wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

7-D LONG TEST Quarter 4 Edukasyong sa Pagpapakatao 7

Total questions: 50

Worksheet time: 50mins

Name
Class
Date
1.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

Bakit mahalagang hayaan ng isang magulang ang kanyang anak na sumubok, pumili at magpasya para sa kanyang sarili?

a)

A.  Ito ang magbibigay sa kanila ng mga karanasang maaari nilang gamiting gabay sa mga isasagawang pagpapasya sa hinaharap.

b)

B. Ang pagkakataong ibinibigay ng magulang ang magtuturo sa mga anak na sumunod mula sa pag-unawa at pagmamahal at hindi sa pamimilit.

c)

C. Maiiwasan ang pagrerebelde ng isang anak dahil sa labis na pagnanais ng magulang na magabayan ang kanyang anak patungo sa tamang landas.

d)

D. Ang pagiging malaya sa pagpapasya ng isang anak ay maaaring magdulot ng sakit dahil sa pagkakamali ngunit dito sila natututo ng mahalagang aral.

2.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

Ito ay pundasyon o haligi ng proseso ng mabuting pagpapasya.

a)

A. Pagpapahalaga

b)

B. Damdamin

c)

C. Kilos-loob

d)

D. Isip

3.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

  1. Sa anumang proseso ng pagpapasya ito ang kadalasan at una nating hinihingi upang makagawa ng tama at mabuting pagpapasya sa anumang bagay na inaasahan sa atin.

a)

A. Panahon

b)

B. Isip

c)

C. Kalayaang magpasya    

d)

D. Pagpapahalaga

4.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

Nangangahulugan ito na kapag hinahawakan mo ang isang piyesa ay ito na dapat ang iyong ititira.

a)

A. Touch move

b)

B. don’t move     

c)

C. Nice move      

d)

D. Right move

5.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

Sa pagtatakda ng mithiin, ang ibig sabihin ng SMARTA ay:

a)

A. Specific, Measurable, Attainable, Relevant, Time-bound, Action-oriented

b)

B.  Smart, Measurable, Attainable, Refreshing, Time-bound, Action-oriented

c)

C. Smart, Measurable, Attainable, Refreshing, Time-bound, Affordable

d)

D. Specific, Measurable, Attainable, Relevant, Time-bound, Affordable

6.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

Ito ay ginagamit ng tao upang magpasya ayon sa kaniyang nais at walang pwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda nito para sa kaniya.

a)

A. Isip      

b)

B. Kalayaang magpasya

c)

C. Panahon

d)

D. Pagpapahalaga            

7.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

Bakit mahalaga na magkaroon ng mabuti at tamang pagpapasya sa buhay? Ito ay upang ______

a)

A. hindi makasakit ng kapwa     

b)

B. maging gabay sa pagkakaroon ng makabuluhang buhay at ganap na pagkatao

c)

C. makilala mo kung sino ang tunay mong mga kaibigan

d)

D. sa huli ay makatanggap ng pabuya

8.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

Ito ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay.

a)

A. proseso ng pagpapasya

b)

B. mahalagang pagpapasya  

c)

C. maling pagpapasya

d)

D. mabuting pagpapasya

9.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

Ayusin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa pagbuo ng mabuting pagpapasya.

I.         Hingin ang gabay ng Diyos sa isasagawang pagpapasiya

II.       Magnilay sa mismong aksiyon

III.     Mangalap ng mga kaalaman

IV.    Tayain ang sariling damdamin sa isasagawang pasiya

V.      Pag-aralan muli ang pasiyang ginawa

a)

A. III, IV, I, IV, V

b)

B.  I, III, V, IV, II

c)

C. I, III, II, V, IV

d)

