NEW
Font size
WorksheetsAcievement Test 1st Review
Total questions: 20
Worksheet time: 3mins
.Ang Shahadah ay isa sa limang haligi ng paniniwalang Islam.Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng aral
ng salitang may salungguhit?
Pagdarasal ng limang beses sa isang araw.
.Walang ibang diyos maliban kay Allah at si Mohammed ang kaniyang propeta.
Paglalakbay sa Mecca kahit isang beses sa buhay ng mga muslim.
Pagbibigay ng limos at pagkakaloob ng bahaging kinikita sa mahihirap.
Ang Mahayana at Theravada Buddhism ay ang dalawang pagkakahati ng Buddhismo.Alin sa mga sumusunod
ang nagsasaad ng kanilang pagkakaiba sa paniniwala?
Mahayana Buddhism ay naniniwalang taong tagapagligtas si Buddha,Theravada Buddhism naniniwalang
taong diyos si Buddha.
Mahayana Buddhism ay naniniwala sa buhay na walang hanggan,Theravada Buddhism naniniwala sa
pagkabuhay na muli pagkatapos ng kamatayan.
Mahayana Buddhism ay naniniwalang diyos si Buddha,Theravada Buddhism naniniwalang banal na tao
si Buddha.
Mahayana Buddhism naniniwala sa pagkakaroon ng maliwanag na kaisipan,Theravada Buddhism
naniniwala sa pagkakaroon ng iisang diyos.
Ang Hinduismo ay nagmula sa bansang India.Alin sa mga sumusunod na pahayag ay nagsasaad ng kanilang
paniniwala maliban sa:
Naniniwala sila sa karma.
Naniniwala sila sa reinkarnasyon.
Naniniwala sila sa sa isang propeta na sugo ng kanilang diyos.
Sila ay naniniwala sa pagmamahal,paggalang at respeto sa lahat ng nabubuhay.
Sa mga digmaan at pananakop na naganap sa bawat kabihasnan, Sa iyong palagay alin sa mga sumusunod
ang maaaring naging epekto nito sa kanilang lipunan?
Nagkaroon ng malawakangv pananakop sa mga karatig lugar.
Nagkaroon ng pagsasamang kaisipan sa bawat sinaunang pangkat na nananakop.
Nagkaroon ng mahinang pamamahala bunsod sa pagbabago-bago ng mga pinuno.
Nagkaroon ng malawakang pagbabago sa kanilang lipunan.
Ang Ziggurat ay isa sa mga mahahalagang pamana ng sinaunang kabihasnan.Alin sa mga sumusunod ang
nagsasaad ng wastong paniniwala ng mga sinaunang tao ukol dito?
Ito ay nagsisilbing tahanan ng kanilang mga manggagamot.
Ito ay nagsisilbing pook sambahan ng mga sinaunang tao.
Ito ay nagsisilbing sagradong tahanan at templo ng kanilang mga patron o diyos.
Ito ay ginamit ng mga sinaunang tao na libingan ng kanilang mga hari at reyna.
Ang Kabihasnang Mesoptamia ay nasa pagitan ng dalawang ilog. Dahil dito naging mahirap para sa kanila ang
seguridad nito. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng suliraning kanilang nararanasan?
Dahil sa dalawang ilog na nakapaligid, nahirapan ang mga sinaunang tao sa kanilang transportasyon.
Dahil sa dalawang ilog na nakapaligid, naging madalas ang pagbaha sa mga pamayanan.
Dahil sa dalawang ilog na nakapaligid, ang mga sinaunang tao ay hindi makaalis sa kanilang mga
pamayanan.
Dahil sa dalawang ilog na nakapaligid, madaling nasakop ang bawat pamayanan.
Sa paniniwalang Buddhismo binibigyang diin nito ang “Apat na dakilang katotohanan” na isinasaad ng mga
sumusunod maliban sa:
Maalis ang pagnanasa kung susunod saw along landas at matatamo ang tunay na kaligayahan.
Mawawala lamang ang pagdurusa kung aalisin ang pagnanasa.
Ang pagdurusa ay nagsisilbing pagsubok para sa mga taong nagnanais makuha ang Nirvana.
Pagnanasa ang sanhi ng pagdurusa.
Kapansin-pansin na Malaki ang impluwensya ng relihiyon sa mga kaisipang Asyano.Alin sa mga sumusunod
na pahayag ang nagsasaad ng aral ng paniniwalang Kristiyanismo?
Makakamtan ang Nirvana sa pagsamba ng dakilang lumikha.
.”Ang buhay at pagdurusa ay hindi mapaghihiwalay ng tao habang ito ay nabubuhay”.
“Mahalin mo ang diyos nang buong puso,buong kaluluwa at buong pag-iisip at mahalin mo ang inyong
kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili”.
Paniniwala sa Ahimsa o hindi dapat maging marahas sa anumang bagay na may buhay.
Sa relihiyong Shintoismo pinagtitibay nila ang kanilang paniniwala sa Shinto.Alin sa mga sumusunod na
pahayag ang nagsasaad ng kanilang kaisipan hinggil sa salitang may salungguhit?
Ito ang pagsunod ng mga aral na bumabase sa kanilang banal na aklat.
Ito ang kanilang paniniwala sa buhay na walang hanggan.
Ito ang kanilang paniniwala sa pagsunod ng daan o kaparaanan ng kanilang diyos
Ito ang pagsamba nila sa kanilang mga namatay na kamag-anak.
Ang Mesopotamia ay napapaligiran ng dalawang anyong tubig na walang hangganan. Dahil dito alin sa mga
sumusunod ang naging suliranin ng kabihasnang ito?
Madali silang nasasakop ng mga karatig pook nila.
