Worksheets4th Quarter Worksheet #2 Filipino9
Total questions: 25
Worksheet time: 13mins
Siya ang sumisimbolo sa ideal na babae ni Rizal. Kinikilalang anak ni Kapitan Tiyago kay Pia Alba na nagpakasakit dahil sa karahasang naranasan ng kasintahan.
Doña Concolacion
Sisa
Doña Victorina
Maria Clara
Larawan ng mapagmahal na ina na gagawin ang lahat sa anak kahit magdulot ito ng kasawian sa kaniya.
Sisa
Tiya Isabel
Pia Alba
Maria Clara
Pinatunayan sa kaniyang karakter na hindi lahat ng Guwardiya Sibil ay masamâ. Siya ang nagpabatid ng kasawian ni Don Rafael kay Crisostomo.
Ten. Guevarra
Kapitan Heneral
Elias
Don Tiburcio
Taglay ng karakter na ito ang katangian ng Pilipinong hindi marunong lumingon sa pinagmulan. Siya ang asawa ng Alperes na dating labandera.
Doña Victorina
Tiya Isabel
Pia Alba
Dona Consolacion
Pinalutang ni Rizal sa karakter ng babaeng ito ang pansasamantala sa mga babae. Ginahasa siya ng isang pari na nagdulot ng labis na kalungkutan at kamatayan.
Maria Clara
Pia Alba
Doña Victorina
Sisa
Ang sawimpalad na ito ay biyograpikal na representasyon sa aktibong si Rizal. Namundok at naging tulisan para ipaglaban sa karapatan ng mga naaapi.
Crisostomo
Bruno
Elias
Tarsilo
Kumakatawan sa Pilipinong utak-kolonyal. Naglalagay ng makapal na kolorete para magmukhang Español at kinaiinisan ang kapuwa Indio.
Doña Victorina
Doña Consolacion
Kapitan Tiyago
Sisa
Paring mapagmataas at tinitingnan ang sarili bilang superyor sa lahat. Dating kura-paroko ng San Diego at nakaaway ni Crisostomo sa isang hapunan.
Padre Salvi
Pilosopo Tasyo
Padre Damaso
Ten. Guevarra
Kumakatawan siya kay Paciano Rizal na matalino ngunit naging sawimpalad dahil sa karahasan ng lipunan.
Pilosopo Tasyo
Ten. Guevarra
Elias
Crisostomo
Kakikitaan ng pagiging masinop at pagkakaroon ng pangarap para sa pamilya kahit na mahirap ang pamumuhay. Nagtapos siya ng medisina dahil sa pagsisikap.
Crispin
Elias
Crisostomo
Basilio
Kakikitaan ang karakter na ito ng magandang bisyon para sa bansa. Tumuklas ng ginto sa Europa nang mabawi ang gintong sinamsam sa kaniyang lupain.
Elias
Crisostomo
Lucas
Don Rafael
Sumisimbolo ang karakter na ito sa pagiging mapagsamantala ng mga Español. Pinagkakakitaan niya ang kaniyang pagiging huwad na manggagamot.
Ten. Guevarra
Basilio
Kapitan Tiyago
Don Tiburcio
Pinalutang ni Rizal sa kaniyang karakter ang pagiging huwad sa pananampalataya ng mga Pilipino dahil sa paggamit ng kaniyang kayamanan sa pagbili ng kabanalan.
Kapitan Tiyago
Tiya Isabel
Pia Alba
Padre Damaso
Taglay ng kaniyang katauhan ang pagiging maaalahanin sa kadugo. Ginampanan niya ang pagiging ina sa naulilang pamangkin.
Tiya Isabel
Tiya Victorina
Tiya Consolacion
Tiya Sisa
Taglay ng karakter na ito ang magaspang na pag-uugali ng isang lingkod ng simbahan. May lihim siyang pagtingin kay Maria Clara.
Kapitan Tiyago
Padre Damaso
Padre Irene
Padre Salvi
Ninuno ni Crisostomo na naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias.
Kapitan Tiyago
Don Saturnino
Don Rafael
Don Tiburcio
Kapatid ng taong madilaw na gumawa ng paghugos na ginamit sa 'di-natuloy na pagpatay kay Crisostomo.
Tarsilo
Lucas
Elias
Crispin
Siya ay malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napiling ipakakasal kay Maria Clara.
Linares
Lucas
Tarsilo
Bruno
Siya ang ama ni Don Rafael Ibarra na naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias.
Don Pedro Eibarramendia
Don Saturnino
Don Filipo Lino
Don Santiago
Siya ay isang babaeng nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila.
Donya Victorina
Donya Consolacion
Donya Victoria
Masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya’y maisilang.
Pia Alba
Donya Isabel
Donya Clara
Sino ang tagapamahala ni Crisostomo Ibarra sa pagpapagawa ng kanyang paaralan?
Lucas
Don Tiburcio
Kapitan Pablo
Maestro Nol Juan
Bakit sa Europa nag-aral si Crisostomo Ibarra nang 7 taon?
dahil nandoon ang kanyang minamahal na si Maria Clara
dahil hindi matutugunan ng sistema ng edukasyon sa Pilipinas ang pangangailangan niya
dahil nandoon ang kanyang ama na si Don Rafael Ibarra at ang kanyang ina
dahil mayaman sila at kaya niyang makapag-aral sa iba't ibang paaralan sa buong mundo
Siya ang naghanda ng isang piging bilang pasasalamat sa mahal na birhen para sa maluwalhating pagbabalik ni Crisostomo galing Europa.
Kapitan Tiago
Padre Damaso
Tenyente Guevarra
Maria Clara
Ano ang taguri sa mga taong nangakasala sa simbahan at kadalasang pinapatawang ng eskomulgasyon o ang pagpapalayas sa komunidad ng katolika?
Filibustero
Hereje
Erehe
Filibusterismo