D. III, II, I, IV, V

10.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

Nakita ni Khate ang isang grupo na nangunguha ng mga endangered species na pitcher plant. Pinaalalahanan niya ang mga ito na labag sa batas ang kanilang ginagawa subalit hindi sila nakinig. Tumawag agad siya sa kanilang kapitan upang iulat ang sitwasyon. Anong instrumento sa mabuting pagpapasya ang ginamit ni Khate sa ginawang pasya?

a)

A. Kasanayan at Kalooban

b)

B. Pangarap at Mithiin

c)

C. Isip at damdamin

d)

D. Pag-ibig at Pagkukusa

11.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

Ayon sa ginawang pasiya ni Ethel, ano ang naging gampanin ng kanyang isip?

a)

A. Pagtatakda ng gampanin batay sa sitwasyon.

b)

B. Pagsala ng sitwasyon upang maging batayan sa pagpili.

c)

C. Pagpapahalaga sa magiging resulta.

d)

D. Pagdamdam ng napiling pasya

12.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

Habang kayo ay kumukuha ng pagsusulit sa asignaturang EsP, bumulong sa'yo ang iyong kaklase at humingi ng pabor na pakopyahin siya ng mga sagot mo. Anong mabuting pagpapasya ang gagawin mo?

a)

A. Pagbibigyan mong makita ang iyong mga sagot.

b)

B. Magpapanggap kang hindi mo siya narinig.

c)

C. Hihingi ka ng pasensya at tatangihan mo siya.

d)

D. Sasabihin ang mga maling sagot sa kanya upang bumagsak.

13.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

Pangarap ni Alvin maging isang licensed engineer. Nakapasa siya sa entrance exam sa unibersidad. Kinausap siya ng guidance counselor upang alamin kung anong field ng engineering ang kukunin niya. Matapos magpasiya ni Alvin ay may agam-agam pa din siya. Ano ang dapat niyang gawin?

a)

A. Sundin ang gusto ng mga kaibigan.

b)

B. Kumuha ulit ng panibagong pagsusulit sa ibang kurso.

c)

C. Kausapin ang guidance counselor na siya na ang magpasiya.

d)

D. Pag-aralan muli ang iyong pasya na may kalakip na mas ibayong pagsusuri.

14.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

Nahihirapan magpasya si Mark kung ipagpapatuloy niya ang kaniyang pag-aaral o hindi dahil sa kahirapan sa buhay, kaya siya ay nanalangin upang malinawan ang kaniyang pag-iisip. Alin sa sumusunod na hakbang ng pagpapasya ang ginawa ni Mark?

a)

A. Pagtataya ng kaisipan.

b)

B. Pagkalap ng kaalaman o impormasyon.

c)

C. Paghingi ng gabay sa Diyos.

d)

D. Pag-aaral muli ang ginawang pasya.

15.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

Ayon sa isang kasabihan laging nasa huli ang pagsisisi. Ano ang kailangang gawin ng isang tao upang hindi siya magsisi sa kaniyang gagawing pagpapasya?

a)

A. Timbangin kung ano ang tunay na mas mahalaga.

b)

B. Maglaan ng oras at panahon bago magpasya.

c)

C. Tukuying mabuti ang maaaring maidulot ng gagawing pasya.

d)

D. Lahat ng nabanggit.

16.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

Kung nananatili sa iyo ang agam-agam dahil mayroon ka ring pakiramdam na maaari kang magsisi sa iyong pasya. Ano ang kailangan mong gawin?

a)

A. pag-aralan muli ang iyong pasya na may kalakip na ibayong pagsusuri

b)

B.  huwag mag-agam-agam dahil hindi ka makakikilos hanggang hindi ka nakapipili

c)

C. gawin na lamang kung ano ang magpapasaya sa iyo

d)

D. gawin na lamang ang magpapasaya sa nakararami

17.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

Bilang isang indibidwal, ano ang dapat mong taglayin upang harapin ang mga isyung panlipunan na susukat sa iyong moral na paninindigan? Kailangan mo ang sapat na kaalaman at kakayahan tungkol sa _____________.

