wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino 7 Modesty- Mahabang Pagsusulit-Q3

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

1. Sa bahagi ng panitikan, ito ay mga simpleng paalala sa mga pasahero na maaaring matagpuan sa mga pampublikong sasakyan tulad ng jeepney, bus at traysikel?

a)

Tugmang de gulong

b)

palaisipan

c)

bugtong

d)

tulang panudyo

2.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang halimbawa ng tugmang de gulong?

a)

Ang ‘di magbayad sa pinanggalingan, ‘di makararating sa paroroonan.

b)

Bata batuta! Isang perang muta!

c)

Itim ng binili ko, pula ng ginamit ko?

d)

Anong meron sa gitna ng dagat?

3.

Ito ay uri ng karunungang bayan na ang kayarian ay may sukat at tugma at ang layunin nito ay mambuska o manudyo?

a)

tulang panudyo

b)

palaisipan

c)

bugtong

d)

tugmang de gulong

4.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang halimbawa ng Tulang Panudyo?

a)

Bata batuta! Isang perang muta!

b)

Huwag magdekwatro, ang dyip ko’y di kwarto.

c)

Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi.

d)

Anong meron sa gitna ng dagat?

5.

Ito ay uri ng karunungang bayan na pahulaan o patuturan na isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan?

a)

tulang panudyo

b)

palaisipan

c)

bugtong

d)

tugmang de gulong

6.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang halimbawa ng bugtong?

a)

Isang butil ng palay, sakop ang buong bahay?

b)

Bata batuta! Isang perang muta!

c)

Anong meron sa gitna ng dagat?

d)

Ang sitsit ay sa aso, ang katok ay sa pinto, sambitin ang “para” sa tabi tayo ay hihinto.

7.

Ito ay karunungang bayan na isang suliranin o uri ng bugtong na sinusubok ang katalinuhan ng lumulutas nito?

a)

tugmang de gulong

b)

palaisipan

c)

bugtong

d)

tulang panudyo

8.

Alin sa sumusunod na pahayag ang halimbawa ng Palaisipan?

a)

Bata batuta! Isang perang muta!

b)

Isang bolang malalim puno ng patalim

c)

Anong meron sa gitna ng dagat?

d)

Huwag kang magdekwatro ang dyip ko’y di kwarto.

9.

Sa bahagi ng gramatikang Ponemang Suprasegmental, ito ay tumutukoy sa bigat ng pagbigkas ng pantig na maaaring makapag-iba sa kahulugan ng mga salita maging ang mga ito ay magkapareho ng baybay?

a)

Tono o intonasyon

b)

diin

c)

hinto

d)

haba

10.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang halimbawa ng ponemang suprasegmental na may DIIN?

a)

Ang Hapon ay umuwi na ng hapon.

b)

Maligaya siya.

c)

Hindi siya si Jose.

d)

Ang saya niya.

11.

Ito ay tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng pantig ng isang salita, parirala o pangungusap?

a)

diin

b)

Tono o Intonasyon

c)

Hinto o Antala

d)

haba

12.

Alin sa mga pahayag ang halimbawa ng Ponemang Suprasegmental na Tono o Intonasyon?

a)

Maligaya siya?

b)

Ang buhay ng tao ay may hangganan.

c)

Hindi, siya si Jose.

d)

Ang sabi niya ay baso.

13.

Ito ay tumutukoy sa saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ipinapahayag?

a)

diin

b)

tono o intonasyon

c)

hinto o antala

d)

haba

14.

Alin sa mga pahayag ang halimbawa ng may Hinto o Antala?

a)

Maligaya siya.

b)

Hindi siya, si Jose.

c)

Lamang ang may alam.

d)

Puno ng bunga ang puno.

15.

Sa bahagi ng panitikan, ito ay isang koleksyon ng mga alamat o kwento tungkol sa mga lumang panahon, ugnayan sa pagitan ng mga diyos at diyosa at mga tao?

a)

mitolohiya

b)

alamat

c)

maikling kwento

d)

epiko

16.

Alin sa mga nasabing pamagat ang halimbawa ng Mitolohiya?

a)

Si Hebe at ang kanyang kagustuhan

b)

Ang Alamat ng Pinya

c)

Ang Nawawalang Sapatos ni Kulas

d)

Indarapatra at Sulayman

17.

