NEW
Font size
WorksheetsEsP 8_Quiz_Modyul 9: Ang Birtud ng Pasasalamat
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
Kumpletuhin: Ang _______________ ay pagiging handa sa pagpapamalas ng pagpapahalaga sa taong gumawa ng kabutihang loob.
PAKIKIRAMAY
PASASALAMAT
UTANG NA LOOB
PAKIKISALAMUHA
Kumpletuhin: Ang pasasalamat ay isang ugaling Pilipino na naipapakita sa_______________.
PAKIKIRAMAY
PASASALAMAT
UTANG NA LOOB
PAKIKISALAMUHA
Ang mga sumusunod ay mga katangian ng taong mapagpasalamat, MALIBAN sa___________
Marunong magpahalaga
Puno ng biyaya
Mapagpakumbaba
Mareklamo
Ang pagsusulat sa Journal o Diary ay halimbawa ng paraan ng pasasalamat na________________
Pagkakaroon ng ritwal na pasasalamat
Pagpapadala ng liham pasasalamat
Pagbibigay ng munti o simpleng regalo
Paggawa ng kabutihang loob na walang hinihintay na kapalit
Bilang pasasalamat ni Antonette sa kanyang bestfriend dahil tinulungan siya nitong gawin ang kanyang project, binigyan nya ito ng bracelet. Anong paraan ng pasasalamat ang kanyang isinabuhay?
Pagkakaroon ng ritwal na pasasalamat
Pagpapadala ng liham pasasalamat
Pagbibigay ng munti o simpleng regalo
Paggawa ng kabutihang loob na walang hinihintay na kapalit
Dahil sa pagtutulungan ng mga miyembro sa gawain nila, nakakuha sila ng mataas na marka. Pagkatapos sabihin ng guro ang kanilang puntos, sila ay nagyakapan bilang pasasalamat sa isa't isa. Anong paraan ng pasasalamat ang kanilang isinabuhay?
Pagkakaroon ng ritwal na pasasalamat
Pagpapadala ng liham pasasalamat
Pagbibigay ng simpleng yakap o tapik
Paggawa ng kabutihang loob na walang hinihintay na kapalit
Ang wallet ni Rose ay nalaglag habang siya ay nagmamadaling makauwi. May nakapulot dito at ibinigay naman agad sa kanya, ngunit hindi na sya nakapagpasalamat dahil baka hindi niya maabutan ang kanyang ama na paalis na din. Bago matulog ay ipinagpasalamat niya na naibalik ang kanyang wallet at ipinagdasal nya ang taong nagbalik nito sa kanya, gayundin ay ipinagpasalamat niyang naabutan pa niya ang kanyang ama bago ito tuluyang makaalis dahil isang buwan ulit bago sila muling magkikita. Anong paraan ng pasasalamat ang isinabuhay niya?
Pagkakaroon ng ritwal na pasasalamat
Pananalangin ng pasasalamat sa araw-araw
Pagbibigay ng simpleng yakap o tapik
Paggawa ng kabutihang loob na walang hinihintay na kapalit
Kumpletuhin: Ang kawalan ng pasasalamat (ingratitude) naman ay isang ugali na nakapagpapababa sa ________________.
pagkatao
indibidwal
boses
tao
Ang mga sumusunod ay mga antas ng kawalan ng pasasalamat, MALIBAN sa___________________.
Hindi pagbabalik ng kabutihang loob sa kapwa
Pagtatago sa kabutihang ginawa ng kapwa
Hindi pagkilala o pagkalimot sa kabutihang natanggap
Paniningil para sa kabutihan ng isang tao.
Ito ay isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam ay karapatan mo na dapat bigyan ng dagliang pansin.
MENTALITY
ENTITLEMENT
ENTITLEMENT MENTALITY
ENCOURAGEMENT MENTALITY
Ang sumusunod ay mga nagagawa ng pagiging mapagpasalamat, maliban sa:
nakadaragdag ng likas na antibodies
nakatutulong upang makaiwas sa depresyon
nakababawas ng timbang
nakatutulong sa pagkakaroon ng malusog na presyon
Kapag likas na mapagpasalamat ang tao, ano ang nadaragdag sa kalusugan niya na panlaban sa sakit?
antibodies
antidote
antioxidant
anti-stress
Kung ang pasasalamat ay isang espesyal na birtud dahil nagampanan mo ang iyong moral na obligasyon, ito naman ang kawalan ng pasasalamat na nakapagpapababa sa pagkatao.
gratitude
ingratitude
entitlement mentality
crab mentality
Ang birtud ng pasasalamat ay gawain ng:
kalooban
damdamin
isip
konsensiya
Isang pamamaraan ng pasasalamat na kung saan nagagawa ang isang simpleng gawain na ikatutuwa ng ibang tao.
pagbibigay ng liham
Pagbibigay ng regalo
paggawa ng kabutihang loob
lahat ng nabanggit