a)

A. pagsasagawa ng moral na pagapapasiya

b)

B.  pagbibinata at pagdadalaga

c)

C. patakaran sa paaralan at tahanan

d)

D. pagkakaiba ng pangarap at mithiin

18.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

Ano ang ibig sabihin ng personal mission statement o personal na pahayag ng misyon sa buhay?

a)

A. Mithiin na nais marating.

b)

B. Pamantayan sa pag-abot ng mga pangarap sa buhay.

c)

C. Isang personal o pansariling motto o kredo na nagpapahayag kung ano ang kabuluhan ng iyong buhay.

d)

D. Tunguhin o pakay na nais na marating o puntahan sa hinaharap.

19.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

Ang mga sumusunod ay pamantayan sa pagsulat ng personal na pahayag sa buhay MALIBAN sa:

a)

A. Mangolekta ng mga kasabihan.

b)

B. Gamitin ang paraang tinatawag na “Brain Dump”.

c)

C. Magpahinga o maglaan ng oras sa pag-iisip.

d)

D. Hayaan na ang magulang na lamang ang magpasiya ng magiging layunin sa buhay.

20.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

Para sa bilang 20-22, basahin ang Pahayag ng Personal na Misyon sa Buhay sa ibaba.
Ang aking Pahayag ng Personal na Misyon sa Buhay

Kukuha ako ng arts and design na track sa Senior High School. Mag-aaral ng mabuti at hihingin ang gabay ng aking mga magulang, kaibigan, at pinagkakatiwaalan upang makakuha ng mataas na marka at maging inspirasyon. Magsasanay ako sa pagguhit ng mga desinyo ng gusali at istrakturang pisikal. Magiging masunurin ako sa aking mga guro at magpapasa ng mga gawain sa takdang oras na may kalidad. Susuklian ko ang mga sakripisyo ng aking mga magulang upang ako ay makapagtapos ng pag-aaral sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti at maging isang matagumpay na architect.

Ano ang pangarap ng nagsulat?

 

a)

A. Architect

b)

B. Doktor

c)

C. Nurse   

d)

D. Maging isang matagumpay na mag-aaral                 

21.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

Para sa bilang 20-22, basahin ang Pahayag ng Personal na Misyon sa Buhay sa ibaba.
Ang aking Pahayag ng Personal na Misyon sa Buhay

Kukuha ako ng arts and design na track sa Senior High School. Mag-aaral ng mabuti at hihingin ang gabay ng aking mga magulang, kaibigan, at pinagkakatiwaalan upang makakuha ng mataas na marka at maging inspirasyon. Magsasanay ako sa pagguhit ng mga desinyo ng gusali at istrakturang pisikal. Magiging masunurin ako sa aking mga guro at magpapasa ng mga gawain sa takdang oras na may kalidad. Susuklian ko ang mga sakripisyo ng aking mga magulang upang ako ay makapagtapos ng pag-aaral sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti at maging isang matagumpay na architect.

Ano ang pinakalayunin ng nagsulat?

a)

A. Maitawid ang pinapangarap sa buhay at makatulong sa pamilya at lipunan.

b)

B. Maging isang modelo sa kabataan.

c)

C. Isasapuso ang lahat ng mga aral na natutuhan.  

d)

D.  Pagsasagawa ng kabutihan sa kapuwa.               

22.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

Para sa bilang 20-22, basahin ang Pahayag ng Personal na Misyon sa Buhay sa ibaba.
Ang aking Pahayag ng Personal na Misyon sa Buhay

Kukuha ako ng arts and design na track sa Senior High School. Mag-aaral ng mabuti at hihingin ang gabay ng aking mga magulang, kaibigan, at pinagkakatiwaalan upang makakuha ng mataas na marka at maging inspirasyon. Magsasanay ako sa pagguhit ng mga desinyo ng gusali at istrakturang pisikal. Magiging masunurin ako sa aking mga guro at magpapasa ng mga gawain sa takdang oras na may kalidad. Susuklian ko ang mga sakripisyo ng aking mga magulang upang ako ay makapagtapos ng pag-aaral sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti at maging isang matagumpay na architect.

