Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Ikatlong Markahan (Pre-test)

Total questions: 30

Worksheet time: 16mins

Name
Class
Date
1.

Ang mga taong nakinig kay Mullah ay nagulumihanan.

Ano ang ibig sabihin ng salitanng may salungguhit?

a)

naguluhan

b)

nalito

c)

napag-isip

d)

nanghinayang

2.

Nangimi ang mga nakikinig sa talumpati ni Mullah. Ano ang katutturan ng salitang may salungguhit?

a)

napahiya

b)

natuwa

c)

napangiti

d)

napaurong

3.

“Magiging kamay ito ng mandirigma, aking anak kamay na magpapasaya saiyong ama”. Ano ang ibig ipakahulugan ng mga taludtod ng tulang “Hele ng Ina” sa kanyang panganay?

a)

Magiging mandirigma ang anak na lalaki.

b)

Pangarap ng ama na maging mandirigma ang anak.

c)

Iaalay ng ama ang anak na lalaki.

d)

kaugalian ng tribo na maging mandirigma ang anak na lalaki.

4.

Anong ibig ipahiwatig ng taludtod?


Mata’y napapikit sa aking namasdan

Apat na kandila ang nangagbabantay

a)

Gamitin ang kandila upang magkaroon ng liwanag ang paligid.

b)

Nadatnang may pinaglalamayan.

c)

May sumalubong na problema.

d)

Natakot sa nakita.

5.

“Patahimikin mo iyan,” sabi ng tagapagbantay sabay turo sa bata. Hinawakan niya ang balikat si Sarah hanggang mapaluhod ito.


Ano ang mahihinuha sa pagkatao ng tagapagbantay batay sa kanyang kilos at gawi?

a)

Mapaghiganti

b)

Abusado sa kanyang kapwa

c)

Malupit sa mga tauhan

d)

Mapagsamantala sa kapangyarihan

6.

Nagtagumpay si Liongo sa pananakop ng trono ng Pate na unang napunta sa pinsang si Haring Ahmad (Hemedi) na kinilalang kauna-unahang namuno. Nais ni Haring Ahmad na mawala si Liongo kaya ikinadena at ikinulong niya si Liongo. Bakit ginawa ito ni Haring Ahmad kay Liongo?

a)

Upang palitan si Liongo sa pamumuno.

b)

Naiinggit siya sa kapangyarihan ni Liongo.

c)

Upang mabawi ang trono ng Pate kay Liongo.

d)

Mapaalis si Liongo sa kanilang lugar.

7.

Piliin ang pinakamalapit na salin sa pahayag na “She flew like an eagle.”

a)

Lumilipad siya katulad ng isang agila.

b)

Lumipad siya katulad ng agila.

c)

Pumaimbabaw tulad ng agila.

d)

Pumaimbulog tulad ng agila.

8.

Ang pinakamalapit na salin sa pahayag ay “No one dared to speak about it.”

a)

Walang nakapagsalita tungkol dito.

b)

Hindi nakapagsalita tungkol dito.

c)

Walang nangahas magsalita.

d)

Walang sinuman ang makapagsalita tungkol dito.

9.

Naging bahag ang kanyang buntot sa pagharap ng mga suliranin sa buhay. Ang ibig sabihin ng ay salungguhit sa pangungusap ay ___________.

a)

matapang

b)

duwag

c)

mahina

d)

matatag

10.

Ang alimuoy ay mabilis kumalat sa buong lugar. Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?

a)

balita

b)

usap- usapan

c)

kwento

d)

tsismis

11.

Ano ang ibig ipakahulugan ng saknong?


Pala’y siyang matino,

Nang humangi’y yumuko,

Ngunit muling tumayo

Nagkabunga ng ginto!


-Ildefonso Santos

a)

Taong dumanas ng problema sa buhay.

b)

Taong ayaw sumuko sa suliranin sa buhay.

c)

Taong mahina ang loob sa pagharap sa mga pagsubok.

d)

Taong dumaan sa pagsubok at nalampasan naging susi sa kanyang tagumpay.

12.

bulaklak: hardin: aklat ___________

a)

kagubatan

b)

karagatan

c)

katawan

d)

silid-aklatan

13.

espiritwal:Kaluluwa:pisikal ___________

a)

kagubatan

b)

karagatan

c)

katawan

d)

silid-aklatan

14.

Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng tuwirang pahayag?

a)

Batay sa mga pagbabagong nagaganap sa lungsod ng Maynila kung kaya matunog ang pangalan ngayon ni Yorme Isko Moreno.

b)

Walang malaking nakakapuwing,kaya’t huwag maliitin ang inaakalang maliit na kakayahan ng kapwa

c)

Isang malaking hamon kay Pangulong Duterte ang mga ibinibintang na isyu sa kanya.

d)

Naging matagumpay ang pagbisita ni Pang. Duterte sa bansang Russia.

15.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang di-tuwiran?

a)

Ayon sa estadistika, mas marami ang bilang ng mga babae kaysa sa mga lalaking Pilipino.

b)

Sikat at kilala sa ibang bansa ang lugar sa Boracay, sa katunayan itinanghal itong isa sa pinakamagandang resort sa Asya.

c)

Isang katotohanan na tayong mga Pilipino ay mahusay at magiliw sa pagtanggap ng mga panauhin.

d)

Sa totoo lang, marami pa din ang mga batang palaboy sa lansangan.

