WorksheetsQ3 EPP 5 W1
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
1.Ang organikong pataba ay gawa sa __________ na dumi ng hayop o halaman na ang itsura ay parang lupa.
A. Binulok
B. Binili
C. Inipon
D. Ibinaon
2. Ligtas ba na gamitin ang organikong pataba?
A.Opo, dahil ito po ay ginawa ng tao.
B.Opo, dahil ito po ay nagmula sa mga basurang nabubulok.
C.Hindi po dahil mabaho po ang amoy nito.
D.Hindi po dahil ito po ay nagdudulot ng mga organismong nagdadala ng sakit.
3. Ang organikong pataba ay may kakayahang magbigay ng ___________ sa mga halaman.
A.Atraksyon
B.Kalusugan
C.Sustansiya
D.Tibay
4. Ang mga nabulok na halaman, prutas, gulay at mga dumi ng hayop ay ihinahalo sa lupa upang maging _______________.
A. Karagdagang lakas ng lupa para sa mga pananim.
B. Karagdagang lupa sa mga lupa para sa mga pananim.
C. Karagdagang amoy sa lupa para sa mga bagong pananim.
D. Karagdagang pataba sa lupa para sa mga bagong pananim.
5. Ang mga sumusunod ay benepisyo ng paggamit ng organikong pataba o abono sa mga pananim at sa lupa MALIBAN sa isa, alin ito?
A. Ito ay nagpapababa sa kakayahan ng lupa na manatiling mahalumigmig o basa na siyang nagiging dahilan para maging madali sa mga ugat na makakuha ng sustansiya.
B. Nagpapataas ng populasyon at pagkakaiba-iba ng mga organismong tumutulong sa mahusay na pagpapalitanyo ng pataba sa lupa.
C. Kung sa mga kamang punlaan ginamit, mas madali ang pagbunot sa mga punlang halaman.
D. Pinananatili nito ang pagiging matatag na istraktura ng lupa.
6. Sa paanong paraan masasabi na ligtas gamitin ang organikong pataba o abono?
A. Laging ligtas gamitin ang organikong pataba lalo na kung husto ang pagkabulok nito.
B. Mas ligtas ang organikong pataba na sariling gawa kaysa sa mga komersyal na organikong pataba
C. Sigurado ka sa pinanggalingan at nilalaman ng pataba
D. Hindi natitiyak kung paano ito naproseso.
7. Ang __________ ay isang hukay sa lupa kung saan itinatambak o inilalagay ang mga nabubulok na bagay.
A. Compost Pit
B. Basket
C. Decomposting Composting
D. Composting
8. Ito naman ay pagkokompost na nagbibigay ng isang mura, maginhawang opsyon ng pagkokompost para sa malago at matabang harding lupa.
A. Compost Pit
B. Basket Composting
C. Decomposting
D. Composting
9. Ang mga sumusunod ay hakbang sa paggawa ng organikong pataba. Alin sa mga sumusunod ang dapat na una mong gawin?
A.Ilatag ang mga nabubulok na bagay sa hukay hanggang umabot sa naaayon nitong taas.
B.Patungan ng dumi ng hayop ang mga nabubulok na bagay na inilatag sa isang hukay sa bakuran.\
C.Gumawa ng hukay sa lugar na tuyo, patag at malayo-layo sa inyong bahay na may isang metro ang lalim.
D.Pagsama-samahin ang mga natuyong dahoon, damo, balat ng prutas at gulay at iba pang mga tirang pagkain na hindi na mapapakinabangan pa.
10. Ilang araw ang kailangang palipasin bago gamitin ang organikong pataba na iyong ginawa?
A.Pagkalipas ng dalawang araw o higit pa.
B. Pagkalipas ng isang linggo o higit pa.
C. Pagkalipas ng isang buwan o higit pa.
D. Pagkalipas ng isang taon o higit pa.