Ano ang posibleng maging balakid kay Yra sa pagakamit ng kanyang misyon?

a)

A. Magkasakit at huminto sa pag-aaral.

b)

B. Kawalan ng sapat na pananalapi.

c)

C. Hindi makapagtapos ng pag-aaral dahil sa pandemya.  

d)

D. Lahat ng nabanggit.               

23.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

Mahalaga ang pagbuo ng personal na pahayag sa buhay upang _____.

a)

A. Mapanatiling matatag sa anomang unos na dumating sa iyong buhay.

b)

B. Bigyan ng tuon ang pagtupad sa mga itinakdang mithiin sa buhay.

c)

C. Maging gabay sa ating mga pagpapasya..  

d)

D. Lahat ng nabanggit.               

24.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

Ayon kay Sean Covey, ang pahayag ng personal na misyon sa buhay ay maihahalintulad sa isang punong malalim na ugat. Ano ang ibig sabihin nito?

a)

A. Ito ay matatag at hindi mawawala, ngunit ito ay buhay at patuloy na lumalago.

b)

B. Ito ay pangmatagalang layunin upang makamit ang iyong misyon sa buhay.

c)

C. Ito ay magsisilbing lakas upang mabuhay nang matagal. 

d)

D. Wala sa nabanggit.            

25.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

Kahit na binigyan ng magandang pwesto sa kumpanya si Chit ng kanyang ama sa kanilang kumpanya, pinili pa rin nito ang magtayo ng sariling negosyo. Ito ang tunay na nagpapasaya sa kanya.

a)

A. Nakakahiya namang, mabansagang COO Child of Owner sa isang kumpanya bagama’t ikaw ay mahusay na CEO.

b)

B. Kinakailangan ding isaalang-alang ang damdamin sa paggawa ng pasya.

c)

C. Mas mahalaga na masaya ang tao sapagkat maikli lamang ang buhay

d)

D. Mahalaga kay Chit ang kanyang pansariling kaligayahan.            

26.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

  Karaniwan na ang mga linyang “Bigyan mo pa ako ng panahong makapag-isip”, sa mga mahalagang pagpapasiyang ginagawa. Ibig sabihin nito;

a)

A. Mahalagang bahagi ng proseso ng pagpapasiya ang panahon.

b)

B. Kinakailangan ng mahabang panahon ang pagpapasiya.

c)

C. Mahirap talaga ang gumawa ng pasiya

d)

D. Ang balangkas ng proseso ng pagpapasiya ay nakabatay sa panahon.            

27.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

Si Angel ay isang mabuting anak, estudyante, at kaibigan. Nais niyang maging isang matagumpay na abogado sa hinaharap. Ano ang dapat niyang gawin upang maisakatuparan ang kaniyang mithiin sa buhay?

a)

A. Kumuha ng maraming kurso.

b)

B. Magsimba tuwing Linggo.

c)

C. Sumali sa patimpalak sa debate ng Barangay

d)

D. Mag-aral ng mabuti upang makatapos at makapasa sa BAR exam.            

28.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

Ano ang benepisyong makukuha ni Angel at ng kanyang kapwa kung magiging ganap siyang abogado?

a)

A. Yayaman ang pamilya.

b)

B. Maging sikat sa kanilang lugar.

c)

C. Makatulong sa mga naapi na ipagtanggol ang kanilang karapatan

d)

D. Makapagtayo ng Negosyo.            

29.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

Paano maikukumpara sa chess ang proseso ng pagpapasiya?

a)

A. Mahirap laruin ang chess dahil ginagamitan din ito ng pag-iisip.

b)