Sa bahagi ng gramatikang uri ng komunikasyong berbal at di-berbal, ito ay komunikasyong gumagamit ng wika na maaaring pasulat o pasalita?

a)

berbal

b)

di-berbal

c)

pasalita

d)

pasulat

18.

Ito ay hindi gumagamit ng wika sa ganitong uri ng komunikasyon?

a)

berbal

b)

di-berbal

c)

pasalita

d)

pasulat

19.

Alin sa mga sumusunod na halimbawa ang komunikasyong di-berbal?

a)

Sign language

b)

Liham

c)

Anunsyo

d)

Magasin

20.

Sa bahagi ng panitikan, ito ay nagmula sa wikang ingles na legend at salitang latin na legenda na ang ibig sabihin ay upang mabasa?

a)

alamat

b)

mitolohiya

c)

epiko

d)

maikling kwento

21.

Ito ay bahagi ng alamat kung saan ang tauhan, tagpuan, at suliranin ng kwento ay dito mababasa?

a)

simula

b)

gitna

c)

kakalasan

d)

wakas

22.

Ito ang bahagi ng alamat kung saan dito kabilang ang saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan ng kwento?

a)

simula

b)

gitna

c)

kakalasan

d)

wakas

23.

Sa bahaging ito ng alamat mababasa ang kakalasan at katapusan ng kwento ng isang akda?

a)

simula

b)

gitna

c)

kakalasan

d)

wakas

24.

Sa bahagi ng panitikan, ito ay isang salaysayin hinggil sa mga kathang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan?

a)

maikling kwento

b)

epiko

c)

alamat

d)

kwentong bayan

25.

Ito ay isang uri ng kwentong bayan na tumatalakay kung saan nagmula o ano ang pinanggalingan ng isang bagay o hayop?

a)

alamat

b)

epiko

c)

mitolohiya

d)

maikling kwento

26.

Isang uri ng kwentong bayan na pumapaksa sa mga nagsasalitang hayop na inihahambing sa mga tao dahil sa pag-uugali at katangiang taglay ng bawat isa?

a)

epiko

b)

pabula

c)

parabula

d)

mito

27.

Isang uri ng kwentong bayan na patungkol sa mga diyos at diyosa?

a)

epiko

b)

mito

c)

pabula

d)

parabula

28.

Isang uri ng kwentong bayan na ang mga pangyayari ay buhat sa mga aral o mga kaganapan sa bibliya?

a)

epiko

b)

mito

c)

pabula

d)

parabula

29.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang isang katangian ng Kwentong bayan?

a)

Ito ay naglalaman ng gintong aral na nagpapahiwatig ng mga bagay na nangyayari sa paligid.

b)

Ito ay binubuo ng mga bulong na pangmahika o incantations.

c)

Ito ay nasa anyong salawikain, maikling tula, o kasabihan.

d)

May mga hindi ordinaryong karakter.

30.

Ito ay bahagi ng gramatika kung saan ang pang-abay na nagsasaad kung kailan naganap, nagaganap, o gaganapin ang isang pangyayari o kilos?

a)

pamanahon

b)

panlunan

c)

pang-agam

d)

panulad

31.

Alin sa mga sumusunod na halimbawa ng pahayag ang kabilang sa pang-abay na pamanahon na may pananda?

a)

Tuwing Pasko ay isinasabit ang parol.

b)

Naganap kahapon ang kanilang kasal.

c)

Taun-taon ginaganap ang pista ni San Jose sa aming bayan.

d)

Tuwing buwan ng Mayo ginaganap ang santakrusan sa aming baryo.

32.

Alin sa mga sumusunod na halimbawa ng pahayag ang kabilang sa pang-abay na pamanahon na walang pananda?

a)

Tuwing Pasko ay isinasabit ang parol.

b)

Naganap kahapon ang kanilang kasal.

c)

Nag-eehersisyo siya tuwing umaga.

d)

Umpisa bukas ay dito na siya manunuluyan.

33.

Alin sa mga sumusunod na halimbawa ng pahayag ang kabilang sa pang-abay na pamanahon na nagsasaad ng dalas?

a)

Kailangan kong pumasok nang araw-araw.

b)

Ipinagdiriwang ngayon ang kapistahan ni Apo San Jose ang aming patron.

c)

Taun-taon ginaganap sa aming baryo ang palarong palosebo.

d)

Manonood kami bukas ng pelikula.

