WorksheetsFilipino 9-Simplicity Mahabang Pagsusulit: Ikatlong Markahan
Total questions: 50
Worksheet time: 25mins
Mula sa akdang “Ang Mabuting Samaritano, ano ang matalinhagang pahayag mula sa akda?
Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, nang buong kaluluwa mo, nang buong lakas mo, at nang buong pag-iisip mo, at ibigin mo ang inyong kapwa na gaya ng iyong sarili.
Ibigin mo lamang ang iyong pamilya at kamag-anak
Huwag tumulong sa hindi kalahi.
Ibigin mo ang ang iyong kapwa nang may hinihinging kapalit.
Mula sa akdang “Ang Mabuting Samaritano”, Nangyayari pa rin ba sa kasalukuyan ang pagtulong sa kapwa?
Oo, dahil sa pagkatao ng bawat indibidwal mayroong nakatagong kabutihan sa puso ng bawat isa.
Oo, dahil kailangang maipakita sa mga tao na nakakatulong tayo sa kapwa.
Hindi, dahil marami na ngayong kasalukuyan ang makasarili at walang pagkakaisa.
Hindi, dahil wala ng taong marunong tumanaw ng utang na loob.
Ano ang aral mula sa akdang “Ang Mabuting Samaritano”?
Paggawa ng mabuti sa kapwa.
Pagtulong sa kapwa nang walang hinihinging kapalit.
Isapuso at isa-isip ang kautusan ng Panginoon at pagsasabuhay ng mga mabuting gawa
Lahat ng nabanggit
Ito ay mga kataga o panghalip na ginagamit upang magdugtong ng kaisipan o manghalili sa pangngalan upang hindi paulit-ulit nabanggitin.
Pang-abay
Kohesyong Gramatikal
Pang-uri
Paglalahjad ng Impormasyon
“Bilang tanda ng paggalang, nagmamano tayo sa nakakatanda sa atin. GAYUNDIN, sa ibang bansa sa Asya tulad ng Tsina at Hapon, naipapakita nila ang kanilang respeto sa nakakatanda sa pamamagitan ng pagyuko.” Anong pamamaraan ng kohesyong gramatikal ang ginamit sa pahayag?
Pagpapahayag ng Pagdaragdag
Pagpapahayag ng kabawasan sa kabuuan
Dahilan o resulta ng kaganapan o pangyayari
Kondisyon, bunga, o kinalabasan
“Madali lang sana ang mahabang pagsususulit KUNG nag-aral tayo ng ating mga aralin.” Anong pamamaraan ng kohesyong gramatikal ang ginamit sa pahayag?
Pagpapahayag ng Pagdaragdag
Pagpapahayag ng kabawasan sa kabuuan
Dahilan o resulta ng kaganapan o pangyayari
Kondisyon, bunga, o kinalabasan
“Ako ay nag-aral ng aming mga aralin. DAHIL DITO, ako ay napabilang sa mga mag-aaral na makakakuha ng parangal.” Anong pamamaraan ng kohesyong gramatikal ang ginamit sa pahayag?
Pagpapahayag ng Pagdaragdag
Pagpapahayag ng kabawasan sa kabuuan
Dahilan o resulta ng kaganapan o pangyayari
Kondisyon, bunga, o kinalabasan
“MALIBAN kay Janna, lahat ng klase ay pinayagang sumama sa fieldtrip.” Anong pamamaraan ng kohesyong gramatikal ang ginamit sa pahayag?
Pagpapahayag ng Pagdaragdag
Pagpapahayag ng kabawasan sa kabuuan
Dahilan o resulta ng kaganapan o pangyayari
Kondisyon, bunga, o kinalabasan
“PARA KAY Sarah, mahalaga ang panloob na katangian bilang batayan sa pagpili ng mga kaibigan.” Anong pamamaraan ng kohesyong gramatikal ang ginamit sa pahayag?
Taliwas na Pananaw
Pagbibigay-linaw sa isang ideya
Pananaw
Probabilidad, sapantaha, o paninindigan
“Kung hindi ka mag-aaral ng iyong mga aralin, MAAARI kang bumagsak ang iyong mga grado.” Anong pamamaraan ng kohesyong gramatikal ang ginamit sa pahayag?