B. Kinakailangan ito ng panahon upang laruin.

c)

C. Pinag-aaralan munang mabuti ang bawat galaw upang maging batayan ng gagawing tira

d)

D. Kailangang isaalang-alang dito ang iyong mga pagpapahalaga.            

30.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

Ang lahat ng kilos ng tao ay bunga ng proseso ng pagpapasiya. Ibig sabihin nito na:

a)

A. Ang lahat ng kilos natin ay dumadaan sa isang mahabang proseso.

b)

B. Ang lahat ng kilos natin ay ginagamitan ng proseso ng mabuting pagpapasiya.

c)

C. Ang lahat ng kilos ay nakabatay sa ating isip at kilos-loob

d)

D. Kailangang pinag-iisipang mabuti ang lahat ng ating kilos o ginagawa

31.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

Ito ay preperensya sa mga particular na uri ng Gawain. Ito ang naggaganyak sa iyo na kumilos at gumawa.

a)

A. Hilig

b)

B. Pagpapahalaga   

c)

C. kakayahan 

d)

D. mithiin

32.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

Ito ay ang pinakatunguhin o pinakapakay ng iyong nais na marating o puntahan sa hinaharap. Sa simpleng salita, ito ang nais mong mangyari sa iyong buhay sa hinaharap.

a)

A. Hilig

b)

B. Pagpapahalaga   

c)

C. kakayahan 

d)

D. mithiin

33.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

Sa kabilang banda, ito ay kalakasan (“power” o mas akma, “intellectual power”) upang makagawa ng isang pambihirang bagay tulad sa musika o sa sining. Ito ay likas o tinataglay ng tao dahil na rin sa kanyang intellect o kakayahang mag-isip.

a)

A. Hilig

b)

B. Pagpapahalaga   

c)

C. kakayahan 

d)

D. mithiin

34.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

Siyang nagiging dahilan upang ang isang bagay o ideya ay maging kanais-nais, kaiga-igaya, kahanga-hanga o kapaki-pakinabang. Mga motibo upang piliin ang isang hakbangin o pasya. (Hall, 1973)

a)

A. Hilig

b)

B. Pagpapahalaga   

c)

C. kakayahan 

d)

D. mithiin

35.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

Isa sa mga hakbang sa pagtatakda ng mithiin ang pagkakaroon ng tuon sa nais nating maabot, may kasiguruhan at pinag-iisipan.

a)

A. Tiyak o specific   

b)

B. Nasusukat o measurable   

c)

C. Naabot o attainable 

d)

D. Angkop o relevant

36.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

Ano ang pinakamakabuluhang layunin ng pagiging isang mag-aaral?

a)

A. Pataasin ang marka.   

b)

B. Pagyamanin ang kakayahang mag-isip.

c)

C. Matutunang lutasin ang sariling mga suliranin.            

d)

D. Pagkakaroon ng masidhing pagnanais na matuto.

37.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

Ang pagpapahalaga ba ang humuhubog sa kakayahan ng tao na piliin ang tama o mali?

a)

A. Oo, dahil ito rin ang nagdidikta kung ano ang maganda, mahusay at kaibig-ibig.   

b)

B. Oo, dahil ito ang dahilan niya upang kumilos o gumawa.

c)

C. Hindi, dahil hindi niya malalaman kung ano ang tama at mali.            

d)

D. Hindi, dahil hindi na kailangan ng dahilan upang gawin ang tama.

38.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

Ang pahayag ng personal na misyon sa buhay (PPMB) ay posibleng magbago o mapalitan. Ang pahayag ay________.

a)

A. Mali, dahil ang ating PPMB ay pangmatagalan 

b)

B. Tama, dahil patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga sitwasyon na nangyayari sa kaniyang buhay.

c)

C. Mali, dahil ito ang ating gabay sa pagkamit na ating mithiin.           

d)

