangungusap o bahagi ng teksto at nagbibigay-linaw at nag-uugnay ng mga kaisipang inilalahad sa isang teksto o diskurso.
Panandang Pandiskurso
pangatnig
transitional devices
pangngalan
Alin sa mga sumusunod ang HINDI tungkuling ginagampanan ng Panandang pandiskurso?
Mga panandang naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari o Gawain.
Mga naghuhudyat ng paraan ng pagkakabuo ng diskurso.
Mga panandang naghuhudyat ng pananaw ng may-akda.
Mga panandang naghuhudyat ng pagbibigay ng impormasyon
Ang mga panandang ito ay ginagamit sa anong tungkuling pangdiskurso: pagkatapos, sakanang sumunod na araw, sa dakong huli, at iba pa.
Mga panandang naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari o Gawain.
Mga naghuhudyat ng paraan ng pagkakabuo ng diskurso.
Mga panandang naghuhudyat ng pananaw ng may-akda.
Mga panandang naghuhudyat ng pagbibigay ng impormasyon
Ang mga panandang ito ay sa aking palagay, kung ako ang tatanungin, subalit, kaya lamang, kung, bagaman, at iba pa, ay sa anong uri ng panandang pandiskurso nakapaloob?
Mga panandang naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari o Gawain.
Mga naghuhudyat ng paraan ng pagkakabuo ng diskurso.
Mga panandang naghuhudyat ng pananaw ng may-akda.
Mga panandang naghuhudyat ng pagbibigay ng impormasyon
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa Mitolohiyang Filipino?
duwende
kapre
diyos
Jose Rizal
Isang higante na mahilig sa tabako at kadalasang nagpapakita mula sa puno ng balete
diwata
tikbalang
kapre
duwende
Isang nilalang na gumagaya sa anoyo ng isang bata, at nagmula sa mga salitang "tiyan na may anak".
diwata
tikbalang
kapre
tiyanak
Isang uri ng Aswang na pinaniniwalaang may abilidad na putulin ang kanyang katawan sa dalawa at magkaroon ng pakpak sa pagkakataon na bilog ang buwan.
aswang
manananggal
diwata
tikbalang
Isang nilalang na may mala-kabayong hitsura. Mayroon itong katawan ng isang tao subalit may mga paa ng isang kabayo.
tikbalang
kapre
tiyanak
manananggal
Siya ang diyos na lumikha ng mundo at sangkatauhan.
Amihan
Tala
Bathala
Apolaki
Sino sa mga sumusunod ang hindi anak na demigod ni Bathala?
Mayari
Tala
Sitan
Hanan
Bakit pinarusahan si Dian Masalanta?
dahil siya ay umibig sa isang mortal
dahil siya ang nais tumalo kay Bathala
dahil siya ay isang mortal
wala sa nabanggit
Tumutukoy sa kalipunan ng mga mito mula sa isang pangkat ng tao sa isang lugar na naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos-diyosan noong unang panahon
Kuwentong Bayan
Mitolohiya
Epiko
Alamat
Ang salitang mito/myth ay galing sa salitang Latin na mythos at mula sa Greek na muthos, na ang kahulugan ay ________.
kuwento
paniniwala
diyos-diyosan
pamahiin
Alin sa mga sumusunod ang panitikang hindi bumubuo sa mitolohiya?
alamat
epiko
kuwentong-bayan
parabula
Anong panahon lumaganap ang mga mito sa Pilipinas?
Panahon ng Espanyol
Panahon ng Hapon
Panahon ng Kasarinlan
Panahon ng Katutubo
Diyos mula sa mitolohiyang Pilipino na gumagawa ng sigwa sa karagatan matapos siyang mabigo sa pag-ibig
Bathala
Amanikable
Sitan
Idionale
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa gamit ng mitolohiya?
Ipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig
Ipaliwanag ang puwersa ng kalikasan
Maipaliwanag ang kasaysayan
Maipakita ang gawaing panrelihiyon na Kristiyanismo
Siya ang dakilang nakatatanda, kilala bilang taga habi.
(ISULAT SA MALALAKING TITIK.)
(a)
Sila ang inutusan ni Bathala na mamuhay kasama ang mga mortal. (ISULAT SA MALALAKING TITIK.)
(a)
Isa siya sa mga alagad ni Sitan na madalas nagpapanggap na matandang manlilimos upang makapasok sa mga bahay. (ISULAT SA MALALAKING TITIK.)
(a)
Siya ang higanteng Serpyente ng dagat.
(ISULAT SA MALALAKING TITIK.)
(a)
Siya ang diyosa ng mga nawawalang bagay.
(ISULAT SA MALALAKING TITIK.)
(a)
Siya ay walang kasarian at isinisimbolo ng isang gintong ibon. (ISULAT SA MALALAKING TITIK.)
(a)
Pinaniniwalang diyos ng digmaan, pangangalakal at paglalakbay ng Mitolohiyang Pilipino.
Apolaki
Idyanale
Bathala
Mayari
Popular na tauhan ng Mitolohiyang Pilipino na kilala rin bilang Maykapal. Siya ang lumikha ng lahat at ng buong sanlibutan.
Idionale
Apolaki
Bathala
Tala