Taliwas Pananaw
Pagbibigay-linaw sa isang ideya
Pananaw
Probabilidad, sapantaha, o paninindigan
Ang Samaritano lamang ang natatanging tumulong sa kaniya. SIYA ay mayroong mabuting puso. Anong uri ng kohesyong Gramatikal ang tinutukoy ng pahayag?
I. Anapora
II. Katapora
Parehong tama ang I at II
Wala sa nabanggit
Si G. Juan Dela Cruz ang nanguna sa pagpapalaganap ng hustisya para sa bayan. Nais NIYANG magkaroon ng kamulatan ang mamamayan. Anong uri ng kohesyong Gramatikal ang tinutukoy ng pahayag?
I. Anapora
II. Katapora
Parehong tama ang I at II
Wala sa nabanggit
SIYA’Y hindi karapat-dapat sa paggamit ng aking pangalan, si Pedring ay nakakahiya. Anong uri ng kohesyong Gramatikal ang tinutukoy ng pahayag?
I. Anapora
II. Katapora
Parehong tama ang I at II
Wala sa nabanggit
Nang maligo SILA sa dagat, mapapansing pagkaahon nina Angela, Mckyla, at Angelo ang takot. Anong uri ng kohesyong Gramatikal ang tinutukoy ng pahayag?
I. Anapora
II. Katapora
Parehong tama ang I at II
Wala sa nabanggit
Ano ang tema ng akdang "Elehiya Para kay Ina"?
Kamatayan
Kaguluhan
Pag-ibig
Lahat ng nabanggit
"Humusay si Jessa mula noong hindi siya gumamit ng cellphone ". Anong paraan ng pagpapahayag ng damdamin ang tinutukoy ng pahayag?
Paggamit ng mga Panlapi
Pagpapasidhi ng Anyo ng Pandiwa Pagpapalit ng panlaping –um sa panlaping magpaka-
Paggamit ng mga Pangungusap na Walang Paksa
Pag-uulit ng Pang-Uri
Ano ang aral sa akdang "Elehiya Para kay Ina"?
Lahat ng nabanggit
palaging nasa huli ang pagsisisi
kapag nakagawa ng mali o napasakitan ng loob ang ina humingi kaagad ng tawad.
huwag mahiyang iparamdam sa magulang ang pagmamahal.
Ito ay isang tulang liriko na naglalarawan ng pagbubulay-bulay o guniguni na nagpapakita ng masidhing damdamin tungkol sa alala ng isang mahal sa buhay na yumao na.
Elehiya
Tanka
Haiku
Tula
Sino ang nagsasalay sa akdang "Elehiya Para kay Ina"?
Mahal sa buhay
Asawa ng Nanay
Nanay
Anak
Ito ay bahagi ng pananalita na nagbibigay deskripsyon o turing sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pangyayari, lugar, kilos, oras, at iba pa. Kadalasan, ginagamit ito upang mas bigyang linaw ang isang pangngalan.
Pang-abay
Pang-uri
Pandiwa
Wala sa nabanggit
"Walang KASINGSARAP ang marinig ang mga Pilipino na gamitin ang Wikang Filipino ". Anong paraan ng pagpapahayag ng damdamin ang tinutukoy ng pahayag?
Paggamit ng mga Panlapi
Paggamit ng mga Pangungusap na Walang Paksa
Pagpapasidhi ng Anyo ng Pandiwa Pagpapalit ng panlaping –um sa panlaping magpaka-
Pag-uulit ng Pang-Uri
"Grabe! ". Anong paraan ng pagpapahayag ng damdamin ang tinutukoy ng pahayag?
Paggamit ng mga Panlapi
Paggamit ng mga Pangungusap na Walang Paksa
Pagpapasidhi ng Anyo ng Pandiwa Pagpapalit ng panlaping –um sa panlaping magpaka-
Pag-uulit ng Pang-Uri
"Naku! ". Anong paraan ng pagpapahayag ng damdamin ang tinutukoy ng pahayag?
Paggamit ng mga Panlapi
Paggamit ng mga Pangungusap na Walang Paksa
Pagpapasidhi ng Anyo ng Pandiwa Pagpapalit ng panlaping –um sa panlaping magpaka-
Pag-uulit ng Pang-Uri
"Magandang-maganda ang tinig ng mga Pilipino kapag binibigkas ang sariling wika". Anong paraan ng pagpapahayag ng damdamin ang tinutukoy ng pahayag?