D. Tama, dahil ito ay dikta ng Diyos sa atin

39.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

Ang pakahulugan sa moral dilemma ayon kay Kohlberg “Ito ay mga sitwasyong nagpapahayag ng dalawang magkasalungat na posisyon na kinapapalooban ng dalawang magkaiba o nagtutunggaliang pagpapahalaga. Ibig sabihin nito ay:

a)

A. Mahirap ang magpasya dahil ito ay nagiging sanhi ng pagtatalo ng isip tungkol sa mga iba’t ibang mga posisyon.

b)

B. Ang pagpapasiya ay nakabatay sa ating mga pagpapahalaga

c)

C. Ang pagpapasiya ay pagpili sa maraming pamimilihan.       

d)

D. Madali lang magpasya kung alam natin ang sarili nating mga pagpapahalaga.

40.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

Bakit kailangan dapat tukuyin ang sentro ng buhay ng isang tao sa pagbuo ng pahayag ng personal na misyon sa buhay?

a)

A. Upang sila ang gumawa ng iyong ginawang misyon.

b)

B. Ito ang magbibigay sa'yo ng seguridad, gabay, karunungan, at kapangyarihan upang isakatuparan ang misyon.

c)

C. Dahil sila ang magtutukoy ng iyong mga isasabuhay ng misyon sa buhay.     

d)

D. Upang mabigyan sila ng papuri at parangal sa inyong lugar.

41.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

Ayon kay Sean Covey, nagkakaroon ng kapangyarihan ang misyon natin sa buhay kung ito ay:

a)

A. Mayroong kaugnayan sa kaloob-looban ng sarili upang mailabas ang kahulugan niya bilang isang tao.

b)

B. Nagagamit at naibabahagi nang tama at may kahusayan bilang pagapahayag na ating pagka-bukod tangi.

c)

C. Nagagampanan nang may balance ang mga tungkulin sa pamilya, trabaho, pamayanan, at iba pa.     

d)

D. Lahat ng nabanggit

42.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

Nais maging isang magaling na inhinyero, mabuting anak, mag-aaral, at kasapi ng pamayanan. Mag-aaral ako ng mabuti upang matupad ang aking nais, makatulog sa aking mga magulang at lipunan. Susunod ako sa mga patakaran ng paaralan upang maging isang modelo sa aking kapwa mag-aaral. Magsasaliksik ng mga aralin upang makakuha ng mataas na marka. Makikiisa sa mga gawain/programa ng barangay sa pamamagitan ng pagdalo sa paglilinis at pagsunod sa mga alituntunin ng barangay.

Ang nasa itaas ba na halimbawa ng misyon sa buhay ay masasabing Action-oriented?

a)

A. Oo, dahil gumamit ito ng pangkasalukuyang kilos tulad ng mag-aaral, susunod, magsasaliksik, at makikiisa.

b)

B. Hindi, dahil hindi kayang abutin ito at hindi sapat ang oras sa pagtupad nito.

c)

C. Oo, dahil madali lang gawin ito sa loob ng isang taon at gumamait ng panghinaharap na kilos.

d)

D. Hindi, dahil walang nakasaad na takdang oras o panahon sa pagsasagawa nito.

43.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

  “Bilang isang guro nais kong magabayan ang aking mga mag-aaral, malinang ang kasanayan at pagpapahalagang kailangan upang maging miyembro ng pamilya ay pamayanan at matulungan ang kapwa guro” ay halimbawa ng anong kraytirya ng SMART-A?

a)

A. Tiyak (Specific)

b)

B. Nasusukat (Measurable)

c)

C. Naabot (Attainable)

d)

D. May takdang panahon (Time-Bound)

44.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

 “(1) Magsasaliksik ng mga bagong kaalaman araw-araw sa asignaturang EsP sa mga mapagkakatiwalaang aklat at website. (2) Makikipagtulungan sa kasamang guro upang maging madali ang pagkatuto at pagsasagawa ng gawain. (3) Mag-aaral ng master’s degree tuwing araw ng lingo upang madagdagan ang kaalaman sa loob ng 3 taon.”


