Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pamamahala ng mga Hapones

Total questions: 25

Worksheet time: 12mins

Name
Class
Date
1.
Ang pulis-militar ng Japan sa Pilipinas na nagpakita ng pagmamalabis ng kanilang kapangyarihan sa mga mamamayan.
a)
Kempeitai
b)
MAKAPILI
c)
HUKBALAHAP
d)
GERILYA
2.

Tawag sa mga Pilipinong namundok upang palihim na kalabanin ang pamamahala ng mga Hapones.

a)

Makapili

b)

Kempetai

c)

Gerilya

d)

HUKBALAHAP

3.
Pinakatanyag at pinakamalakas na kilusang gerilya ng mga magsasaka na pinamumunuan ni Luis Taruc.
a)
HUKBALAHAP
b)
KEMPEITAI
c)
GERILYA
d)
MAKAPILI
4.
Pinunong Amerikanong nakilala sa binitiwan niyang pangakong "I shall return" nang tumulak ito patungong Australia.
a)
Franklin Roosevelt
b)
Douglas MacArthur
c)
Jonathan Wainwright
d)
Edward Jones
5.

Mula sa pamahalaang Komonwelt, pinalitan ito ng isang pamahalaan na tinawag na Central Administrative Organization na pinamunuan ni Jorge Vargas bilang pangulo ng Philippine Executive Commision.

a)

TAMA

b)

MALII

6.

Sa panahon ng mga Hapon ay labis na naghirap ang mga Pilipino at marami ang nakaranas ng pagkagutom.

a)

TAMA

b)

MALI

7.

Mickey Mouse Money ang tawag sa perang inimprenta ng mga Hapon sa bansa na ginamit sa sirkulasyon sa ekonomiya.

a)

TAMA

b)

MALI

8.
Bakit tinawag na "Puppet Government" ang Ikalawang Republika ng Pilipinas noong panahon ni Jose P. Laurel?
a)
Dahil kinokontrol pa rin tayo ng mga Hapones
b)
Dahil si Jose P. Laurel ang nasusunod sa bansa
c)
Dahil ang mga Pilipino ay sunud-sunuran kay Jose P. Laurel
d)
Dahil tayong mga Pilipino ang nagpapatakbo ng ating bansa
9.
Alin ang halimbawa ng pagbabago sa edukasyon noong panahon ng Hapones?
a)
Pagkakaroon ng curfew
b)
Paggamit ng wikang tagalog at nihonggo bilang opisyal na wika
c)
Sistemang "buy-and-sell"
d)
Pagpapalabas ng mga pelikula tungkol sa husay ng kanilang armas
10.

Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari noong pananakop ng mga Hapones. Piliin ang wastong titik ng pangyayari:


  1. Pagbagsak/Pagsuko ng BataanAnswer
  2. Pagdeklara na isang “Open City” ang Maynila
  3. Naganap ang Martsa ng Kamatayan
  4. Pag-atake sa Pearl Harbor
a)

4, 2, 1, 3

b)

1, 2, 3, 4

c)

2, 1, 3, 4

d)

1, 4, 3, 2

11.

Isa si Jose Abad Santos sa iilang Pilipinong lider na hindi nakipagtulungan sa mga Hapones. Bakit kaya hindi siya nakipagtulungan?

a)

Pagod na siya sa pagiging lider.

b)

Wala siyang ambisyon.

c)

Siya ay makabayan.

d)

Takot siya sa mga Hapones.

12.

Paano kinontrol ng pamahalaang kolonyal ng mga Hapones ang mga Pilipino?

a)

Ipinagkatiwala nila ang matataas na posisyon sa mga Pilipino.

b)

Hinirang nila si Jose Laurel bilang pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas.

c)

Nagtatag lamang sila ng isang partido-pulitikal.

d)

Ginawa nilang tao-tauhan sa pamahalaan ang mga Pilipino.

13.

Sa kabila ng mga tinangkang programa ng Ikalawang Republika, bakit hindi nakuha ng pamahalaan ang tiwala ng mamamayan?

a)

sinalungat ng mga gerilya ang pamahalaan

b)

laganap ang korapsyon sa pamahalaan

c)

hindi sapat ang mga isinagawang proyekto

d)

patuloy ang pagmamalupit ng mga Hapones

14.

Ano ang ipinahihiwatig nito?

Nanatiling mahirap ang kabuhayan dahil nakaayon ang ekonomiya sa pangangailangan ng Hapon.

a)

May malasakit ang bansang Hapon.

b)

Kailangang maging masipag ng mga Pilipino.

c)

Walang malasakit ang bansang Hapon.

d)

Madaling yumaman ang bansang Hapon.

