NEW
Font size
WorksheetsGRADE 10 (GENERAL INFO: KATAMTAMAN)
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
1. Sino ang mag-aalahas na nakasalaming may kulay sa nobelang El Filibusterismo na inihalintulad sa Kardinal ng bansang Pransya?
Ibarra
Basilio
Simoun
2. Pinakikita nito ang relasyon ng pandiwa sa simuno batay sa pagkakagamit sa pangungusap.
Ponemang Suprasegmental
Pokus ng Pandiwa
Pagbabagong Morpoponemiko
3. Ang Teoryang Pampanitikan na may kinalaman sa kaalaman sa tama at maling gawain.
Moralistiko
Historikal
Sosyolohikal
4. Ano ang kahulugan ng pangalang Rizal?
Luntiang Bukirin
Ang Pinag-uusig
Gintong Palayan
5. Teoryang Pampanitikan na tumatalakay sa kakayahan at kalakasan ng mga kababaihan.
Historikal
Feminismo
Sosyolohikal
6. Ano ang pinagtutuunan ng pansin ng United Nations hinggil sa isyu ng climate change?
Pagsasaliksik tungkol sa mga epekto ng climate change
Pagpapababa ng greenhouse gas emission sa buong mundo
Pagbibigay ng tulong sa mahihirap na bansa sa mundo
Pagsugpo sa mga sakit na dulot ng pagbabagong klima sa buong mundo
7. Bakit napakaraming migranteng Pilipino?
Magulo ang sitwasyon sa Pilipinas
Naghahanap sila ng mas magandang hanapbuhay
Pinepetisyon sila ng mga kaanak na nasa ibang bansa.
Lumilikas sila mula sa pagkasalanta dulot ng kalamidad.
8. Paano nakatutulong ang mga migranteng Pilipino sa ating bansa?
a. Naghahanap sila ng trabaho para sa kapwa Pilipino.
b. Nakapagbibigay sila ng puhunan sa mga negosyanteng Pilipino.
Naghahanap sila ng trabaho para sa kapwa Pilipino.
Nakapagbibigay sila ng puhunan sa mga negosyanteng Pilipino.
Nagpapadala sila ng tulong-pinansyal para sa edukasyon ng mahihirap
Binoboto nila ang mahuhusay na mga kandidato upang mamuno sa pamahalaan.
9. Bakit itinuturing na suliraning pandaigdig ang terorismo?
Sakop ito ng pandaigdigang batas.
Pinapalala ng globalisasyon ang terorismo.
Nagaganap ito sa maraming bahagi ng daigdig.
Naapektuhan ng terorismo ang transaksyon ng mga bansa.
10. Paano tayo napagkalooban ng mga karapatan?
Ito ay itinakda ng batas
Ito ay pinagtibay ng ating mga Pangulo.
Ito ay simbolo ng pamahalaan.
Ito ay ipinaglalaban ng bawat mamamayan.