Paggamit ng mga Panlapi
Paggamit ng mga Pangungusap na Walang Paksa
Pagpapasidhi ng Anyo ng Pandiwa Pagpapalit ng panlaping –um sa panlaping magpaka-
Pag-uulit ng Pang-Uri
Ano ang suliranin sa akdang “Ang Saranggola ni Efren Abueg”?
Pakiramdam ng anak na pinahihirapan siya ng kaniyang ama
Hindi maibigay ng ama ang pangangailangan ng kaniyang anak.
May bisyo ang kaniyang mga magulang
Wala sa nabanggit
Ano ang aral mula sa akdang “Ang Saranggola ni Efren Abueg?”
Palagi tayong makikinig sa ating mga magulang at sundin ang kanilang mga payo dahil ang hangad lamang nila ay kung ano ang makakabuti sa kanila.
Huwag maghinanakit sa magulang dahil mas alam nila ang nakakabuti para sa kanilang mga anak.
Masarap malasap ang tagumpay kung sariling pagod, pawis ang iyong puhunan.
Lahat ng nabanggit
“Kamay na bakal” ano ang konotasyon ng pahayag?
Kamay na yari sa bakal
Mahigpit ang pamamalakad
Mahusay si Jessa sa pamamalakad
Lahat ng nabanggit
“Kawayan”, ano ang denotasyon ng pahayag?
Matangkad
Damong tropiko
Matayog
Wala sa nabanggit
“Nagsusunog ng kilay”, ano ang konotasyon ng pahayag?
Nag-aaral mabuti
Sinunog ang kilay
Hindi sinasadyang nasunog ang kilay
Wala sa nabanggit
Kung ikaw si Minda, ano ang mararamdaman mo habang nakikita mo ang mga kapatid mong sinasagip ka? (Alamat ng Pilipinas)
Lahat ng nabanggit
Hihingi ng tawad sa aking mga kapatid
Magsisisi dahil napahamak din sila dahil sa akin
Malulungkot dahil nadamay sila sa katigasan ng ulo ko
Mula sa akdang "Alamat ng Pilipinas", sino ang ama ng tatlong dalaga?
Abogado
Mangingisda
Higante
Mangangaso
Ano ang dala ng mga Espanyol sa ating bayan?
Pananampalatayang Kristyanismo
Lahat ng nabanggit
Pananampalatayang Ifugao
Panampalatayang Pagano
Ano ang aral sa akdang "Alamat ng Pilipinas"?
Magpapaalam palagi kung may pupuntahan
Sumunod sa payo ng magulang
Huwag gagawa ng bagay na maaari mong ikapahamak
Lahat ng nabanggit
Makatotohanan ba o hindi ang pangyayari sa akdang "Alamat ng Pilipinas"?
Hindi, dahil wala naman talagang higante.
Hindi, dahil ito ay base lamang sa imahinasyon ng sumulat upang maipaliwanag ang pinagmulan ng mga bagay-bagay.
Oo, dahil ito ay mga akdang pampanitikan.
Oo, dahil ito ay nagmula pa sa ating mga ninuno.
Mula sa akdang "Alamat ng Pilipinas", Ano ang kulturang nakapaloob sa akda?
Pagmamalasakit sa magkakapatid
Gagawin ang lahat mailigtas lang ang mahal sa buhay kahit buhay pa ang kapalit
Pagsasakripisyo ng buhay para sa kapakanan ng kapatid
Lahat ng nabanggit
Ano sa mga kulturang nakapaloob sa akdang “Hudhud ni Aliguyon”?
Pagpapakumbaba
Pakikipagkaibigan
Pagpapatawad
Lahat ng nabanggit
Ano ang aral mula sa akdang “Hudhud ni Aliguyon”?
Matutong magpakumbaba
Matutong magpatawad
Matutong tumanggap ng kamalian ng bawat isa.
Lahat ng nabanggit
Kung ikaw si Aliguyon, patatawarin mo ba ang pamilya ni Pumbakhayon? (Hudhud ni Aliguyon)
Hindi, dahil kailan man ay hindi maaaring maging magkaibigan ang magka-away.
Hindi, dahil ang pamilya nila ay nagmula sa masama.