15.

Bakit umalis si Hen. Douglas MacArthur sa gitna ng digmaan ng mga Pilipino at Amerikano sa mga Hapones?

a)

Dahil siya ay takot mamamatay.

b)

Dahil gusto niyang magtago sa mga Hapones.

c)

Dahil siya ay duwag na tao.

d)

Dahil tinulungan niyang itakas si Manuel Quezon na may karamdaman sa panahon na iyon.

16.

14. Siya ang nagtatag ng Babaeng Iskawt at bumuo ng National Federation of Womens Clubs

a)

Josefa Llanes Escoda

b)

Josefa Llamas Escoba

c)

Jose Abad Santos

d)

Jose Llanes Escoda

17.

Ito ang tawag sa wika ng mga Hapones

a)

Ingles

b)

Filipino

c)

Niponggo

d)

Tsines

18.

Aling patakaran ang ipinatupad ng hapones na nakatulong sa paglinang ng wikang tagalog?

a)

ipinagbabawal ang paggamit ng wikang ingles sa loob ng bansa

b)

sapilitan silang pinababa sa at pinasusulat ng wikang nihongo

c)

ang asignaturang filipino lamang ang aralin sa mga paaralan sa bansa

d)

nagpapadala ng mga aklat na isinulat sa wikang tagalog ang mga hapones sa bawat bahay sa barangay

19.

Sino ang punong kumander ng Hapon at ng Hukbong Sandatahan ng Imperyong Hapones

a)

Heneral Masaharu Homma

b)

Heneral Mohammed Homma

c)

Heneral Antonio Luna

d)

Heneral Emilio Aguinaldo

20.

Hindi matatawaran ang kabayanihang ginawa ni Josefa Llanes Escoda kaya siya ay pinatay ng mga Hapones. Alin sa mga sumusunod ang pinakita niyang kabayanihan noong panahon ng digmaan?

a)

Nagbigay ng pagkain at damit sa mga Makapili

b)

Nagbigay ng pagkain at damit sa mga Hapones

c)

Nagbigay ng pagkain at damit sa mga kasapi ng Kalibapi

d)

Nagbigay ng pagkain at damit sa mga bilanggo ng digmaan

21.

Sa mga pangyayaring naganap sa bansa sa panahon ng Pananakop ng mga Hapones, ano ang ipinakita ng mga Pilipino?

a)

Nagtiis sila ng hirap, at nagsakripisyo ng buhay upang maipakita ang pagmamahal sa bansa

b)

Hindi sila uminom ng tubig sa balon kahit sila'y uhaw at pagod sa paglalakad

c)

Mas iningatan nila ang kanilang mga gintong ngipin kaya sila ay pinatay ng mga Hapones

d)

Lumalaban lamang ang mga Pilipino kung may sapat na kagamitang pandigma

22.

Alin kaya sa mga sumusunod ang naging magandang naidulot at aral na nagawa ng pananakop ng mga Hapones sa ating mga Pilipino?

a)

Maging malupit din sa kapwa lalo na sa mga nang-aapi

b)

Maging matatag sa mga pagsubok sa buhay at harapin ang mga problema nang may pagtitiwala sa Diyos

c)

Ipaglaban ang katwiran sa marahas na pamamaraan

d)

Hindi dapat napagpapatalo magbuwis man ng buhay ang buong pamilya

23.
Alin ang hindi kabilang sa pagmamalupit na ginawa ng mga Hapones sa mga Pilipino?
a)
Pagpapahirap sa mga bilanggo
b)
Pang-aabuso sa mga kababaihan
c)
Pagpugot ng ulo sa mga kaapi ng gerilya
d)
Walang tamang sagot
24.
Ano ang nagtulak sa mga Hapones na lumagda ng kasunduan sa pagsuko na naging hudyat ng pagwawakas ng digmaan?
a)
Pagbawi sa Maynila
b)
Pagsalakay ng mga Amerikano sa Leyte
c)
Pagbomba sa lungsod ng Nagasaki at Hiroshima
d)
Pagdiriwang ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo
25.

Sino sino ang mga tao na makikita sa isang libong piso?

a)

Joseph Abad Santos, Vicente Lim, Josefa Llanes Escoda

b)

Jose Abad Santos, Vicente Lim, Josefa Llanes Escoda

c)

Joseph Abad Santos, Victor Lim, Josefa Llanes Escoda

d)

Joseph Abad Santos, Vicente Lim, Josefine Llanes Escoda