Ang halimbawa na pahayag ng personal na misyon sa buhay ay makikita na may takdang panahon. Bakit kailangan na may nakatakdang panahon sa pagkamit nito?

a)

A. Dahil ito ang magsasabi sayo kung ang iyong pahayag ng personal na misyon sa buhay ay natupad.

b)

B. Dahil kagustuhan mo lang ilagay sa iyong ginawang misyon sa buhay.

c)

C. Dahil ito ang nakasaad sa ginawang pahayag ng personal na misyon ng iyong mga kaibigan.

d)

D. Dahil ito ang sinabi sa iyo ng iyong guro sa Edukasyon sa Pagpapakatao).

45.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

Bakit dapat isaalang-alang ang kraytiryang SMART-A sa pagbuo ng pahayag ng personal na misyon sa buhay?

a)

A. Upang maging kapaki-pakinabang sa iyong kapwa.

b)

B. Upang maging kontreto at tiyak sa iyong tatahakin na buhay.

c)

C. Dahil ito ang mag-aangat sa iyo na maging mapanagutang tao.

d)

D. Dahil ito ang susi sa mga plano mo sa iyong buhay.

46.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

Ito ay katangian ng kraytiryang SMART-A na tumukoy sa pagtugon sa pangangailangan ng iyong kapwa.

a)

A. Tiyak (specific)

b)

B. Angkop (relevant)

c)

C. May takdang panahon (time-bound)

d)

D. Nasusukat (measurable)

47.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

Si Joseph ay nais bumuo ng isang pahayag ng personal na misyon sa buhay. Saan dapat ito nakatuon? Nakatuon ito sa ________.

a)

A. Nais na mangyari sa katangian niya at kung paano magagamit ito sa tagumpay.

b)

B. Sariling pang-interes lamang at hindi sa pangangailangan ng kapwa.

c)

C. Pasya ng kanyang pamilya at mga kaibigan.

d)

D. Pagmamalaki ng kanyang kakayahan at katangian sa ibang tao.

48.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

Matapos maisakatuparan ni Pamela ang kanyang ginawang pahayag ng personal na misyon sa buhay, ano ang mahuhubog sa kanya bilang tao?

a)

A. Pag-asa upang makakuha ng taglay na talino.

b)

B. Pagiging mapanagutan sa pagkamit ng kabutihang panlahat at pag-iral nito sa mundo.

c)

C. Makapag-isip ng paraan upang maging tanyag sa kanilang lugar.

d)

D. Makapili ng makakasama sa pagkamit ng misyon.

49.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

Nalalapit na ang ika- 15 taon ng kaarawan ni Roy. Habang naglalakad siya sa kalye ay nakita niya ang ilang kabataan na naglalaro at naisip niyang pasayahin ang mga ito. Sumangguni siya sa kanyang ina tungkol dito. Alin sa mga sumusunod na hakbang ng mabuting pagpapasya ang ginawa ni Roy?

a)

A. Pagtataya ng kaisipan.

b)

B. Pagkalap ng kaalaman o impormasyon.

c)

C. Paghingi ng gabay sa Diyos.

d)

D. Pag-aaral muli ng ginawang pasya.

50.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

Napagpasiyahan ng mga magulang ni Joy na maghiwalay na. Magulo ang isipan ni Joy at hindi niya alam kung kanino siya sasama, kaya siya ay nagdasal muna.  Alin sa mga sumusunod na hakbang ng mabuting pagpapasya ang ginawa ni Joy?

a)

A. Pagtataya ng kaisipan.

b)

B. Pagkalap ng kaalaman o impormasyon.

c)

C. Paghingi ng gabay sa Diyos.

d)

D. Pag-aaral muli ng ginawang pasya.