16.

Ang Hari ay nilikha para sa kagalingan ng kanyang nasasakupan at hindi nilikha ang mamamayan para paglingkuran ang Sultan. Ito’y nangangahulugan na:

a)

Ang mamamayan ang dapat paglingkuran ng Sultan.

b)

Ang Sultan ang dapat maunang lumapit sa mamamayan.

c)

Kailangan sambahin ng mga mamamayan ang Sultan.

d)

Kailangan yumuko ang mamamayan sa pagdating ng Sultan

17.

Sa tingin ko nga, mas mahal pa niya kami kaysa kanyang sarili. Nang mawala ang aming ama, ganoon na lamang ang pag-aalala namin sa kanya. Inaakala ko na nanghihina ang kanyang katawang pisikal at espiritwal subalit nananatili siyang matatag at nakakapit sa Diyos.


Anong uri ng ina ang masasalamin sa talata?

a)

Malulungkutin subalit matatag.

b)

Nangungunsumi sa kakulangang ng mga anak.

c)

Mapagbigay para sa pangangailangang pisikal ng mga anak.

d)

Inang mapagmahal sa kanyang mga anak at nagpapahalaga sa Diyos.

18.

Alin sa mga sumusunod na salita ang nag-aagawan ng kahulugan.

a)

Tula

b)

Sanaysay

c)

Talumpati

d)

Balagtasan

19.

“Tingnan mo ang iyong sarili,” wika ni Sassouma. Ang aking calabash ay puno. Tulungan mo ang iyong sarili, maralitang babae. Para sa akin, mayroon akong anak na nakalalakad sa edad na pito at siya ang nangangalap ng mga dahon ng baobab na iyan. Maari mong kunin ang mga iyan sapagkat ang iyong anak ay hindi makalalamang sa aking anak. “Siya’y nanunudyong humahalaklak nang matinis na pumupunit sa laman at tumatagos sa kaibuturan.


Ano ang mahihinuha sa pagkatao ni Sassouma?

a)

mapagbigay

b)

matulungin

c)

mapanghamak

d)

mapagtiis

20.

Pagkakapare-pareho ng bilang na pantig sa bawat taludtod.

a)

kariktan

b)

sukat

c)

tugma

d)

talinghaga

21.

Tunog ng mga huling pantig sa bawat taludtod.

a)

kariktan

b)

sukat

c)

tugma

d)

talinghaga

22.

Alin sa mga pahayag ang naglalahad ng damdamin sa pagpapayo /o pagmumungkahi?

a)

Pangako, hindi kita iiwan.

b)

Halika, Tingnan mo ito.

c)

Pwede, kaba sumama bukas?

d)

Mas makatutulong sa iyo ang masusing pag-aaral

23.

Alin sa sumusunod na pangungusap ang ginagamit sa panunumpa/pangangako.

a)

Tama, ang iyong winika.

b)

Itaga mo sa bato, ang aking sinasabi ang katotohanan.

c)

Higit na mabuting ito ang gawin.

d)

Huwag kang sinungaling , kung hindi lagot ka sa akin!

24.

Ang pangungusap gamit sa pagsang-ayon at pagsalungat ay ____________.

a)

Mag-iingat kayo sa inyong paglalakbay.

b)

Kung ako, ikaw mas pipiliin ko ang magpapahinga muna.

c)

Kung hindi ka titigil, lagot ka sa akin.

d)

Ikinalulungkot ko ngunit di iyan magbubunga ng positibo.

25.

Alin sa pahayag ang ginagamit sa pag-aanyay/pag-imbita/panghikayat?

a)

Huwag kang basta-basta maniniwala.

b)

Mali ang iyong panukala.

c)

Tara, punta tayo roon.

d)

Kung hindi magbabago, pupulutin ka sa kangkungan!

26.

Pangungusap na may babala ng pananakot ay ____________.

a)

Ano kaya kung pumanig ka na sa amin?

b)

Huwag kang sinungaling, lagot ka sa akin.

c)

Higit na mabuti kung ito ang uunahin mo.

d)

Tama, mahusay ang iyong panukala.

27.

“Naalala ko pa noon kasalukuyan kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit naming sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran, kung saan ang bakya na gawa sa kahoy ay hindi nararapat. Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina na magagalit dahi sa pagkawala ng aking tsinelas. Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali dali kong tinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas.

-Hango sa “Ang Tsinelas” ni Jose Rizal


Kung susuriin ang binasa, anong katangian ng isang mahusay na pagsasalaysay ang taglay nito?

a)

Ito ay napapanahon.

b)

Mahusay ang sumulat.

c)

Kawili-wili ang paraan ng pagkakasulat.

d)

Mga karanasang magkakaugnay sa pinakamasining na paraan ng pagpapahayag.

28.

Ang kahulugan ng salitang ipinabatid ay___________.

a)

ipinaalam

b)

binigyang pansin

c)

isinangguni

d)

iminungkahi

29.

Ang kahulugan ng salitang kagimbal-gimbal ay ___________.

a)

kabigla-bigla

b)

kataka-taka

c)

nakakatakot

d)

kagulat-gulat

30.

Ang kahulugan ng salitang napagwagian ay___________.

a)

nasaksihan

b)

nanalo

c)

napagtagumpayan

d)

nalampasan