WorksheetsModyul 4,5,6,7,8
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Ang likas na batas moral ay hindi imbensyon ng tao, ito ay natutuklasan lamang. Ito ang pangkalahatang katotohanang may makatwirang pundasyon. Anong katangian ng likas na batas moral ang tinutukoy sa pangungusap?
Obhektibo
Unibersal
Immutable
Sobra ang sukling natanggap ni Melody nang bumili siya ng pagkain sa isang restawran. Kulang na ang pamasaheng pauwi sa kanilang bahay kaya't hindi na niya isinauli pa ang sobrang pera, lalo at alam niyang gutom na ang kanyang kapatid. Anong uri ng konsensya ang ginamit ni Melody?
Tamang konsensya
Maling konsensya
Purong konsensya
Makatwirang konsensya
Maaaring maging manhid ang konsensiya ng tao. Ang pahayag ay:
Mali, dahil hindi ito ang kalikasan ng tao.
Mali, dahil kusang gumagana ang konsiyensiya ng tao sa pagkakataon na ito ay kailangan
Tama, sapagkat maihahalintulad ito sa damdamin ng tao na maaaring maging manhid dahil sa patuloy na pagsasanay
Ano ang kakambal ng kalayaan?
pananagutan
pagnanais
pagsusumikap
paghahangad
Hindi tunay na malaya ang tao kapag wala siyang kakayahang magmalasakit sa iba at nakakulong lamang siya sa pansariling interes.
Ang tunay na kalayaan ay para sa pansariling interes.
Tunay na malaya ang tao kung iniisip niya ang pansariling interes.
Tunay na malaya ang tao kung napilitan siyang gumawa para sa iba.
Tunay na malaya ang tao kung may kakayahan siyang gumawa ng mabuti para sa sarili at sa kapwa.
Ano ang ugaling ipinakita ng tao sa pahayag na “Nakakulong ka sa pansarili mong interes"?
mahabagin
makasarili
magiliw
matapang
Ano ang nagbibigay direksyon sa kalayaan?
isip
puso
batas moral
dignidad
Bakit hindi mababawasan ang panloob na kalayaan ng tao?
sapagkat ang tao ay bukod-tangi sa lahat
sapagkat lahat ay makakaya nating gawin
sapagkat may sariling isip tayo
sapagkat nakasalalay sa kilos-loob ng tao ang kanyang kalayaan
Ito ay uri ng kalayaan na isakatuparan ang gawaing ninais ng kilos-loob.
Panlabas na kalayaan
Kalayaang gumusto
Panloob na kalayaan
Kalayaang tumutukoy
Alin sa mga sumusunod ang tama tungkol sa ideyang “may limitasyon ang kalayaan”?
Sapagkat ni walang tao ang nakagawa sa kanyang mga ninais
Dahil ang isip ng tao ay may limitasyon
Ang tao ay hindi perpekto.
Dahil ito ay nakabatay sa pagsunod sa likas na batas moral
Ito ay panloob na kalayaan na may kakayahang magnais o hindi magnais.
panlabas na kalayaan
kalayaang gumusto
panloob na kalayaan
kalayaang tumukoy
Ang lahat ng desisyon at pagpapasiya ng isang tao ay may kakambal na
pananagutan
tagumpay
kasalanan
kasiyahan
Kapag ang tao ay ikinulong, mawawala ang kanyang
likas-loob
panloob na kalayaan
panlabas na kalayaan
kilos-loob
Ano ang dignidad ng tao?
nagpapahayag ng kasikatan
tumutukoy sa kakayahan at katalinuhan
mabisang paraan para maging matagumpay
karapatan ng isang tao na pahalagahan, magkaroon ng respeto at paggalang mula sa kanyang kapwa.
Alin sa mga sumunsunod ang tamang paggalang sa dignidad ng tao?
magiging malaya sa kilos kahit nakasasama sa kapwa
mapapanatili ang damdamin ng pagmamataas sa lahat ng tao
masisiguro na magagawa ng tao ang lahat ng kaniyang nais ng walang pag-aalinlangan
ang lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi makasasakit o makasasama sa ibang tao
Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagbawas sa dignidad ng tao maliban sa
kapag siya ay tinatanggap bilang tao na kailangan nirerespeto
kapag itinuring siyang kasangkapan ng iba
kapag sandaling nalabag ang kaniyang karapatang pantao
kapag niyapakan ng kapwa ang kaniyang pagkatao
Ano ang maaari mong gawin upang mapanatili ang pangangalaga sa iyong dignidad at sa kapwa?
pahalagahan ang tao bilang tao
ipaglaban ang karapatan para maka ganti sa kaaway
tutuparin ang tungkulin para magkaroon ng papuri sa iba
ipapakita ang kakayahan para igalang ng karamihan lalo na sa mga taong kilala
Ang sumusunod ay mga pananagutan ng tao batay sa kanyang dignidad maliban sa:
Pakitunguhan ang kapwa ayon sa kanilang kakayahang magbigay.
Maging pantay sa pakikitungo sa lahat ng tao.
Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.
Igalang ang sariling buhay at buhay ng iba.
Natututunan ng isang bata ang pagsunod at paggalang sa pamamagitan ng sumusunod maliban sa
pagmamasid sa mga taong nasa paligid kung paano maging magalang at masunurin
pagsangguni sa mga barkada na nakauunawa sa kaniya
pakikinig at pagsasabuhay sa itinuturong aral ng mga magulang tungkol sa paggalang at pagsunod
pagkakaroon ng disiplina at pagwawasto ng mga magulang at nakatatanda
Mahalaga ang tao dahil siya ay may
dignidad
kayamanan
impluwensya
katanyagan