Walang tiyak na hangganan ang kanilang nasasakupan.
Naging mahaba ang kanilang paglalakbay sa mga ilog.
Naging mahirap sa mga mamamayan ang pagpasok at paglabas sa kanilang lugar.
Sinasabing mahalagang aspeto ng lipunan ay ang tao. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang gampanin
nito upang mapaunlad ang kanyang bansa?
Isinasantabi ng mga tao ang kagandahan ng ating kapaligiran kapalit ng kanilang sariling
hangarin.
Ang mga tao ang nagbabago ng hitsura ng katangiang pisikal ng ating daigdig.
Sila ang gumagamit ng likas na yaman sa lahat ng pagkakataon at sa kahit anumang paraan.
Nililinang ng tao ang yamang likas na mayroon sa kanilang bansa.
Ang functional literacy ay ang kakayahang unawain, gamitin, ang mga impormasyong binasa at isinulat sa
tahanan,hanapbuhay at pamayanan. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng salitang may salungguhit?
Ginagamit niya sa kaniyang buhay ang lahat ng leksyong kaniyang natutunan sa klase.
Hilig niya ang pagguhit ng mga magagandang tanawin.
Ang mga binabanggit ng kaniyang guro ay kaniyang isinusulat sa kaniyang kwaderno.
Binasa niya sa klase ang kaniyang ginawang sanaysay.
Ang bawat rehiyon sa Asya ay nabiyayaan ng kanya-kanyang likas na yaman. Alin sa mga sumusunod ang
nagsasaad ng WASTONG PAHAYAG ukol dito?
Sapat na enerhiya mula sa araw ang natatanggap ng rehiyong Hilagang Asya ngunit naaayon
naman ang pagtatanim ng repolyo sa klima na mayroon ang Japan.
Ang Kuwait ay mayaman sa suplay ng langis subalit ang Pilipinas ay nag-eeksport ng mga
produktong agrikultural.
Pabago-bago ang klima sa rehiyon ng Timog Asya gaya ng India at malawak na lupain naman ang
maaaring pagtamnan sa Hilagang Asya.
Mayaman sa agricultural products ang Saudi Arabia samantalang hindi mainam pagtamnan ang
lupa sa Timog-Silangang Asya.
Ang Brain Drain ay isa sa mga epekto ng pangingibang bansa ng ating mga kababayan.Alin sa mga
sumusunod ang dulot na suliranin nito?
Kakulangan sa mga mamumuno
Kakulangan sa mga talentado at mahuhusay na manggagawa sa bansa.
Pagbabawas ng populasyon
Pagdami ng mga trabaho dito na iniwanan ng mga kababayan nating umalis.
Bilang yamang tao, ikaw ay may kakayahang makatulong sa pag-unlad ng ating lipunan. Ikaw bilang
mag-aaral, masasabi mo bang kabilang ka rin bilang yamang tao?
Oo, sapagkat ang bawat isa sa atin, bata o matanda ay kabilang sa tinatawag na yamang tao ng
lipunan.
Walang tiyak na sagot dahil wala namang nabanggit na edad.
Maaari, depende ito sa ginagawa ng mag-aaral kung mabuti o hindi.
Hindi, dahil ako ay nag-aaral pa lamang at nasa pangangalaga pa ng aking mga magulang.
Ang mga taong retirado at mga mahihina na nasa piling ng kanilang mga anak ay kabilang sa tinatawag
nating _________________.
Matandang Populasyon
Batang Populasyon
Retiradong Populasyon
Produktibong Populasyon
Ang mga manggagawang kabilang sa white collar job ay nagbibigay ng malaking ambag sa ating ekonomiya.
Alin sa mga hanay ng hanapbuhay ang halimbawa ng salitang may salungguhit?
propesor, manunulat, siyentista
karpintero,mangangalakal, tubero
drayber, panadero, barbero
messenger, factory worker,construction worker
Batay sa pag-aaral noong 2013, walong porsyento ng mga Pilipino ang walang trabaho.Ang mga sumusunod
ang kadalasang mga kadahilanan nito maliban sa isa:
Batay sa tinapos na pinag-aralan.
Pagkakasakit at kawalan ng kakayahang magtrabaho.
Masamang lagay ng panahon
Pagkapagod sa paghahanap at naniniwalang walang akmang trabaho para sa kanila.
Ang bawat rehiyon sa Asya ay nabiyayaan ng kanya-kanyang likas na yaman. Alin sa mga sumusunod ang
nagsasaad ng WASTONG PAHAYAG ukol dito?
Ang Kuwait ay mayaman sa suplay ng langis subalit ang Pilipinas ay nag-eeksport ng mga produktong agrikultural.
Pabago-bago ang klima sa rehiyon ng Timog Asya gaya ng India at malawak na lupain naman ang
maaaring pagtamnan sa Hilagang Asya.
Mayaman sa agricultural products ang Saudi Arabia samantalang hindi mainam pagtamnan ang
lupa sa Timog-Silangang Asya.
Sapat na enerhiya mula sa araw ang natatanggap ng rehiyong Hilagang Asya ngunit naaayon
naman ang pagtatanim ng repolyo sa klima na mayroon ang Japan.
Ang ating bansa ay nahaharap sa malaking suliranin ng Pandemya.Bilang isang mag-aaral, ano ang
iyong maitutulong upang tuluyang masugpo ito?
Pagsunod sa mga kinauukulan at pangangalaga sa sarili upang hindi na kumalat ang sakit.
Pagkakaroon n g malakihang pagdiriwang sa iyong tahanan upang mapakain ang mas maraming
tao.
Palagiang pagbibigay impormasyon sa Social Media.
Paglabas ng bahay upang makabili ng mga bagay na makakatulong sa pag-iwas sa sakit.