34.

Ito ay uri ng pang-abay kung saan tumutukoy sa lugar o pook na pinangyarihan ng kaganapan, kilos, aksyon, o pangyayari at sumasagot sa tanong na saan?

a)

pamanahon

b)

panlunan

c)

pang-agam

d)

panulad

35.

Alin sa sumusunod na pahayag ang halimbawa ng pang-abay na panlunan?

a)

Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa kantina.

b)

Kailangan kong pumasok nang araw-araw.

c)

Ipinagdiriwang ngayon ang kapistahan ni Apo San Jose ang aming patron.

d)

Tuwing Pasko ay isinasabit ang parol.

36.

Ito ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuro-kuro ng may akda?

a)

talumpati

b)

sanaysay

c)

dula

d)

nobela

37.

Ito ay isang uri ng sanaysay na tumatalakay sa mga seryosong paksa at nangangailangan ng masusing pag-aaral at malalim na pagkaunawa sa paksa?

a)

pormal

b)

di-pormal

c)

payak

d)

maikli

38.

Ito ay uri ng sanaysay na tumatalakay sa mga paksang magaan, karaniwan, pang- araw-araw at personal na kuro-kuro?

a)

pormal

b)

di-pormal

c)

payak

d)

maikli

39.

Sa anong taon nagsimula ang tinatawag na sanaysay?

a)

1580

b)

1700

c)

1800

d)

1900

40.

Siya ang Pranses na may akda ng unang sanaysay na pinamagatang ESSAIS?

a)

Michael de Montaigne

b)

Joseph Addison

c)

Samuel Johnson

d)

Oliver Smith

41.

Sa kasaysayan ng pag-usbong ng sanaysay sa Pilipinas bilang panitikan, sa anong akda nagsimula ang sanaysay?

a)

The Indolence of the Filipino People of the Philippines

b)

A Century Hence

c)

Buhat sa Aming Sulok

d)

Ako’y Isang Tinig

42.

Sino ang may akda ng Sanaysay na “The Indolence of the Filipino People of the Philippines”?

a)

Jose Rizal

b)

Marcelo H. Del Pilar

c)

Graciano Lopez Jaena

d)

Jose Burgos

43.

Sino ang may akda ng sanaysay na pinamagatang “A Century Hence”?

a)

Jose Rizal

b)

Marcelo H. del Pilar

c)

Graciano Lopez Jaena

d)

Jose Burgos

44.

Sinong Pilipino ang may akda ng sanaysay na pinamagatang “Buhat sa Aming Sulok”?

a)

Graciano Jaena

b)

Paraluman Aspillera

c)

Genoveva Edroza

d)

Apolinario Mabini

45.

Anu-ano ang iba’t ibang bahagi ng Sanaysay?

a)

Simula-gitna-wakas

b)

Tema-paksa-mensahe

c)

Tema-paksa-aral

d)

Simula-paksa-kakalasan

46.

Ito ay bahagi ng sangkap ng sanaysay kung saan itinuturing na paksa dahil sa layunin sa pagkakasulat nito at kaisipang ibinabahagi?

a)

Tema at nilalaman

b)

Anyo at Istruktura

c)

Wika at Istilo

d)

Simula-gitna-wakas

47.

Ito ay sangkap ng sanaysay na mahalaga sapagkat nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa?

a)

Tema at Nilalaman

b)

Anyo at Istruktura

c)

Wika at Istilo

d)

Simula-gitna-wakas

48.

Ito ay sangkap ng sanaysay na nakaaapekto sa pag-unawa ng mambabasa higit sa mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na pang-unawa sa pahayag?

a)

Tema at Nilalaman

b)

Anyo at Istruktura

c)

Wika at Istilo

d)

Simula-gitna-wakas

49.

Ito ay tinatawag na Inferring sa wikang ingles kung saan magagawa lamang ng mambabasa kung tunay niyang nauunawaan ang kanyang binabasang artikulo o seleksyon?

a)

paghihinuha

b)

paghuhula

c)

pangamba

d)

pag-aalala

50.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang halimbawa ng isang Paghihinuha?

a)

Marahil totoo ang kanyang sinabi.

b)

Matapat siyang nilalang

c)

Mabuti itong mamamayan.

d)

Nais niyang maglakad-lakad.