Oo, dahil wala namang mangyayari kung mag-aaway kami.
Oo, dahil sa bawat puso ng tao may kabutihang nakatago. Ang masama ay maaaring magbago at maging mabuti.
HINDI mabuti ang pakiramdam Bugan. Anong uri ng pang-abay ang tinutukoy ng pahayag?
Pang-agam
Panang-ayon
Pananggi
Wala sa nabanggit
SIGURO hindi magkakasundo ang pamilya ni Bugan at Pumbakhayon kung hindi nila pinatawad ang isa’t isa. Anong uri ng pang-abay ang tinutukoy ng pahayag?
Pang-agam
Panang-ayon
Pananggi
Wala sa nabanggit
TIYAK na marami ang maniniwala sa iyo dahil sa angkin mong kakayahahan Aliguyon. Anong uri ng pang-abay ang tinutukoy ng pahayag?
Pang-agam
Panang-ayon
Pananggi
Wala sa nabanggit
Ano ang kulturang nakapaloob sa akdang “Sayawan sa Kasalan ni Amador Daguio”
Kung ikaw ay babae, kinakailangan na mabigyan mo ng anak ang iyong asawang lalaki.
Kung ikaw ay isang lalaki at hindi mabigyan ng anak ng iyong asawa, ang lalaki ay magpapakasal muli sa iba upang magka-anak.
Maghihiwalay ang dalawang nagmamahalang mag-asawa kung hindi magbubunga ang kanilang pagmamahalan
Lahat ng nabanggit
Ano ang sinisimbolo ng kuwintas na gawa sa beads na bigay ni Awiyao kay Lumnay? (Sayawan sa Kasalan)
Wagas na pagmamahal ni Awiyao kay Lumnay
Paghihiwalay ni Awiyao ay Lumnay
Pagkakaroon ng bagong asawa ni Awiyao
Wala sa nabanggit
Ano ang sinisimbolo ng madilim na kinalalagyan ni Lumnay? (Sayawan sa Kasalan)
Hindi maunawaan ni Lumnay ang kanilang tradisyon at kultura
Pagkakulong ni Lumnay sa nararamdaman niya kay Awiyao
Pagkakaroon ng bagong asawa ni Awiyao
Wala sa nabanggit
Ilahad ang tema sa akdang “Sayawan sa Kasalan”
Ang pag-ibig ay isang sakripisyo
Ang pag-ibig ay maaaring masukat sa pagkakaroon ng anak
Ang pag-ibig ay may kapalit
Wala sa nabanggit
Kanino nag-aalay si Lumnay upang ibigay ang kaniyang kahilingan na pagkalooban ng anak? (Sayawan sa Kasalan)
Kabunyan
Pinuno
Awiyao
Wala sa nabanggit
Ano ang dahilan kung bakit ikakasal muli si Awiyao sa ibang babae? (Sayawan sa Kasalan)
Hindi na niya mahal si Lumnay
Nagsawa si Awiyao
Hindi mabigyan ni Lumnay ng anak si Awiyao
Hindi nagagampanan ni Lumnay ang kaniyang trabahao sa gawaing bahay bilang asawa.
Mula sa akdang “Sayawan sa Kasalan”, sino ang mapapangasawang muli ni Awiyao?
Madulimay
Pinuno
Kabunyan
Limay
Kung ikaw si Lumnay, papayag ka ba sa paghihiwalay ninyo ng iyong asawa dahil lamang sa itinakdang kasunduan sa inyong tribo? (Sayawan sa Kasalan)
Hindi, dahil ang aming pagmamahalan ay wagas.
Oo, dahil ito ang kultura at tradisyon na matagal nang isinasabuhay ng tribo. Mahal ko si Awiyao, kaya’t ako ang magpaparaya.
Oo, hindi ko na lamang papansinin.
Hindi, dahil hindi naman nasusukat ang pagkakaroon ng anak upang maghiwalay ang mag-asawang nagmamahalan.
Bakit kinakailangan na magka-anak ang isang lalaki mula sa akdang “Sayawan sa Kasalan?”
dahil ang anak ang magpapatuloy sa pamumuno ng kanilang tribo
dahil ang anak ay kayamanan sa tribo
dahil ang anak ay mahalaga para sa pagbubungkal sa lupain ng kanilang tribo
Wala sa bananggit
