wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Narinig mong hindi magkasundo ang iyong mga kapatid sa pag-iisip ng solusyon ng isang bagay bilang kapatid, Ano ang maari mong gawin?

a)

pabayaan silang di-magkasundo

b)

awayin mo silang dalawa

c)

gumawa ng hakbang upang muli silang magkasundo

d)

sigawan mo sila

2.

Paano maipapakita ang makatuwiran at pantay sa paggawa ng pasya?

a)

magbigay agad ng pasya

b)

iisipin o isaalang-alang ang mga taong maaapektuhan sa paggawa ng pasya

c)

magbigay agad-agad ng desisyon para sa sariling kapakanan

d)

pabayaan na lang kung ano ang magiging pasya

3.

Dalawa sa kaklase mo ang magdiwang ng kanilang kaarawan. Si Rose ay mayaman ngunit si Kris ay mahirap lamang.Sino sa dalawa ang bibigyan mo ng mamahaling regalo?

a)

Si Kris dahil siya ay may higit na nangangailangan

b)

Si Rose dahil gustong-gusto niya ang regalo

c)

Si Rose dahil mayaman

d)

magbunutan sila kung sino ang bibigyan

4.

Mahirap si Samuel ngunit matalino. Dahil dito, naging iskolar ng pamahalaan hanggang nakatapos ng doctor. Nagpasya siyang manirahan sa Amerika. Tama ba ang desisyon niya?

a)

tama, dahil mataas ang sahod doon

b)

tama, dahil masarap manirahan sa abroad

c)

hindi, dahil marami ang nangangailangan ng kaniyang serbisyo

5.

Kaarawan ng kaibigan mo at inimbitahan ka para dumalo sa kaniyang party at nangako kang dadalo. Ngunit marami

kang dapat tapusin na gawain. Ano ang gagawin mo?

a)

ipagwalang bahala ito

b)

dadalo dahil nakapangako ka

c)

hahanap ng “alibi”

d)

ipagpapatuloy ang gagawin

6.

Kumakain ka sa isang restoran. Lumapit ang isang batang gusgusin at nanghingi ng pagkain sa iyo. Ano ang nararapat mong gawin?

a)

kagalitan ang bata

b)

bigyan ng pagkain ang bata

c)

ipagtabuyan ang bata

d)

murahin ang bata

7.

Nagkaroon ng problema sa bahay na kailangan ng solusyon. Ano ang pwede mong gawin?

a)

tumulong upang solusyonan ang problema

b)

ipagwalang-bahala ang problema

c)

tawanan ang problema

8.

Karapatan ng isang batang tulad mo na magkaroon ng malusog at malinis na pangangatawan. Paano mo igagalang

ang karapatang ito?

a)

kumain ng junk foods araw-araw

b)

uminom ng softdrinks araw-araw

c)

uminom ng gatas kumain ng gulay at mag-ehersisyo araw-araw

d)

iwasan ang pagkain ng gulay at prutas

9.

Nagpasya ang mag-anak ni Luis na magsagawa ng paglilinis sa loob at labas ng kanilang tahanan sa darating na Sabado. Nakagawian ni Luis na maglaro ng basketball tuwing araw araw na ito. Kung ikaw si Luis, ano ang gagawin mo?

a)

tutulong muna sa paglilinis bago manglaro

b)

maglaro ng basketball dahil naghihintay ang barkada

c)

tutulong na nakasimangot

d)

tutulong na magdadabog

10.

Mahalin natin ang Diyos ng buong puso at kaluluwa. Paano natin naipadama ang pagmamahal sa Diyos.

a)

pagmamahal sa kapwa

b)

pagbibigay ng pagkain sa mga kaibigan lamang

c)

pagdarasal sa buong araw

d)

pagbabale-wala sa kapwa

11.

Gusto mong pasayahin ang iyong nanay at tatay. Alin sa

sumusunod ang gagawin mo?

a)

Aalis sa bahay ng walang paalam at hindi uuwi sa gabi.

b)

Aalis ako sa bahay at maglalaro sa kapitbahay.

c)

Hindi ako sasama sa kanila sa pamamasyal.

d)

Kukwentuhan ko sina nanay at tatay ng magagandang ginawa ko sa paaralan.

12.

Ito ay isang elemento o maging ginagamit ng bawat tao sa paghubog, at ginagamit na kasingkahulugan ng biyaya at kakayahan.

a)

Hilig

b)

Kakayahan

c)

Talento

d)

Pagpapahalaga

13.

Ang mga sumusunod ay ang paglalarawan ng mga inaasahang kakayahan at kilos maliban sa isa

a)

Tanggapin ang kapwa at kaniyang tunay na pagkatao.

b)

Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature relations) sa mga kasing edad

c)

Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglalapat ng tamang pamamahala sa mga ito.

d)

Paghahanda para sa paghahanapbuhay

14.

Sinabihan ka ng iyong guro na sumali sa paligsahan sa pag-awit.

a)

Tatanggi

b)

Liliban

c)

Magsasanay

15.

Alin ang hindi kakayahan?

a)

pagbasa

b)

paglalakad

c)

pag-awit

16.

Mahiyain si Cora. Alin ang gagawin niya upang malabanan niya ang kanyang ugaling ito?

a)

Mamasyal sa parke.

b)

Magbasa ng madalas.

c)

Sumali sa mga paligsahan.

17.

Marunong ang iyong kaklase sa pagguhit.

a)

Kaiinggitan siya.

b)

Aawayin siya.

c)

Sasabihin sa guro na siya ay mahusay.

18.

1. Puno at siksikan ang bus. May sumakay na matandang putol ang isang kamay.

a)

Bibigyan ko ng upuan ang matanda at ako na lamang ang tatayo.

b)

Hindi ko na lamang siya papansinin.

c)

Pagsasabihan ko na hindi na siya dapat sumakay dahil puno na.

d)

Sasabihin ko sa drayber na huwag pasakayin ang matanda.

19.

Nag-iisa ka lamang sa bahay nang may kumatok sa inyong pintuan at nanghihingi ng limos. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Aabutan ko siya ng pagkain o pera mula sa bintana ngunit titiyakin kong sarado ang pintuan.

b)

Hindi ako sasagot.

c)

Sasabihin kong wala ang mga magulang ko at nag-iisa lamang ako

d)

Sisigawan ko at paalisin sa tapat ng aming bahay

20.

Alam mong may sakit na “epilepsy” ang isa mong kamag-aral at gusto niyang makipag kaibigan at makipag laro, ano ang gagawin mo?

a)

Tutuksuhin ko siya.

b)

Sasabihan ko ang mga kaklase ko na huwag namin siyang isama sa aming kwentuhan.

c)

Yayayain ko siyang maglaro sa mga larong hindi gaanong nakakapagod.

d)

Hindi ko na lang papansinin.