Font size
WorksheetsFil6- Balik-aral (Ikatlong Markahan)
Total questions: 15
Worksheet time: 10mins
1. Malungkot na tinanaw ni Lara Jean ang kaibigan.
Ano ang gamit ng salitang naglalarawang 'malungkot?'
Pang-uri
Pang-abay
2. Karapat-dapat lamang silang tanghaling kampeon dahil kagila-gilalas ang kanilang pagtatanghal.
Ano ang gamit ng salitang 'kagila-gilalas?'
Pang-uri
Pang-abay
3. Kusang-loob na ibinigay ng tsuper ang naiwang bag ng kanyang pasahero.
Ano ang uri ng Pang-abay ng salitang nakasalungguhit?
Ingklitik
Pamanahon
Pamaraan
Panlunan
4. Nagtulong-tulong ang mga magsasaka sa pagpuksa ng mga mapaminsalang malalaking daga sa sakahan.
Ano ang uri ng Pang-abay ng salitang nakasalungguhit?
Panlunan
Pamaraan
Ingklitik
Pamanahon
5. Aandap-andap na lumiwanag ang lampara sa gitna ng medyo mahanging gabi.
Ano ang uri ng Pang-abay ng salitang nakasalungguhit?
Pamaraan
Pamanahon
Panlunan
Ingklitik
6. Puntahan muna natin sila.
Ano ang uri ng Pang-abay ng salitang nakasalungguhit?
Pamaraan
Panlunan
Ingklitik
Pamanahon
7. Pinagtanghalan ng mga mag-aaral ang maluwag na auditorium.
Ano ang Pokus ng Pandiwa?
Lokatib
Gol
Aktor
Instrumental
8. Ipinantali ni Monique ang plastik na lubid sa kahon.
Ano ang Pokus ng Pandiwa?
Gol
Aktor
Instrumental
Lokatib
9. Lagi naming pinapasyalan ang Rizal park.
Ano ang Pokus ng Pandiwa?
Aktor
Instrumental
Gol
Lokatib
10. Alin sa mga sumusunod ang NAIIBANG Uri ng Pang-abay?
sumakay sa LRT
nahulog sa gilid ng bangin
ipinagmalaki sa buong paaralan
nagtanghal kahapon
11. Alin sa mga sumusunod ang NAIIBANG Uri ng Pang-abay?
maglalakbay sa susunod na buwan
tuwang-tuwang tinanggap
ipagdiriwang sa Disyembre
nakaraang Linggo dumating
12. Gabi-gabi naming (Imperpektibo-nood) (a) ang mga teleserye.
13. (a) (Katatapos-tanim) lamang ni inay sa bakuran ng halamang mayana.
14. Parang nagkasalubong kami pero malalim ang iniisip ko noon kaya hindi ko siya (Perpektibo-pansin) (a) .
15. Ang mga mag-aaral ay (Imperpektibo-gawa) (a) ng video teaser para sa kanilang transfer task.
