wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

2nd Quarter

Total questions: 25

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Panuto : Basahing mabuti ang bawat tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang kalayaan ng tao ay laging may kakambal na:

a)

a. katarungan

b)

b. maingat na paghuhusga

c)

c. responsibilidad

d)

d. lahat ng nabanggit

2.

2. Masasabi lamang na naisagawa ang tunay na esensya ng kalayaan kung:

a)

a. Nakilala ang tama at mali at ibinabatay ang paghuhusga sa mga prinsipyong etikal

b)

b. Sinusunod ng tao ang kanyang likas na kakayahan gawin ang tama at iwasan ang masama

c)

c. A at B

d)

d. wala sa nabanggit

3.

3. Ang sumusunod ang palatandaan ng mapanagutang paggamit ng kalayaan maliban sa:

a)

a. Nakahandang harapin ang anumang kahihinatnan ng mga pagpapasya

b)

b. Naisasaalang-alang ang kabutihang pansarili at kabutihang panlahat

c)

c. Hindi sumasalungat ang kilos sa likas na batas-moral

d)

d. Naibabatay ang pagkilos sa kahihinatnan nito

4.

4. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino ang kalayaan ay katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kanyang kilos tungo sa maaaring hantungan at ang paraan upang makamit ito. Ito ay nangangahulugang:

a)

a. Ang kalayaan ng tao, katulad ng kilos-loob ay nakabatay sa dikta ng isip.

b)

b. Malaya ang taong gamitin ang kanyang kilos-loob upang pumili ng partikular na bagay o kilos.

c)

c. Ang hantungan ng kilos ay itinatakda ng tao batay sa kaniyang pagiging mapanagutan sa paggamit ng kanyang kalayaan.

d)

d. Lahat ng nabanggit

5.

5. Ang kalayaan ng tao ay nakasalalay sa kanyang _________________.

a)

a. Isip

b)

b. dignidad

c)

c. Kilos-loob

d)

d. Konsiyensiya

6.

6. ”Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa nang mabuti.” Ang pangungusap ay:

a)

a. Tama, dahil ang tao ay nilikha ng Diyos na taglay ang likas na kabutihan.

b)

b. Tama, dahil ang tunay na kalayaan ay mapanagutan kaya’t inaasahang ito ay gagamitin sa paggawa nang naaayon sa kabutihan.

c)

c. Mali, dahil ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti ayon sa paghuhusga ng tao

d)

d. Mali, dahil magkakaroon lamang ng kabuluhan ang kalayaan kung malayang magagawa ng tao ang mabuti at masama

7.

7. Ano ang nagbibigay hugis o direksiyon sa kalayaan?

a)

a. Isip

b)

b. konsiyensiya

c)

c. batas-moral

d)

d. dignidad

8.

8. Ang kalayaan ng tao ay hindi lubos. Ang pangungusap na ito ay nangangahulugang:

a)

a. Magiging malaya lamang ang tao kung ang kanyang ginawa ay kabutihan.

b)

b. Ang kalayaan ng tao ay nagtatapos sa kanyang paglabag sa likas na batas-moral

c)

c. Hindi ganap na malaya ng tao, hindi siya maaaring mamili batay lamang sa kanyang nais

d)

d. Lahat ng nabanggit

9.

9. Ayon kay Fr. De Torre, ang tao ay walang kakayahang gawin palagi ang anumang kanyang naisin. Ang pangungusap ay:

a)

a. Tama, dahil hindi ganap ang tao

b)

b. Tama, dahil maraming bagay ang nais mangyari at gawin ang tao subalit hindi niya magawa ang mga ito

c)

c. Mali, dahil taliwas ito sa tunay na kahulugan ng kalayaan

d)

d. Mali, dahil magagawa ng tao ang maraming bagay sapagkat mayroon siyang isip at kilos-loob

10.

Ayon kay Fr. De Torre, ang tao ay walang kakayahang gawin palagi ang anomang kaniyang naisin. Ang pangungusap ay:

a)

a. Tama, dahil hindi ganap ang tao.

b)

b. Tama, dahil maraming bagay ang nais gawin ng tao subalit hindi niya magawa ang mga ito dahil may mga batas na dapat isaalang-alang at sundin.

c)

c. Mali, dahil taliwas ito sa tunay na kahulugan ng kalayaan.

d)

d. Mali, dahil maaaring magawa ng tao ang anomang naisin niya ng walang inaalala.

11.

I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang TAMA kung wasto ang isinasaad sa bawat bilang at MALI kung hindi.


1. Ang kalayaan ng tao ay nakabatay sa pagsunod sa Likas na Batas Moral.

a)

TAMA

b)

MALI

12.

2. Ang kabutihang panlahat ay nangangahulugang kabutihan para sa isang indibidwal

a)

TAMA

b)

MALI

13.

3. Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti.

a)

TAMA

b)

MALI

14.

4. Ang konsensiya ay itinuturing na kakambal ng kalayaan.

a)

TAMA

b)

MALI

15.

5. Ang mapanagutang paggamit ng kalayaan ay ang paggamit ay kakayahang gawin ang tama at iwasan ang masama.

a)

TAMA

b)

MALI

16.

6. Ang pagtanggi ng alok ng kaibigan na uminom ng inuming nakakalasing ay nagpapakita ng kawalan ng kalayaan.

a)

TAMA

b)

MALI

17.

7. Ang panloob na Kalayaan ay nagmumula sa loob mismo ng tao o sa kaniyang sarili.

a)

TAMA

b)

MALI

18.

8. Ang Likas na Batas moral ang nagbibigay hugis at direksiyon sa kalayaan.

a)

TAMA

b)

MALI

19.

9. Ang kalayaan ng tao ay nakasalalay sa kilos-loob.

a)

TAMA

b)

MALI

20.

10. Ang konsensiya ay itinuturing na kakambal ng kalayaan.

a)

TAMA

b)

MALI

21.

Lagyan ng tsek ( / ) kung ang pahayag ay nagpapakita ng kalayaan at ekis ( X ) naman kung nagpapakita ng kawalan ng kalayaan.


1. Pagsunod sa patakaran ng paaralan

a)

TSEK

b)

EKIS

22.

2. Maagang pag-aasawa o pagbubuntis

a)

TSEK

b)

EKIS

23.

3. Pagrerebelde sa magulang

a)

TSEK

b)

EKIS

24.

4. Pag-aaral ng leksiyon

a)

TSEK

b)

EKIS

25.

5. Masayang pamilya

a)

TSEK

b)

MALI